Chapter 3

32 1 0
                                    

     Nasa office na si Diane para ihanda ang proposal nila ni Karen para sa kliyente nila ng marinig nyang nagkakagulo sa labas ng cubicle nya, kaya agad syang lumabas para tingnan kung anong pinagkakaguluhan ng mga kasamahan nya.

     "Abi, anong meron?" tanong nya sa secretary nya.

     "Ayun madam oh, special delivery for you. Hindi mo naman nasabi na ganyan pala ka-gwapo si boss." sagot nito sabay turo sa lalaking palapit sa pwesto nila.

" sagot nito sabay turo sa lalaking palapit sa pwesto nila

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

     "Hi." maikling saad nito at nagtilian na ang mga kasamahan nya pati na sina Abi at Karen.

     "Hala, kung makatili sila, 'hi' pa lang ang sinabi oh." biro nya sa mga kaibigan. Hi Sir Prinz, buti lumabas ka na ng lungga mo." biro ni Diane kay Jake.

     Nginitian lang sya nito at inabot sa kanya ang dala nitong coffee at  food galing sa fastfood na kinainan nila ng nakaraang linggo. Pagkaabot ay sumenyas lang ito na babalik na sa opisina nya.

     "Wow, beshie nakakainis ka. Bakit ang gwapo ni boss, ngiti pa lang makalaglag panty na." saad ni Karen.

     "Sus, wag mo ng pag interesan akin na yun eh, may Mike ka na para namang hindi ko pa alam na nalaglag na uli panty mo sa pinsan ko wag ka magkakaila nagsumbong sa akin si Grace nakita nya kayo." sagot nito sa kanya.

     "Ayun oh, ako naman ang ninang sa susunod Madam Karen ha."

     "Ay bakit nalipat sa akin ang hot seat." natatawang saad ni Karen. "Iniiwas mo lang sayo eh, aminin mo nga babae, kayo na ba?" 

     "Hindi pa, wag ka nga excited. Palibhasa nagkaigihan na kayo ni Mike eh gusto mo ganun din ako." 

     "Nakakainis ka, maisingit mo rin talaga eh noh. Anyway ready na ba ang proposal?" 

     "Yap, wait lang at kukunin ko. Aalis na ba tayo?"

     "Oo, 10:00 am ang sched natin kina Miss Laura eh."

     Agad na kinuha ni Diane ang gamit at sabay na silang lumabas ng kompanya para makipagkita sa kliyente nila na ikakasal. Sila ang napiling Event Organizer ng sikat na modelo na si Laura Orzo para sa kasal nito. Nang makarating sa meeting place nila ay naroon na ang kliyente nila kaya naman nagmadali na silang makalapit dito.

     "Hi Miss Laura, we're very sorry for being late." bati ni Diane sa dalaga.

     "No it's fine, napaaga lang talaga ako kasi nasa malapit lang din naman ako at isa pa paparating pa lang din ang Fiance ko, nag order na ako para sa inyo, and please call me Laura, tanggalin nyo na ang Miss."nakangiting sagot nito sa kanila. Agad ding sumenyas ng waiter ang babae. "Paki serve na ng order ko please." saad nito sa waiter.

     "Thanks Laura." saad ni Diane.

     "Hi Babe, sorry I'm late ngayon lang natapos ang conference sa office." saad ng bagong dating na agad nakilala ni Diane at Karen.

     "Kuya/Dexter?" sabay na saad nina Laren at Diane

     "Hi Sisters, nagulat ko ba kayo?" nakakalokong ngiti ng bagong dating na syang kliyente nila at kapatid ni Diane.

     "Ikaw ang groom?" hindi makapaniwalang saad ni Diane.

     "Bakit naman parang gulat na gulat ka kapatid? Kataka-taka ba na pinatulan ako ni Laura?" tanong ng Kuya nya.

     "Aba buti alam mo, yung totoo hindi mo ba sya ginayuma o tinutukan ng baril?" biro dito ni Karen.

     "Aba grabe ka sa akin cousin-in-law, inaapi mo na ako ngayon." kunwaring nasasaktang saad nito. Si Laura naman ay nakangiti lang.

