Silakbo

5 0 0
                                    

Tuluyan nang mawalan ng malay si Roxanne ay tumunog ang cellphone nito. Agad naman itong kinuha ng isa sa mga kidnapper. Pagbukas pa lamang ng cellphone ay tumambad dito ang lock screen ng cellphone na family picture nina Roxanne.

"kumpirmado boss, ito nga ang anak ni governor at senator" anito sa boss nila sabay pakita ng cellphone.

Nagising na lamang si Roxanne sa ingay ng kanyang paligid. Pagmulat nya ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang limang kalalakihang kapwa mga naka itim at nag iinuman. Kung titingnan ang paligid ay masasabi nyang sa isang abandonadong bodega sya dinala ng mga ito. Ipinikit nya ulit ang kanyang mga mata at pilit pinapakalma ang sarili na magiging ayos lang ang lahat. Na makakaalis din sya dito.

"Napakaganda mo." Nagulat siya at nag angat ng tingin sa nagsalita.
"wala kayong mapapala sa akin." Sa kabila ng kanyang panginginig sa takot ay sinikap nyang tapangan ang sarili.
"ikaw ang magiging susi sa pag-unlad ko. Kailangan lang kitang gamitin ng tama."

 Ganoon na lamang ang pagtataka ni Roxanne ng marinig ang mga katagang binitawan ng lalaki.

"Bakit ako? Ano bang mayroon sa akin na ikauunlad mo?" Gusto nya sanang itanong sa lalaki pero tumalikod na ito sa kanya. Ngayon ay hindi na lang takot ang nararamdaman nya, naguguluhan na din sya.

Malalim na ang gabi at mahimbing na rin ang tulog ng mga taong kumidnap kay Roxanne samantalang sya ay tahimik na nagmamasid sa paligid. Simula ng magkamalay ay hindi na nya hinayaan pa ang sarili na matulog muli sapagkat gusto nyang nakikita nya ang bawat galaw ng mga ito. Dahil hindi nya alam ang kung anong posibleng pwedeng mangyari sa oras na ipikit nya ang kanyang mga mata. Sa muling paglibot ng kanyang mga mata ay napansin nyang dahan-dahang bumubukas ang pinto. Muli nyang naramdaman ang takot na kanina pa nyang pinipigilan. Tuluyang bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang lalaki. Hindi nya matukoy kung kalaban ba ito. Pero isa lang ang alam nito, hindi sya kakampi.

Nang makalapit ito sa kanya ay tinitigan nya lamang ito. Gulat ang mababakas sa mga mata ni Roxanne habang marahang inaalis ng lalaki ang mga tali sa kanyang kamay at paa.
"who are y–"
"shhh, they might hear you." Wala syang nagawa kundi ang tumango na lamang at sumunod sa lalaki hanggang sa makalabas sila.

May humintong kotse sa harap nila at pumasok doon ang lalaking nagligtas sa kanya. Tiningnan sya nito na para bang sinasabing bakit hindi pa sya sumasakay. Wala na naman syang nagawa at sumakay dito. Tahimik syang nanalangin sa kanyang isipan na sana ay nasa mabuting kamay sya.

"who are you? Anong kailangan ninyo sa akin?" hindi na nya napigilang magtanong.
"I'm Christian and he is Zedrik. Nagmula kami sa Silakbo at kailangan naming ang tulong mo."
"Silakbo? Saka paano nyo nalaman kung nasaan ako?" naguguluhan pa rin nyang tanong
"Silakbo ang tawag sa aming samahan. Dalawang araw bago ka makidnap kagabi, inoobserbahan ka na namin–"
"inoobserbahan?" hindi makapaniwalang tanong nito sa lalaki
"oo. Dahil gaya nga ng sinabi ko kanina. Kailangan ng Silakbo ang tulong mo. At kagabi, lalapitan ka na sana namin pero naunahan kami ng van. Nakuha ka na nila at wala na kaming ibang nagawa kundi ang sundan na lamang ito at planuhing iligtas ka tulad ng ginawa ko." Tinitigan nya sa mga mata ang lalaki at ng makita nyang nagsasabi ito ng totoo ay nakahinga sya ng maluwag.
"pero saan nyo ako dadalhin?" tanong nya muli ng makitang iba ang daang tinatahak nila.
"sa Head quarters. Sila ang magpapaliwanag sayo ng mga dapat mong malaman."

Nang makarating sila sa isang malaking bahay ay nagpatuloy lamang si Roxanne sa pagsunod sa dalawang lalaki. Nagtataka man ay nanatiling kalmado si Roxanne. Binuksan ni Christian ang isang pinto at tumambad sa kanila ang isang malaking meeting room na puno ng mahigit 50 na katao. Halos lahat ng nasa loob ay pawang mga kaedad nya lamang. Lumapit sa kanila ang isang babae at ipinakilala ito ni Christian bilang Evelyn, ang kanilang pinuno.

"Halika, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat ng dapat mong malaman." Sumunod ako at naupo kami sa isang lamesa kung saan agad na akong nagtanong
"Sino kayo? Ano toh? Bakit ako nakidnap? Ano bang kinalaman ko sa kanila? At bakit nyo ako niligtas? Ano naman ang kinalama ko sa inyo?"
"Huminahon ka Roxanne, nandito ka ngayon sa Silakbo, isang secret organization na naglalayong baguhin ang mundo. Lahat ng mga taong nakikita mo dito ay espesyal, mga makakata, matatalino, pilosopo, talentado, at marurunong. Hindi lang kami ang bahagi nito, marami pa kaming miyembro sa iba't ibang sulok ng bansa, ng mundo. Lahat kami nagawa ng sarili naming hakbang tungo sa iisang layunin, ang mapaganda ang mundo. Nakidnap ka dahil sa mga magulang mo. Sila ang isa sa mga pinakamalaki at pinakamakapangyarihang drug dealers sa mundo. At syempre sa mundo ng kriminalidad at pulitiko, kung saan ang parehas na bahagi ang pamilya mo, maraming kaaway, kalaban. Gusto ka nilang gamitin. At niligtas ka namin dahil bukas at makapangyarihan ang iyong isipan, alam kong mabuti ka at kaya mo kaming tulungan.

"Drug dealers!? Corruption!? Mababait ang mga magulang ko. Marami na silang natulungan. Meron nga silang mga foundations at mga pribadong programang tumutulong sa mahihirap, mga pilantropo sila."

"Wag kang magbulagbulagan Roxanne magaling lang sila magtago at magpakitang tao. Isang maskara na bumabalot sa kasamaan"

"At paano nyo naman nalaman toh"

"Sabi ko naman sayo, lahat ng tao dito ay espesyal. We have hackers, writers, investigators, journalists, etc. We can technically know anything." Hindi na kayang pakinggan ni Roxanne ang mga sinasabi ni Evelyn sa kanya. "Hindi! Hindi yan totoo! Look, thank you for saving me but please send me home."

"Ito ang number ko. Call me if you feel like it and please don't tell anyone."

It pisses her off. Ang pinakaayaw nya sa lahat ay ang may maninira sa pamilya nya. She was thankful that those two saved her, but hearing those kind of things saying that her parents are involve in some drugs and corrupts. She hates it.

SilakboWhere stories live. Discover now