Minsan ng nasaktan si Diane ng malaman nya na nabuntis ng boyfriend nya ang bestfriend nya, ngunit kahit ganun ang nangyari hindi nya ipinakita sa mga tao na nasasaktan sya. Hindi sya umiyak sa harap ng iba kaya ang akala ng lahat hindi nya talaga minahal ang dating nobyo. Hindi naman kasi sa pag iyak lang maipapakita na nasasaktan ka. Ngunit may bagong pag ibig na darating, mamahalin nya ng higit pa sa nauna, pero paano kung kailan masaya na kayo saka mo malalaman na may asawa na pala ang lalaking muling nagpatibok ng puso mo.