     "Ewan ko sayo Kuya, ang drama mo. By the way andito ka na rin naman eto ang proposal namin para sa kasal nyo na ewan kung alam ng parents natin." saad ni Diane.

     "Alam nila ikaw lang ang malimit na missing kaya huli ka sa balita." sagot nito. "Siguro may dine-date ka na naman noh? " akusa nito sa kanya.

     "Ay sinabi mo pa Dex, ang gwapo ng 'future jowa' nyan." sagot ni Karen.

     "Ipakilala mo nga ng makaliskisan." sagot nito.

     Sasagot pa sana si Karen ng pigilan na ni Diane. "Ikaw nga ngayon mo lang pinakilala fiance mo na, saka na rin kapag ikakasal na kami." sagot ni Diane.

     "Ayun oh, manliligaw mo pa lang ateng, kasal na agad? excited?" pang aasar ni Karen.

     "Tse, minsan hindi ko alam kung kakampi kita o kaaway eh." 

     Nagpatuloy ang meeting nila ng asaran at tawanan lang silang apat. Nakilala rin ni Diane ng lubos ang fiance ng kapatid na napakabait kaya naman pala hindi na pakawalan pa ng kuya nya. Ala una na ng hapon ng maghiwa-hiwalay sila dahil may pupuntahan pa sila ni Karen na Event na sila din ang Organizer.


     NASA bahay ng ina niya si Jake para bisitahin ang kanyang dalawang taong gulang na anak na si Sebastian sa kanyang asawang si Monique. Matagal na silang hindi nagsasama nito dahil nalaman nya na pera lang pala nya ang habol nito kaya nakipag relasyon sa kanya. Sino nga ba naman ang magseseryoso sa kanya na hindi makatuwid ng salita. Kaya nga minsan sa gabi na lang nya pinupuntahan ang anak para maiwasan nya na makausap ito at baka ma-disappoint din ang anak nya kapag nalaman ang kalagayan nya. Kelan lang sya nagpa-therapy at si Diane ang naging inspirasyon nya dahil hindi sya nito hinusgahan at nakakapagsalita sya kapag ito ang kaharap kahit pa pautal-utal sya.

     "Oh, my dear husband you're here. Did you miss me baby?" bati sa kanya ng asawa na nadatnan nyang nasa sala ng bahay ng kanyang ina kausap ang step-father nya.

     Hindi nya ito pinansin at agad na nagtungo sa silid ng kanyang anak. Nakita nya itong naglalaro kasama ang nanny nito na agad na umalis ng makita syang dumating.

     "Dada." salubong na bati sa kanya ng anak.

      "H-hello s-shorty, H-how a-are you?" tanong nya dito.

     "shorty miss Dada." sagot ng bata.

      "Dada miss s-shorty t-too." nakangiting sagot nya sa anak.

     "Anak andito ka pala, dito kaba maghahapunan? Yang anak mo lagi ka hinahanap." saad ng ina niya na hindi nya namalayan na nakasunod na pala sa kanya.

     "H-hindi a-ako m-magtatagal Ma, d-dinalaw ko l-lang si S-seb." 

     "Bakit ba hindi nyo na lang kalimutan ang alitan nyo mag asawa at magsama na uli kayo kahit para sa bata na lang." 

     Tiningnan nya muna ang ina bago sumagot. "S-si Papa b-ba k-kinalimutan mo a-ang k-kasalanan nya p-para s-sa a-akin?" tanong nya sa ina. Natigilan ito at hindi na nakasagot pa sa kanya kaya naman umalis na rin sya agad at ibinigay ang bata sa nanny nito.

     Hinding-hindi nya mapapatawad ang asawa nya sa ginawa nito sa kanya, kahit ang anak nila ay ginagamit nito para mapaikot sya pati ang kanyang ina. Matagal na nyang pinapipirmahan dito ang divorce paper nila pero hindi pa rin nito pinipirmahan. Kaya naman naghahanap na sya ng pwedeng gamitin dito para pirmahan na at ng malaya na nyang maipadama kay Diane ang buong pagmamahal nya, sana lang ay matanggap pa rin sya nito kapag nalaman na may asawa at anak na siya.

     



Kahit Sandaliजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें