3 major Events na bumubuo sa buhay ng isang tao. PAST. naniniwala ka ba sa kasabihang "past is past"?. Ang past na dapat bang kalimutan o kailangang pakatandaan dahil sa mga bakas ng ala-ala at mga aral na naiwan na magiging gabay mo sa hinaharap? PRESENT. Kung saan pwede pang itama at baguhin ang mga maling nagawa. Present na nagsasabing kailangang magpatuloy sa buhay dahil ang bawat araw na tayo'y humihinga ay isang blessing at pag-asa para magsimula muli. ika nga nila, "Live life to the fullest" . FUTURE. Ito ang event na ating pinaghahandaan. Ito ang pangyayaring ating inaabangan. Ito ang ating magiging kapalaran. Future na resulta ng pinaghalong pagkakamali sa nakaraan at mga desisyon natin sa kasalukuyan. Pero paano kung ang lalaking nagmula sa nakaraan ay makilala ang babaeng nagmula naman sa hinaharap? Ang lalaking binigyan ng pagkakataon para mabuhay'ng muli at ang babaeng binigyan ng pagkakataong paatrasin ang takbo ng oras para ayusin ang pagkakamali. How would they deal with each other? Paano sila mag a-adjust kung pareho silang napunta sa kasalukuyan? Makakaya kaya nila ang buhay sa Present. Kaya ba nilang baguhin ang panahon o sila ang mababago ng Panahon? Kung nabubuhay sila sa bagong panahon, panahon na kaya para magbago rin sila? Will there be a great story from FUTURE and PAST that will happen in the PRESENT? Will Present be a good or right place to deal with the past?