5

3 0 0
                                    

Nethaly

If this is a normal day, I would probably be dying to puke and get the hell out of here. I really hate hospitals, private man o public.

I'm on Wade's room. I was staring at him. He's so pale.

"Kailan ka ba babalik Wade? Pano na si ate mo? Sinong sasagip at magsasalo sakin kung wala ka? Sinong magpapakakuya sakin kahit ako ang ate sa ating dalawa at mas matanda ako sayo? Ano na?" I smiled bitterly.

"Gumising ka na ha? Dapat pagbalik ko dito sa susunod eh gising ka na. Punta muna si ate kay dad."

Pinat ni manang ang likod ko at tinanguan ako. Siya na munang magbabantay kay Wade. I made my way to dad's room when I saw some doctors and nurses made their way to my dad's room. Tinakbo ko ito at nakitang nagkakagulo.

"Anong nangyayari?!?!" Tanong ko

"He is not responding Miss. We need to take him to the emergency room." Sagot ng isang nurse sa akin. Natigilan ako at para bang huminto rin ang mundo at oras. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, ang alam ko nalang ay dinaluhan ako ni manang at umiyak ako sa balikat niya habang tulala.

"Nethaly, hija wag kang mawawalan ng pag-asa. Andyan ang Diyos." Pagpapatahan sakin ni manang.

Umiling ako at mas lalong napaiyak. "Hindi manang! Kasi kung oo in the first place hindi Niya hahayaang mangyari to. Hindi eh. Hindi." Sabi ko at tumakbo papunta sa elevator.

Pinindot ko ang button sa pababa at umiiyak na nanggigigil. Magisa lamang ako sa elevator. Mabuti na rin lang dahil baka magtaka sa sila sa reaksyon o emosyon sa mukha ko.

Tumakbo ako papasok sa chapel ng ospital. At hinahangos na nakarating sa pintuan nitong laging nakabukas. Dun at nakita ko Siya sa gitna. Marahas kong tinanggal ang buhok kong nakaharang sa mukha ko

"No!!!!!!! Not my brother! Not my Dad! I didn't do anything to You! Why me?!" Galit Kong sigaw habang nakaharap sa Kanya na sinasamba ng mga tao, Siya na sinasabi nilang maawain, mabait at mapagmahal, Siya na nakapako sa Krus. Ang nasa gitna ng Chapel ng ospital. Walang tao sa loob kaya malaya akong nakapagpahayag ng nararamdaman ko.

"Marami namang masasamang tao diyan ah! Bakit ako?! Bakit?!" Sigaw ko at sunod-sunod nang tumulo muli ang mga luha ko at napahikbi ako ngunit may bahid parin ng galit.

"Bakit ba ako ang binigyan Mo nito? Bakit ako?" Mahina ko nang sabi. Napaluhod ako habang nasa dibdib ko ang kamay ko.

Nagiiiyak ako at dahan-dahang umupo sa upuan. "Hindi ko kaya eh. Hindi ko kaya." Sabi ko

"Hi ate!" Sabi ng isang bata na hindi ko napansing nasa gilid ko na pala at pumasok na pala sa chapel. Nilingon ko siya at kita ko ang kanyang ngiti. Hindi ko siya sinagot.

"Ako pala ate si Gab." Masigla niyang pagpapakilala ngunit tinitigan ko lamang siya.

"10 years old palang ako ate, wala na kong nanay kasi kinuha siya samin nung pinanganak ako. Si tatay naman nung 7 years old ako nastroke tapos di rin nagtagal binawian na rin siya ng buhay. Si lolo nalang ang nagaalaga samin kaso sinugod siya kagabi dito sa ospital, kailangan niya daw operahan mamaya dahil may sakit pala siyang tinago niya samin ni kuya." Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya ito sa akin ngunit ikinagulat ko ito.

Bakit ang isang batang katulad niya ay nakaranas ng ganito sa mura niyang edad? Inosente siya wala siyang ginawa ngunit binawian siya ng mga importanteng tao sa kanya.

"Pero alam mo ate alam kong kahit anong mangyari andyan parin si Jesus para satin. Tignan mo oh nakapako parin Siya sa krus dahil sa kasalanan nating pinagbayaran Niya kahit wala Siyang kasalanan. Hindi siya napapagod dyan oh." Tinuro niya ang krus.

"Inako Niya lahat. Andyan parin Siya pagkailangan natin Siya at binibless parin Niya tayo. Kaya di ako nangangamba." Nakangiti niyang pahayag na nagpaluha ulit sakin.

Sa isang iglap nawala ang galit na nararamdaman ko. Bakit siya hindi nagagalit? Ano bang nais Mong iparating sakin?

"Ate hindi Siya ang nagbigay ng problema satin. Yung mga tao sa paligid natin ang rason o baka tayo mismo." Pinasway niya ang magkabilang paa niya habang nakaupo sa tabi ko

"Lagi lang si Lord nagaantay na bisitahin mo siya at tawagin. Gusto ka Niyang yakapin ate at hinihiling Niyang sana hayaan mo Siya." Sabi niya at hinila niya ko. Tumigil kami sa may nilalagyan ng holy water sa may entrance.

"Ganito ate ah." Sinawsaw niya ang maliit Niyang hintuturo sa holy water at nagguhit ng maliit na krus sa aking noo, labi kong nakasara at sa aking dibdib.

May narinig akong mga footsteps ng isang taong tumatakbo papunta dito sa chapel.
"Gab! Nandito ka lang pala." Sabi ng baritonong boses, nilingon ko ito

"Kuya Eyn!" Sabi ni Gab.
"Ikaw na bata ka pinagalala mo ko bat ka pumunta dito magisa? Babae ka pa naman." Sabi nito. Marahil at di pa ako into napapansin
"Kasi kuya magpepray po sana ako na pagaingin na ni Kuya Jesus si Lolo. Tapos nakita ko po tong si ate Ganda." Sabi niya at inakbayan ako sa leeg ni Gab.

Napatingin ito sakin at doon niya palang ako nakilala. "Aly I mean Nethaly." Sabi nito

"Zayne." Tinanguan ko ito
"Hala magkakilala sila yieeeee. Ate ganda! Si Kuya Eyn ko po! Si big bro ko hihi." Napangiti ako sa hagikhik ni Gab. Hindi ko alam na ang isang masungit na si Zayne at may kapatid palang ganito kacute at kakulit.

"Gab tara na puntahan na natin si Lolo. Magigising na yum kasi nagpray ka na." Malambing na sabi ni Zayne kay Gab
"Talaga kuya Eyn? Yey!!!" Lumiwanag ang mukha into at nagtatatalon

"Sige ate Ganda!!! Babye na! Kitakits." Pagpapaalam ni Gab at kumindat pa ito sakin. Kinulit pa nito si Zayne na magbabye sakin, na siyang napilitang gawin nito.

There's so much hope in her eyes. Siya ilang beses na nawalan. Sa murang idad niya ay maayos na siyang magisip. Sino nga ba ako?

"Sorry. Sorry." Mahina kong sambit na sinundan ng hikbi. Lumuhod ako sa mismong harapan ng Krus kung swan Siya nakapako at lumuhod.


"Sorry.* I said again. I kneeled

The KneelOnde as histórias ganham vida. Descobre agora