CHAPTER 2

34 1 0
                                    

     Isang buwan na ang nakalipas mula ng araw araw na nagpapadala ng flowers at food si Prinz kay Diane at ngayon nga pagpasok nya sa office ay may bulaklak na naman doon, agad nyang hinanap ang card ngunit wala syang nakita.Maya maya lang ay tumunog ang celphone nya. 


             Fr: Prinz Jacob

                 Are you looking for the card agapi? wala ngayon eh, kasi today is special. Pagkatapos ng office hours pwede ka bang pumunta sa office ko?, hihintayin ka ng secretary ko at ihahatid ka sa akin. Hope to see you later agapi. Good Morning by the way. Se Agapo


     Napangiti sya sa nabasa, hindi pa man sila nagkikita ay parang nahuhulog na ang loob nya sa lalaki, hidi nya lubos akalain na ito ang boss nila, ang usap usapan kasi ng lahat ay matanda na daw ang CEO hindi kasi ito lumalabas ng opisina dahil nasa top floor ang mismong bahay nito. At ngayon ay nagyaya ito na magkita sila pagkatapos ng trabaho, at excited na syang makita ito ng personal.

     Mabilis ang naging takbo ng oras at ngayon nga ay tapos na ang office hours pumunta muna sya sa powder room para mag retouch bago umakyat sa 10'th floor kung nasaan ang office ni Prinz, habang nag aayos ay pumasok din si Karen at tumabi sa kanya.

     "Pasabay ako sayo pag uwi ha, coding ako hindi ko nadala ang kotse ko." saad nito.

     "Ahhhmm may lakad pa kasi ako K pwede bang kay Abi ka na lang sumabay?" sagot nya dito.

     "Saan ang lakad mo? OMG magmi-meet na kayo ni P.J?" tanong nito. Hindi pa nya nasasabi sa mga ito na ang P.J ay ang boss nila.

     "Oo eh, okey lang ba?" tanong nya.

     "Asus no problem sis, basta magka lovelife ka lang kahit mag commute na lang ako." sagot nito saka tumawa.

     "Ewan ko sayo, sige na mauna na ako sayo." saad nya dito at nagpunta na sya sa elevator para magpahatid sa 10'th floor.

     Buti na lang at wala syang nakasabay, ng magbukas ang pinto ng elevator ay agad nyang nakita ang secretary ni Prinz na naghihintay sa kanya sa table nito.

     "Hi Diane, I'm Letty secretary ni Jake halika na at kanina pa yun excited." saad nito sa kanya.

     "Ms. Letty may tanong lang ako."

     "About Jake? Mabuti pang ikaw na lang ang umalam sa mga sagot sa tanong mo, Aside for being his secretary ay kaibigan ko rin sya, sana lang wag mo syang huhusgahan dahil sa pagkakaiba nya sa mga normal na tao, marami na syang rejection na natanggap at kung pati ikaw ire-reject din sya wag ka na lang tumuloy. His like a brother to me Diane at kung sasaktan mo lang din sya you are free to go." sagot nito sa kanya.

     "I'm here to stay Miss Letty, ano man ang pagkakaiba nya ay tanggap ko sa kasi tinanggap nya din naman ako eh." sagot nya.

     "Okey, andito na tayo, hintayin mo na lang sya dyan at tatawagin ko lang sya."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kahit SandaliWhere stories live. Discover now