6

3 0 0
                                    

Nethaly

It was a big wake up call for me. Nagising ako sa isang maling paniniwala at naipakita sakin ang katotohanang nakaharap sakin. Hindi ganun kasaklap at kapait ang buhay. Buhay pa ko at humihinga, isang napakagandang bagay na ibinigay sa akin ng Panginoon. Dapat hindi ako sumuko, hindi dapat ako mawalan ng pagasa.

Oo, isang himala ang nangyari sa akin. Kung hindi dahil kay Gab na nagsilbing anghel sa akin nung panahong iyon ay isa pa sana akong ungrateful stupid bitch. Hindi tama ang ginawa ko. Maling-mali. Maling-mali.

"Salamat po sa araw na 'to. Sana po gumaling na sila daddy. Amen." Sambit ko at nagsign of the cross. Umupo ako mula sa pagkaluhod at ifinocus ang tingin sa altar. Ngumiti ako, 'di na po ako mawawalan ng pagasa.

Tumayo na ko at naglakad papunta sa nilalagyan ng holy water. Nagsign of the cross muli ako at yumuko ng bahagya sa direksyon ng altar at lumabas na ng chapel.

"Sorry." Sabi ko bang may nabangga ako. Tinignan ko ito, recognition flashed his eyes

"Zayne." Sabi ko at nakuha ko ang atensyon niya

"Sorry pala nung nakaraan, pakisabi kay Gab na salamat. Una na ko." Sabi ko at akmang aalis na bang tawagin niya ko.

"Nethaly." Huminto ako at binalingan siya.
"You might not know it but I'm reminding you always. Life is good." Sabi niya. Tumango ako at ngumiti.

"Alam ko na ngayon. Sorry nga pala talaga dun sa pagtaas ko ng tono sayo sa library, galit kasi ako nun eh. Sorry talaga. Sorry din dun sa about sa lolo niyo. Di ko naman alam na may pinagdadaanan ka rin pala." Umupo ako sa bench na nasa tapat namin.

"Now you know how to say sorry. That's good." Napangiti siya na minsan mo lang makita sa seryoso niyang mukha. Natigilan ako sandali mabuti nalang ay nabalik ako sa realidad ng may dumaang tao malapit sakin. Geez what am I doing?

"You know, everyone has a story to tell. Hindi madali ang lahat. Laging may pagsubok. The goal is to be braver not to give up. That's why I didn't. May ibang taong kailangan ako lalo na si Gab. And thank God I have my sister." Ngumiti ako at tumango.
"Gab's an angel. She's a blessing." Sabi ko

"Miss Nethaly." Humahangos na tawag sakin ng body guard sa hospital room ni Wade.
"Gising na po si Wade." Sabi niya. Napatayo ako at hindi makapaniwala sa narinig.
Hinila ko si Zayne kasama sakin. Tumakbo agad ako papunta sa hospital room ni Wade. Wala akong pakialam kung magulo na ang buhok ko at pinagtitinginan na ko dahil sa pagmamadali ko basta ang nasa isip ko ay mapuntahan ko si Wade.

Binuksan ko agad ang pinto at tumakbo papunta sa kama ni Wade. Binitawan ko ang kamay ni Zayne at umupo sa upuan.

Gising na siya! Nakamulat na ang mata niya at kita ko ang pagkagalak sa kanyang mga mata ng makita ako. Sa sobrang say a at napaluha ako ng tears of joy.

"Bunso! Andito na si ate. Gising ka na." Lumuluha kong saad. Ngumiti I to ng bahagya ngunit napasiangot ito ng marinig ang salitang 'bunso' sa sinabi ko.

Niyakap ko siya habang nakangiti. You really have miracle hands. You are indeed merciful. Thank You

Salamat Lord.
.............

"Makakalabas ka na raw uy." Sabi ko kay Wade. Maayos na siya, nakakaupo na I to, kumakain, nagsasalita at sumisimangot.

"I know Aly, I'm not stupid. I heard it." Nakasimangot nitong sabi. Napanguso nalang ako.
"Ikaw! Kagagaling mo palang pero ang sungit mo! Suntukin kaya kita! Wag kang ano." Sabay turo ko dito gamit ang akong hintuturo. Ibinaba niya ang kamay kong nakaturo at pinalo ito

"It's rude to point your fingers Aly. There's always three fingers pointing back at you." Seryosong saad nito. Napamake face nalang ako at napaikot ng mga mata.
"Wow lola ikaw ba yan? Kaloka ka! Mas matanda ako sayo Wade. Bunso ka panganay ako bleh!" Nagbelat ako sa kanya at iningusan lang ako nito.

"You're immature." Saying it like it's a matter of fact
"I'm still older." Sagot ko at nagcross arms
"Kumain ka na nga! Ang panget mo na nga masungit ka pa! Err." Itinulak ko ng bahagya ang tray ng pagkain sa kanya. Kumain naman ito habang nanonood ng TV. Sa may NatGeo pa talaga. Diba? Kinaya niya pang may isuksok sa utak niya habang nasa hospital pa siya. Weirdo.

Stable na rin pala si daddy. Ngunit coma parin siya. But we're still hoping for the better.

Unti-unti akong nabubuhayan ng loob. Tama sila. Mabait ang Diyos, 'di niya ko pababayaan.

Napangiti ako sa naisip ko.

"Stop it, you look like an idiot. You're creeping me out." Napatingin ako kay Wade ulit at kinunutan siya ng noo.
"Maganda ako kahit anong anggulo, hindi creepy. Hmmp!" Pambabara ko dito ngunit hindi ko binura ang akong mga ngiti.

"Hindi seryoso, I'm happy you're awake and can kick." Natawa ako sa aking huling sinabi. Ngumiti rin ito at inilingan ako.

"And I'm happy you're friends with a good influence type of person." Napakunot naman ako ng noo
"Eh? Sino?" Napawonder ako kung sino yung sinasabi niya
"Si Zayne. He's a good person. Sa mga tulad ka niya dapat sumasama."
"Oh talaga? So sasama na ko sa bahay nila ganern? Aasawahin ko?" Pagbibiro ko
"I didn't said that." May panunuya sa boses niya
"Hoy ah! D-di ko y-yun type! D-di p-porket g-gwapo yun eh c-crush ko na. Tama! H-hindi!" I don't know why I stuttered. It's stupid. Ang chaka pakinggan. Parang umamin rin ako sa pamamagitan ng pagdepensa gash

Tinaasan niya lamang ako ng kanang kilay at tinapunan ko siya ng matalim na tingin bilang salita dahil magsstutter na naman ako niyo leche. Anyare nga ba kasi?

The KneelWhere stories live. Discover now