Prologue

8 0 0
                                    

"No! Not my brother! Not my Dad! I didn't do anything to You! Why me?!" Galit Kong sigaw habang nakaharap sa Kanya na sinasamba ng mga tao, Siya na sinasabi nilang maawain, mabait at mapagmahal, Siya na nakapako sa Krus. Ang nasa gitna ng Chapel ng ospital. Walang tao sa loob kaya malaya akong nakapagpahayag ng nararamdaman ko.

"Marami namang masasamang tao diyan ah! Bakit ako?! Bakit?!" Sigaw ko at sunod-sunod nang tumulo muli ang mga luha ko at napahikbi ako ngunit may bahid parin ng galit.

"Bakit ba ako ang binigyan mo nito? Bakit ako?" Mahina ko nang sabi. Napaluhod ako habang nasa dibdib ko ang kamay ko.

"Hi ate!" Sabi ng isang bata na hindi ko napansing nasa gilid ko na pala. Nilingon ko siya at kita ko ang kanyang ngiti. Hindi ko siya sinagot.

"Ako pala ate si Gab." Masigla niyang pagpapakilala ngunit tinitigan ko lamang siya.

"10 years old palang ako ate, wala na kong nanay kasi kinuha siya samin nung pinanganak ako. Si tatay naman nung 7 years old ako nastroke tapos di rin nagtagal binawian na rin siya ng buhay. Si lolo nalang ang nagaalaga samin kaso sinugod siya kagabi dito sa ospital, kailangan niya daw operahan mamaya dahil may sakit pala siyang tinago niya samin ni kuya." Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya ito sa akin ngunit ikinagulat ko ito.

Bakit ang isang batang katulad niya ay nakaranas ng ganito sa mura niyang edad? Inosente siya wala siyang ginawa ngunit binawian siya ng mga importanteng tao sa kanya.

"Pero alam mo ate alam kong kahit anong mangyari andyan parin si Jesus para satin. Tignan mo oh nakapako parin Siya sa krus dahil sa kasalanan nating pinagbayaran Niya kahit wala Siyang kasalanan. Inako Niya lahat. Andyan parin Siya pagkailangan natin Siya at binibless parin Niya tayo. Kaya di ako nangangamba." Nakangiti niyang pahayag na nagpaluha ulit sakin.

Sa isang iglap nawala ang galit na nararamdaman ko. Bakit siya hindi nagagalit? Ano bang nais Mong iparating sakin?

The KneelWhere stories live. Discover now