Lahat ng bagay na nagaganap sa mundo ay sadyang may mga dahilan, dahilan kung papaano ito nagsimula at dahilan kung bakit ito nangyayari. Subalit may ibang bagay din na nagaganap kung saan kahit anong pilit mong hanapan ng kasagutan ay wala kang makikita ni isa man. Isa na doon ang nagaganap ngayon sa aking buhay. May mga sitwasyon na hindi ko kayang ipaliwanag, mga bagay na nagpapagulo sa aking isipan. Araw-araw, gabi-gabi, parang kasama ko lamang siya ngunit hindi ko siya mahagilap.