Ningas

0 0 0
                                    

Pagpasok niya ay bumungad ang sa kanya siEvelyn. 

"So what's the game plan, siguro naman hindi niyo ako inalok sa ganitong gawain kung wala kayong planong nakahanda " Hindi sinadya ni Roxanne ang marahas na tono ng kanyang pananalita ngunit kusa itong lumabas sa kanyang bibig. Siguro ay naninibago lang siya sapagkat sarili niyang mga magulang ang kanyang kakaharapin.

"Kailangan mong makuha ang loob nila at makasali sa mga transaksyon nila. Mas madaming impormasyon, mas maganda." "So basically, you're telling me to infiltrate my parents' business and gather as much intel as I could.""Yes." "Pero ano namang makukuha ng Silakbo sa mga impormasyon na maaari kong makuha." "Well, madami. First and foremost, ang pamilya mo ang sentro ng mga drug transaction sa bansa. Gamit ang kanilang malakas na impluwensya sa mga tao, madali nilang naipupuslit ang mga droga kung saan-saan. Kaya nilang itago ang lahat ng kasamaan nila under their prestige, their facades. Hindi sila kayang makita ng batas and that makes them the stronghold of the drug empire in the country. Think of them as the king and queen of the country's drug industry. And anong mangyayari kapag na-corner mo ang king? "

" Checkmate." tugon ni Roxanne.

" That's right. Pag nakapasok ka sa business nila, direkta nating maiimpluwensiyahan ang daloy ng droga sa bansa. Plus, madali din nating mamo-monitor ang galaw nila. "" That makes sense. Pero, ano ba ang dapat kong gawin? "" Help us. Gain their trust. At nagawa na namin ang mga preparasyon para dito. Kailangan mong hanapin ang archives at databases nila. "" Hacking? Wala naman akonh alam sa mga ganyang bagay. "" Yes, gagawa tayo ng duplicate ng network ng transactions nila, researches, developments, plans, lahat. Then, we can move forward from that, and phase one will be completed. "" Eh, bakit kailangan niyo pa ng tulong ko? " tanong ni Roxanne. " It wouldn't be called a stronghold kung madali lang yun mapapasok basta-basta. And, we have to be more efficient with our measures. Kaya kailangan ka namin. You just need to plug this drive in the main system. 20 seconds and we're done." Okay, susubukan ko. "Naguguluhan pa rin si Roxanne sa mga sinabi sa kanya ni Evelyn pero desidido na siya na gawin ito. " Alam naming kaya mo yan" paninigurado ni Evelyn sa kanya.

Wala siyang trabaho ngayong araw ng linggo kung kaya't naisipan niyang kausapin ang kanyang ina. Nang makita niya ang kanyang ina ay napansin niyang papaalis ito. Makalipas ang limang minuto ng paglisan ng ina ay sinundan niya agad ito dala ang kanyang kotse. Masama ang kutob niya. Hindi niya alam kung bakit pero ninanais niya na sana mali ang hinala niya. Na hindi niya sinusundan ang kanyang ina sa isang ipinagbabawal na transaksyon. Mabagal siyang nagmaneho upang hindi siya mapansin. Matapos ang tila kalahating oras na pagmamaneho ay napatigil ang kotseng sinasakyan ng kanyang ina sa isang abandonadong pabrika. Agad siyang napahinto sa isang bakanteng lote sa di kalayuan at napagdesisyunang lakadin ang pabrika.

"Anong ginagawa niyo dito, mama?" "Oh, Roxanne bat ka naririto?!" bakas na bakas sa kanyang pananalita ang gitla na may kaunting halo ng pagkatakot. "Mama, stop panicking, okay? Alam ko na yung drug business for quite a long time okay." pagsisinungaling ni Roxanne. "As if naman po may maitatago kayo sakin, wag na kayong magmaang-maangan pa. I understand. And honestly, gusto ko rin pong maging parte ng business. I guess it runs in the family, but you see, parang ito na rin yung field of specialty ko Ma, nakakalungkot lang na parang you don't trust me at all. " dagdag pa niya" Well, um... Nakakagulat lang. Hindi ko lubos maisip na tatanggapin mo yung uhh... line of work namin ng Papa mo. " pautal-utal na tugon ng kanyang ina" Of course Ma, tanggap ko lahat ng ginagawa niyo ni Pa. So, would you let me in the business? Promise, di ako makakaabala and I'm a fast learner. I'm sure na magiging valuable asset ako sa business ""Yes, kung yan yung gusto mo. Just let me talk about it with Pa, okay?" "Okay, but first, i-tour niyo muna ako at i-orient. Think of this as bonding natin Ma. Di niyo na kailangan magtago at iwanan ulit ako."

