CHAPTER 7

35 2 1
                                    

          Nagising si Diane na mag isa na lang sya sa kwarto kaya naman lumabas sya para sana hanapin si Jerome, nakita nya itong naghahain ng pagkain sa dining table.

          "Hey gising ka na pala, pupuntahan pa sana kita para gisingin maupo ka na at kakain na tayo." saad nito ng makalapit na sya.

          "Bakit tatlo ang plato? Para kanino ang isa?"

          "Syempre naman ako ang nagluto kailangan dito rin ako kakain." sagot ng babaeng lumabas mula sa kitchen.

           "Mariz you're here? Kailan ka pa dumating?" masayang tanong ni Diane sa pinsan nya na ngayon ay asawa na ni Jerome.

           "Kanina lang nagpasundo ako kay babe kanina, hindi na nga ako naka attend sa wedding ni Dexter busy kasi eh, kamusta ka na? Nasabi ni babe ang kalagayan mo ngayon. Okey ka na ba?" tanong nito sa kanya.

           "Yeah, maybe Je is right. I must talk to him and hear his explanation." nakangiti ng saad ni Diane.

           "That's right couz, Ang alam ko kasi matagal ng may problema ang mag-asawang yun. Narinig ko kasi kay Sir Ares na pinaiimbestigahan ni Jacob ang asawa nya marami na kasing rumors na may affair ang Monique na yun." sagot nito.

           "Mag iingat ka pa rin sa babaeng yun Angel, kasal pa rin sila baka kung anong kwento pa ang gawin nun sayo. May pasok ako ngayon okey lang ba na maiwan ko muna kayong dalawa dito?" tanong ni Jerome.

          "Oo naman, nakakahiya na nga sa inyo naabala ko pa kayo pareho." 

          "Ang O.A mo couz, okey lang yun noh, at isa pa marami akong chika sayo. Kaya babe bilisan mo na pagkain dyan at pumasok ka na sa school mag-bonding pa kami ni Diane." sagot ni Mariz.

          "Pinapaalis mo naman ako agad babe." 

          "Namiss ko lang ang pinsan ko babe, kung hindi pa yata na broken hearted hindi uuwi ng condo nya, maya na lang ang 'babe-time'."

          "Okey sabi mo yan ha." sagot nito at tinapos na ang pagkain at nagpaalam na sa kanila para pumasok sa school. "Maiwan ko na kayo dito, Angel kumain ka ha." bilin nito sa kanya bago umalis.

           Nang makaalis ito ay nakita nyang nakatitig sa kanya ang pinsan nya. "Hindi mo naman siguro ako aawayin dahil magkasama kami ng asawa mo?" nag-aalangan tanong nya dito.

         "Para kang sira, matagal ng naka move-on ang asawa ko sayo ano, kaya hindi na ako nababahala kahit pa magkapit-bahay lang ang condo nyo at magkaibigan kayo, kasi alam ko na ngayon na naka move-on ka na rin sa kanya." 

          "Paano mo nasabi?"

          "Kasi po nung maghiwalay kayo noon ni Jerome hindi ka nagkaganyan, ng sinabi sayo ni Tito na may asawa na sya basta ka na lang naniwala ng hindi man lang kayo nagkakausap. Pero ngayon base sa kwento ni Jerome hindi ka naniwala sa parents mo hinintay mo pang isampal sayo ang katotohanan. At sabi mo pa kanina lang handa kang kausapin sya para magpaliwanag, ibig sabihin lang noon na mas mahal mo sya kesa sa mas minahal mo noon si Jerome kasi umaasa ka na pipiliin ka nya na alam namin na yun talaga ang gagawin nya."

          "Sa palagay mo ba hindi ko pagsisihan ang gagawin ko? Ayokong makasira ng pamilya Mariz."

          "Matagal ng sira ang pamilyang yun, ang babae mismo ang nagloloko kay Jacob kaya nga hiwalay na sila ng tirahan eh."

          "Pero ang anak nya, ayokong sisihin ako ng bata na ako ang dahilan ng paghihiwalay ng parents nya."

          "Ano ba talaga ang desisyon mo? Ipaglalaban mo ang pagmamahalan nyo o hahayaan mo na lang syang habang buhay na matali sa babaeng niloloko lang sya?" 

          "Mahal na mahal ko sya Couz, hindi ko kayang mapalayo sa kanya, selfish na kung selfish pero ipaglalaban ko sya."

          "That's the spirit Couz, dito ka lang may tatawagan lang ako. I suggest na maligo ka at mag ayos ng sarili." saad nito na may pilyang ngiti.

          "Saan ka pupunta Mariz?" 

          "Sandali lang ako mag ayos ka na lang ng sarili mo." Pagkasabi nito ay lumabas na ito ng unit nya, sya naman ay sinunod na lang ang sinabi nito at naligo at nagbihis na, saktong paglabas nya ng CR ay nasa loob ng kwarto nya si Jake.

          "Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" sunod-sunod na tanong nya dito.

          "Secretary ni Ares ang pinsan mo, tinawagan nya ako at sya rin ang nagpapasok sa akin. Agapi I'm sorry, hindi ko intensyon na lokohin ka ng matagal, I'm already working on my annulment." 

          "Sana sinabi mo ng mas maaga ng hindi ako nagmukhang tanga, pati magulang ko nasagot-sagot ko ng hindi tama dahil akala ko ayaw lang rin nila sayo kaya gumagawa sila ng paraan para paghiwalayin tayo tulad ng ginawa nila noon sa amin ni Jerome."

          "Kung sinabi ko ba sayo na may asawa at anak na ako papatulan mo ba ako? Natakot lang ako na maunahan na naman ako ng iba Agapi, noong naging kayo ni Kyle naipasa ko na noon ang annulment namin pero hindi ma-grant dahil wala pa akong proof na niloloko nya ako. Please konting oras na lang ang hinihiling ko magiging malaya na ako."

            "How about your son? Ayokong kagalitan ako ng bata pag laki nya at sabihing ako ang dahilan ng paghihiwalay ng parents nya."

            "He's not mine, isa pa yun sa nalaman ni Apollo ng pa-inbestigahan ko sa kanya ang asawa ko, nalaman nya na sa step-father ko ang bata. Matagal na silang may relasyon at para magpatuloy ay pumayag sya sa alok kong kasal ang akala ko kasi noon tanggap nya ako kaya sya pumayag na maging girlfriend ko yun pala pera lang namin ni Mama ang kailangan nila."

             "Ang sakit pa rin ng ginawa mo, hiyang-hiya ako sa mga magulang ko sa mga nasabi ko sa kanila."

             "I'm sorry, Can you wait for me? Mahal na mahal kita Diane hindi ko kayang mawala ka pa sa akin."

           "Mahal na mahal din kita Jake at hindi ko rin kaya ang malayo ng matagal sayo kaya please lang bilisan mo na ang pag aasikaso sa annulment nyo, ayoko lumabas ang anak natin ng hindi tayo magkasama."

            Gulat na napatingin sa kanya si Jake. "W-what do yo mean by that? A-are you pregnant?"

           "Yes Jake, Six weeks na sasabihin ko sana sayo ng kasal ni Kuya pero ng makita kong kinakausap ka ni Papa natakot ako na baka gawin nya sa atin ang ginawa nya noon sa amin ni Je. Kaya hindi ko na agad nasabi."

           "Ghad, thank you mahal ko, thank you so much." sagot nito at kinabig na sya at hinalik-halikan sa buong mukha.

           "Hep, bawal ang rated SPG hindi pa kayo legal, magagalit ang asawa ko bilin nya sa akin na bantayan kayo at wag hayaang gumawa ng milagro, sabi nya saka na lang kapag pinakasalan mo na ang Angel nya." saad ni Mariz na basta na lang pumasok sa kwarto nya.

           "Istorbo ka Couz." nakangiting saad ni Diane.

           "Hala sya, kung maka-iyak ka daw kagabi sabi ni Je halos malunod na sya sa luha mo, ngayon naman kung maka-ngiti ka naman. Labas na kayo at nagpa-deliver ako ng meryenda, wag kayong magkulong sa kwarto at baka maka buo agad kayo."

           "May nabuo na naman talaga, kaya wala ng saysay ang pagbabakod nyo sa amin."

           "Grabe nakipag sabayan ka pa sa akin."

           "Buntis ka rin?" gulat na tanong ni Diane.

    


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kahit SandaliWhere stories live. Discover now