Si Roxanne Medina ay isang dalagang propesor, nais niyang mamuhay ng tahimik at malayo sa kaguluhan, taliwas sa buhay ng mga pulitiko niyang mga magulang. Malaki ang paghanga niya sa kanyang ama at ina, subalit sa hindi inaasahang araw ay nalaman niya ang pinakatatagong sikreto ng kanyang pamilya. Sikreto na nakuha niya mula sa isang samahang naglalayon na baguhin ang mundo, ang Silakbo. Iba't ibang paniniwala ang kanyang napakinggan at nagsimula na ring magulo ang kanyang payapang pamumuhay. Ano kaya ang gagawin ni Roxanne nang malaman niyang ang mundong kanyang ginagalawan ay umiikot lamang na kasinungalingan? Magpapadala ba siya sa Samahan na taliwas ng kanyang pinaniniwalaan o susundin niya ang nais niyang paraan?