'Bakit?' Unang tanong na pumasok sa isip ni Roxanne sa pagpasok nila ng abandonadong pabrika. Tumambad sa kanya ang napakaraming trabahador na gumagawa ng hindi na mabilang na iba't ibang klase ng pinagbabawal ng gamot. Hindi nya lubusang maisip kung bakit nagawa ito ng kanyang mga magulang, 'kulang ba kami sa aspektong pinansyal?', 'namana rin ba nila ito mula sa kanilang magulang?', napakaraming tanong ang umiikot sa isip ni Roxanne na mga panahong iyon.

"Anak may problema ba?" sabi ng ina ni Roxanne, nang mapansin ang pamumutla ng anak. "Ahh wa....wala po ma, i'm just glad na pumayag kayong itour ako dito and di ko maipagkakaila Ma, napakaganda ng facility nato, di ko inexpect na ganitong kalawak ang kapangyarihan nyo regarding on illegal drugs " "Mabuti naman kung ganon Roxanne, and by the way maari muna ba kitang iwan saglit, I just need to fix something." "Ooh wait let me guess, it's about the Chinese transactions right?" wika ni Roxanne. "And how do you know about that?" pagtataka ng ina. "Mom, don't worry okay. You can trust me, at para sagutin ang tanong mo I just overhead your conversation the last night" "Okay, go tour yourself around but don't go near that area", sabi ng ina ni Roxanne sabay turo sa hagdan na patungo sa ilalim na parte ng pabrika. "Sure mom, I can handle myself" "Sige just wait for me, mabilis lang 'to".

Sa pagtalikod ng ina ay di napigilang tumulo ang mga luha sa mata ni Roxanne, sinundan nya ng tingin ang kanyang magulang hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. "Roxanne, don't cry you have a mission kailangan mong gawin yon para sa kanila okay, tatagan mo ang loob mo kaya mo yan", wika ni Roxanne sa kanyang sarili.

Nagsimulang mag- ikot sa pabrika si Roxanne iba't ibang mga klase ng droga ang kanyang nakikita. At di rin nakawala sa kanyang mata ang mga mayayamang opisyal na nagmamasid rin sa loob nito. At sa hindi namamalayang paraan ay napunta siya malapit sa hagdan na itinuro sa kanya ng ina. Tumingin sya sa paligid upang siguraduhin kung walang nakakakita sa kanya, sinimulan nyang bagtasin ang daan pababa. Maingat ang kanyang bawat paggalaw, kasabay nang kanyang paghakbang ang pagbilis ng pintig ng kanyang puso. Sa pagdating nya sa ibaba tumambad sa kanya ang isang malaking monitor na nagpapakita ng mapa ng buong mundo, at mga linyang wariy nagdudugtong sa mga ito. Napansin nyang ang lahat ng linya ay nagtatagpo sa isang lugar, ang lugar na kinatatayuan niya. Dito napagtanto ni Roxanne kung ano ang ibig sabihin ng mga linya sa bawat bansa, natagpuan na nya ang puso ng transactions at kailangan na lang niyang isaksak ang drive na binigay sa kanya ng organisasyon.

Bigla syang nakarinig ng mga yabag mula sa itaas, namutlang muli si Roxanne, naisip nya na nabigo na nya ang grupo. Tahimik syang nagtungo sa isang sulok at tiningnan kung saan nanggagaling ang yabag at sa kanyang pagkagulat ay mula ito sa kanyang ina. "Hindi bat mariin kong sinabi sayo na huwag kang pupunta rito?!", di na sinubukan pang magtago ni Roxanne at hinarap nya ang ina.

"Ma, hin......hindi ko sinasadya, sa pagiikot ko kasi ay masyado akong nahumaling sa pasilidad, at hindi ko napansin na ang hagdan palang inyong sinasabi ang aking napuntahan. Ma naman eh masyadong maraming hagdan sa loon ng pabrika eh alam nyo namang makakalimutin ako diba?", dali- daling pagdadahilan ni Roxanne.

"Ganun ba?, sige umuwi ka na, susunod na lang ako. Mag- ingat ka sa daan".

Nagpaalam na ang dalawa at bago tuluyang bumalik ng bahay si Roxanne ay sinulyapan nyang muli ang lugar na sa pagdating ng oras ay magdadala sa kanila sa kaguluhan.

SilakboWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu