Preamble

45 4 0
                                    

July 04, 1918

Isang siglo ang makaraan, may isang manunulat ang nakahanap ng isang mahiwagang libro sa matirik at tagong daanan. Blangko ito at malinis pa ang loob. Walang bahid ng dumi at tinta ang makikitang nakaukit rito. Katakha-takhang hindi man lang ito ginamit ng nagmamay-ari dahil marami pa namang pahina at kapaki-pakinabang pa naman ito.

Destina Canary Basil.

Ang binibining nakatagpo sa misteryosong libro. Katwiran niya'y wala namang nagmamay-ari, inangkin niya na ito at lumikha ng isang kuwento. Nilagyan niya ito ng disenyo, larawan na siya ang umukit mismo at kulay na mas nagbigay buhay sa libro.

'Book, Blossom and Fate'

Hindi batid ng manunulat kung ano ang nasa isip niya nung mga oras na iyon at ayun ang naging pamagat na napagdesisyunan niyang ilagay sa taklob mismo ng libro.

Inumpisahan niyang isulat ang panimula kung saan inilalarawan ang lugar na siyang magiging pangunahing pokus ng kuwento.

'Destinesia'

Ang pangalan ng lugar na inilikha niya. Isinulat niya ang isang mundo at kuwentong hindi niya akalaing mabibigyan talaga ng buhay ang mga karakter sa loob. Isa itong himala para sa kaniya at kasiyahan buhat na ito ay kahilingan niya.

Ang mundo sa nilikha niyang kuwento ay ginawa niyang pawang kalangitan. Panay kabutihan, kagandahan, kasiyahan at kapayaan lamang ang mailalarawan sa lugar na ito. Dala ng hirap na naranasan sa mundo, lahat ng isinulat niya rito ay ginawa niyang kabaligtaran sa mundong isinulat sa libro. Lahat ng narito ay nagkakasundo, panay kabutihan at kasiyahan lamang ang nasa isip ng mga karakter na nasa libro hanggang sa isang aksidente ang naganap sa loob nito.

Hindi inaasahan ng manunulat na kalaunan ay hindi na susunod ang mga karakter sa kaniya ayon sa kaniyang kagustuhan at isinusulat, bagkus ay nagkaroon na rin ito ng sariling buhay at naging salamin sa ugali ng kaniyang naging inspirasyong wangis ng mga tao para sa mga 'to.

Katulad na lamang sa mundo ng mortal, sa loob ng libro ay nagkagulo. Hindi inaasahan ang naganap.

Ang kinakatakutan ng manunulat na mangyari na matulad ang mundong ito sa mundong kinagisnan niya ngayon. Ayun na lamang kasi ang kaniyang pantakas mula sa masama at malupit na mundo tapos ganito pa ang kinahinatnang mangyari sa kaniyang kuwento.

Sa kasamaang palad ay nabigo siyang tuparin ito...

Hindi niya ginusto ito. Hindi na tumatalab ang inuukit niyang mga salita sa libro. Bawat tinta ay hindi na bumabakat sa pahina nito. Animo'y napapawalang bisa ang bawat sulat dahil naglalaho nalang bigla ang mga ito.

Blangko, pagdating sa pahina tatlumpu't tatlo..

Ang aksidenteng nangyari ang mas nagbigay ng laya sa mga karakter sa loob ng libro na gumalaw pero sa ngayon ay naaayon na mula sa kanilang gusto at hindi ang naayon sa sinulat ng manunulat, kabilang na roon ang paggawa ng masama sa kapwa na kapwa nila naroroon. Hindi katulad dati ay sumalungat na ang nangyari sa kuwento sa mundong ninanais ng manunulat nito.

Sa sobrang takot ay ilang beses niyang pinagtangkaang sirain ito ngunit masyadong makapangyarihan ang libro para sa kaniyang mga planong pananabotahe rito hanggang sa nagdaan ang panahon, sumuko na siya at ang libro na mismo ang nagkitil sa buhay na siya'y mayroon.

Batid naman ng manunulat na ito'y mahiwagang libro, ngunit ang hindi niya alam ay  isa rin itong sinumpaang libro na kung saan tutuparin ang iyong kagustuhan ngunit kaakibat nito ang kabaligtaran ng iyong natupad na kahilingan.

Akala niya'y ayun na ang lulutas sa kaniyang pinagdaraanan at ang magiging sagot sa kaniyang mga hindi mabilang na katanungan ngunit nagkamali siya.

Huli na nang malaman niya, pumanaw na siya..

Nawalan man ng manunulat ito, patuloy parin ang buhay na nilikha niya mula sa loob ng librong ito.

Hindi siya matahimik. Hindi titigil ang libro habang wala siyang susunod na mabibiktima. Isa itong sumpa, marami pa itong madadamay na tao, lalo na ang mga itinakdang babae sa ikalabing-walong taon ng mga ito..

Katulad ng libro,sumakabilang buhay man ay hindi rin siya tumigil hanapin ang mga balasang upang ipagpatuloy ang kaniyang naiwang kuwento ngunit magkaiba ang kanilang layunin sa paghahanap sa mga babaeng magtatapos ng kuwento.

Makalipas na ang isang siglo papunta sa kasalukuyan, wala paring laman ang pang-ika tatlumpu't tatlong pahina nito hanggang sa isang araw ay natagpuan niya muli ang panibago niyang may-ari.

Nabuhay muli ang mahiwagang libro at doon na rin nagsimula ang panibagong yugto ng kuwento.

Walang nakakaalam sa tunay na hangarin nito. Walang nakakaalam kung sino ang tunay na may-ari at lumikha nito. Walang nakakaalam kung saan nanggaling ang mahikang taglay nito. Wala ring nakakaalam kung bakit nagkakaganito ito, pero isa lang ang maaari nilang gawin habang kasalukuyan paring tinutuklasan ang kababalaghan nito, at ayun ay ang tapusin ang kuwento...

Book, Blossom And Fate: The Book of Destinesia [ON-GOING]Where stories live. Discover now