Matapos mapagdesisyunan ni Celine na i-let go ang pagsintang pururut niya sa dating katabaho na si TJ, saka naman ito kusang nakipaglapit sa kanya. Di naman nagtagal ay sa tingin niya ay nagkakamabutihan na sila. Pero nang komprontahin niya ito, doon niya napagtantong mali siya. Hindi pala sila pareho ng nararamdaman at may iba na palang tinatangi ang puso ng binata. Ngunit makalipas ang isang taon, nagkita silang muli. Magagawa niya pa rin kayang papasukin ito sa buhay niya kung ito na rin mismo ang kusang umalis? *Story Title inspired by Colbie Caillat's 'Breakthrough' album