"Book, Blossom and Fate (The Book of Destinesia)" Ang libro na nilikha isang siglo na ang lumipas... Ang istorya ay tumatakbo sa kaharian ng apat na panahon. Summer Autumn Winter Spring Sa kwento, ang apat na panahon ay nasa apat na direksyon ng kanilang mundo. Sa Hilaga ay ang Winter, Sa Timog ay ang Autumn naman, Sa Kanluran ay ang Summer na panahon at ang huli ay sa Silangan kung saan ang panahon na tinatawag na Spring. May apat na ihihirang na tagapangalaga o isang 'Maiden' kung kanilang tawagin na pangangalagaan ng bawat lupain. Bilang mga napiling mga Maiden, isa sa mga layunin nila ang protektahan ang kani-kanilang mga kinakatawang tribo. Ang bawat Maiden na napili ay bibigyan ng tungkulin na hanapin ang apat na piraso ng brilyante na sumasagisag sa kanilang panahon. Nahati ito dahil sa kanilang nagawang mga kasalanan, pinarusahan sa kanilang ginawang kamalian... Ang mga napili lamang na maging maiden ang siyang may kakayahan na mahanap at mapagtagpo-tagpo ang pira-piraso nito at siyang mauuna sa paglagay ng nabuong piraso ng brilyante sa Cryze Dome ang siyang bibiyayaan ng apat na kahilingan. Sa bawat kahilingan, kapalit nito ang kanilang hindi inaasahan.. Sa pagpasok ng mga itinakdang mga tagapangalaga, isang matindi at napakahirap na suliranin ang kahaharapin nila. Magagawa ba nilang maayos ito kung kapalit nito ang kanilang mga pinapangalagaan? Ipagpapalit ba nila ang mga ito alang-alang sa mga tao na nageexist lamang sa loob ng libro?
8 parts