4

3 0 0
                                    

Drama Alert!!!! And also Curses Alert! May foul words eh hehe

......

Nethaly

Trinansfer na ng room si dad at si Wade. Napaiyak nalang ako ng makita ang nakababata kong kapatid na nakahiga sa hospital bed. This is a stupid place!!

Hindi maubos-ubos ang mga luha ko. Sunod-sunod lamang ito sa pagpatak na tila ba gripo ito. Hinawakan ko ang pisngi ni Wade gamit ang kanang kamay kong nanginginig.

"At least okay ka na raw sabi ng doktor. Makakalabas ka na rin dito Wade." Sabi ko at pinabantayan ko na ang kwarto ng aking kapatid sa mga body guards namin at kay manang.

Pinuntahan ko agad si dad pagkatapos ng pagpunta ko Kay Wade. At mas lalong tumindi ang pag-agos ng luha ko nang makitang may mga nakakabit sa kanyang kung anu-anong tubo. Hindi na ko nakatiis at napahagulhol na ko ng sunod-sunod.
Tumakbo ako papunta sa gilid ni dad at umupo

Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay. This place doesn't fit you dad! Hindi ka bagay dito! Para lang sa mga mamamatay ang ospital! Hindi sayo! Di ka pa mamamatay! Marami ka pang gagawin sa buhay!! Dad!

Umiyak ako ng umiyak na parang bata. Ano nang gagawin ko ngayon? Mahal na mahal ko si papa. Hindi siya pwedeng mawala samin ni Wade! Kailangan niya pang gumising! Dapat gumising na rin siya pag gising ni Wade.

Paano ako?

Paano ako pag umalis ka?

This is bull crap. I sighed frustratedly, still holding dad's hand.

Buong araw akong nandun at nagbabantay kay dad. Sumisilip rin ako sa hospital room ni Wade kung saan nandun si manang para magbantay. Wala akong magawa. Wala rin akong magawa kundi magantay at pagmasdan ang mga relos na patuloy sa pagandar. Tila hindi napapagod kakaikot ang mga kamay ng relos.

Two weeks.... Wala paring pagbabago. Same routine. At hindi parin ako mapakali hindi rin ako nagkakaroon ng gana sa pagkain. Lagi parin akong tulala at hindi nagsasalita.

"Nethaly, alam mong kailangan mong kumain para magkaroon ka ng lakas." Sabi ni manang kaso sadyang di ko talaga gustong kumain. Ayaw tumanggap ng tiyan ko ng pagkain dahil baka isuka ko ito.
Bumuntong hininga nalang si manang

"Kailangan mo naring pumasok." Sabi ni manang. Hindi ko siya nilingon kaya nilapitan niya ko.

"Nethaly, dapat ay pumasok ka. Babagsak ka na naman niyan sa mga subjects mo at ayaw ng daddy mo ng ganun. Ibalato mo na ito sa dad mo. Ito ang gusto niya. Tingin mo ba matutuwa yung daddy mo at si Wade pagnalaman nilang nandito ka lang at hindi pumapasok?" Doon niya na nakuha ang atensyon ko kaya nilingon ko na siya. Kinokonsensya na ko. Siguro nga dapat akong pumasok.

Pumasok ako kahit alam kong wala ring pag kakaiba paghindi ako pumasok. Wala akong matututunan at wala rin akong ibang iisipin kundi sila Wade na nasa ospital.

Lahat ng subjects ko ay pinasukan ko para di ako makonsensya. Kaso sa lahat ng iyon ay tulala lang akong nakatingin sa professor at nagkukunwaring nakikinig.

Nang matapos ang lahat ng class ko ay dumeretso ako sa likod ng building ng university. Ang mapunong parte at puro benches ng university.

Umupo ako sa puno at sumandal. Tulala. Nakatingin sa kawalan.

Maya't-maya'y nagsitulo na naman ang walang katapusan kong mga luha. Paulit-ulit na nagrereplay yung scene na tinawagan ako ni manang hanggang sa ospital. Minumulto ako into na tila ba wala akong takas, nakapikit man o dilat ang aking nga mata. Nagsisunod na ang aking mga hikbing malalakas.

I closed my fist.

"ARRRRRRRRRRRRRGGGGHHHH!!!!!" Sigaw ko dahil sa galit na nararamdaman.

"Ang galing Mo kasi!!!! Sabi nila maawain Ka! Anong nangyari dun?!?! Sabi na nga ba hindi Ka totoo!!! Isa Ka lang imbento ng imagination ng mga tao! Kasi kung totoo Ka! Sana wala akong problema ngayon!! Una si mommy! Ngayon pati sila dad?!?! Ano?!?! Uubusin Mo sila?!? Papatayin Mo rin ako?!?!" Sigaw kong walang hintu-hinto. Hinihingal ako at naghahabol ng hininga. Galit ako. Galit na galit. Wala akong pakealam basta Siya ang sinisisi ko.

.........

Library. Tahimik. This is one of the places I didn't want to go. Why? Because it's quiet. And I like noisy places. But today I prefer to be quiet and hide my anger. Kasi sure ako na pagnagsalita ako ay mura agad ang sasalubong na salita mula sa bibig ko.

I was on the last hidden part of the library. I isolated myself and I'm staring at my hands on my lap with clenched fists. I'm still angry as hell.

I'm in my deepest thoughts nung may marinig akong isang malakas na pagsara ng libro. Nasa harapan ko ito at nakatingin sa libro while facing my direction.

Siya na naman.

Bago pa ito magsalita ay nauna akong magbigkas ng isang napakalutong na...

"Putang ina". Sabi ko nang hindi inaangat ang ulo ko. Matatalim ang tingin ko at ayokong may mapagbuntungan ako ng galit dito sa library.

"Magpasalamat ka parin. Wala pang nawawala. Buhay ka pa." Sabi niya sa isang kalmadong tono.

"I don't fucking care about your opinion. Umalis ka sa harapan ko." Mariin kong sabi

"Hindi lahat ng gusto mo masusunod Aly. Hindi pwedeng laging masaya. Kailangan nating maghirap." That's when I turned my gaze to him.

"May nawala na, may babawiin na naman? Anong bang alam mo sa nararamdaman ko Zayne? Sino ka nga ba?" Mariin ko ulit na sabi ngunit kalmado.

"Tama. Sino nga ba ako? At sino ka rin ba? Wala tayong karapatang mangsisi Aly, tao lang tayo." He said, emphasizing the last words. With that, Zayne left and left me alone again.

That's when I saw my hands are soaking wet and my cheeks are all wet.

Umiyak na naman pala ako. At sa harapan niya pa.

The KneelWhere stories live. Discover now