Dahil sa kasawian sa pag-ibig, naisipan ni Chace na magtago muna sa isang pribadong beach house na pagmamay-ari ng kanyang ninang. Gusto muna niya ng kaunting katahimikan sa magulo niyang love life. Ngunit nabulabog ang katahimikan na nais niya sa pagdating ni Rainey Rosales, ang nag-iisang pamangkin ng kanyang ninang. Nawasak man ang puso niya, hindi naman malamig iyon. He welcomed Rainey and shared the house with her. Soon, nakilala niya ng husto ang dalaga. She was weird, he could say. Ngunit hindi iyon naging hadlang para makita niya ang kagandahang-loob nito. Ito na kaya ang bubuong muli sa puso niyang nawasak?