"Ako pala ate si Gab." Masigla niyang pagpapakilala ngunit tinitigan ko lamang siya. "10 years old palang ako ate, wala na kong nanay kasi kinuha siya samin nung pinanganak ako. Si tatay naman nung 7 years old ako nastroke tapos di rin nagtagal binawian na rin siya ng buhay. Si lolo nalang ang nagaalaga samin kaso kailangan niyang operahan mamaya dahil may sakit pala siyang tinago niya samin ni kuya." "Pero alam mo ate alam kong kahit anong mangyari andyan parin si Jesus para satin. Tignan mo oh nakapako parin Siya sa krus dahil sa kasalanan nating pinagbayaran Niya kahit wala Siyang kasalanan. Inako Niya lahat. Andyan parin Siya pagkailangan natin Siya at binibless parin niya tayo. Kaya di ako nangangamba." Anong gusto Mo sakin iparating? ................................. A story about the youth life, romance and God