Alam nya bang paunti-unti na akong nahuhulog sa kanya? Ayoko namang sabihin sa kanya kasi baka ma-reject lang ako. Pero umaasa pa rin ako na sana parehas kami ng nararamdaman para sa isa't-isa. Puro na lang sana sana, masakit kayang umasa. Bakit ba kasi ang unfair, minsan na nga lang ma-inlove tas hindi ka pa magustuhan ng taong mahal mo. Pero malay ko ba sa nararamdaman nya sa akin, baka gusto nya rin pala ako? Aish. Ang assuming ko naman. Kung pwede lang sanang pigilan na 'tong nararamdaman ko para sa kanya, but I CAN'T HELP FALLING INLOVE with him.