Mitsa

10 0 0
                                    

"That is all. Tsaka nga pala, ipapaalala ko lang na bukas na ang pasahan ng mga thesis papers nyo."

"Yes, prof."

Sa wakas, tapos na rin ang klase ni Roxanne, isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas sa kursong BS in Chemical Engineering. Makakapagpahinga na rin siya sa nakakapagod na araw. Nasanay na siya sa mapayapa niyang buhay. School. Bahay. School. Bahay. School. Bahay. Taliwas sa buhay ng kanyang mga magulang na halos iginugol na nila sa kanilang mga opisina.Nang saktong nasa may gate na ng Unibersidad si Roxanne ay tumunog ang kanyang cellphone at nakitang tumatawag ang kaniyang ina.
"Hello. Ma?"
"Roxanne, nasa bahay ka na ba?"
"Wala pa po. Nasa may gate pa lang po ng university."
"Ah, ganoon ba. Anyway, umuwi ka na't mag-gagabi na. Alam mo naman kung gaano kadelikado sa daan. Lalo na't ang daming nawawalang mga babae ngayon na nakikidnap gamit ang puting van."
"Ma. Kalma, malaki na ako. 3 taon na kaya akong nagtuturo. At sa tatlong taon na yon wala namang nangahas na gawan ako ng masama."Kahit naman noong nag aaral pa ako at hindi nyo ako nasusundo ay wala namang nangyayaring masama sa akin. Nais nya sanang idagdag ngunit alam nyang wala din itong patutunguhan.
"Hay nako, Roxanne. Hindi naman edad mo yung problema. You are the sole daughter of the good willed Senator Grace Medina and Governor Emmanuel Medina. Paniguradong madaming magkakainteres sa kagandahan natin." Natawa na lamang si Roxanne sa biglaang pagbibiro ng ina.
"Asus, si Mama talaga..."
"Don't forget to lock the door. Hindi kami makakauwi parehas ng papa mo ngayong gabi."
"Another charity work na naman?" she sounded disappointed. Her mother sighed and said, "Well, you know too well na kailangan nating i-share sa iba ang mga blessings natin diba?"
"Yes, mom. Just be careful too. Bye."

Habang naglalakad si Roxanne pauwi ay hindi nya maiwasang isipin ang mga magulang. Pang-ilang gabi na ba ito na parehas silang hindi umuwi? Wala naman ng bago doon. They are always busy and she's always left alone. Palagi na lang ang mga katulong ang kasama niya sa bahay. Her mother is a senator and her father is a governor, they are both busy na minsan na lang sila makauwi sa bahay. How she hate politics. Kinukuha nila ang oras na dapat ay ibinibigay sa kanya ng kanyang ng mga magulang. Pero siguro, mabuti na rin iyon dahil ngayon natutunan na niyang tumayo mula sa kanyang sariling mga paa.
Ganon na lamang ang pagkagulat ni Roxanne ng may puting van ang bigla na lamang huminto sa kanyang harapan. Dahil sa matinding pagkagulat ay hindi na namalayan ni Roxanne ang pagbukas nito at bigla na lamang nyang naramdaman ang panlalambot at ang unti-unting pagbagsak nya na agad namang nasalo ng lalaking may hawak ng takip sa kanyang ilong at walang kahirap hirap siyang ipinasok sa loob ng van. Bago mawalan ng malay si Roxanne ay nakita nya ang tattoo sa batok ng isa sa mga kumidnap sa kanya. Tattoo na para bang nakita na nya noon pa.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon