Nang dumating ang araw na tuluyan na siyang pinagbawalan lumabas ng kanilang bahay noong siya ay bata pa, saka niya lamang natutuhan ang kahalagahan ng kalikasan sa ating mundong kinalalagyan. Kilalanin natin si Jasmin. Dalagang lumaki sa piling ng kanyang lola sa probinsya ng Occidental Mindoro. Ano kaya ang mangyayari sa kanyang buhay matapos magtagpo ang landas nila ng isang lalaking taga-Maynila? Subaybayan ang mga pagbabagong magaganap sa kanyang payak na pamumuhay kasama ang kanyang mga kababatang sina Aurelio at Mabel. Ating balikan ang kaginhawaan ng kapaligiran noong uso pa ang pagligo sa ulan, habulan, tumbang preso, tagu-taguan, paglalaro sa putikan at iba pang nakapapawis na laro ng kabataan. Makipagyugyugan din sa nakaiindak na mga awiting sumikat noong malumanay pa lamang ang mga ritmo ng mga sayawan. Ang kuwentong ito ay pagbabalik tanaw noong dekada otsenta (80's) sa magandang probinsya ng Occidental Mindoro. Date Started: 12 / 18 / 17 Date Finished: