A Gangster Love Story

By Miho_Mayu

406K 7.3K 542

Fall in love with one crazy love story of a gangster :] More

A Gangster Love Story
~Prologue~
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 14.5 : A Special Date
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41 (Janine) Part. 1
Chapter 42: (Janine) part 2
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 (Secrets Revealed Part 1)
Chapter 53 (Secrets Revealed Part 2)
Chapter 54 - The Aftermath
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 - The Almost Ending
Chapter 58 - The Sacrifice
Epilogue
Special Chapter: The Lost Years
Special Chapter: The Lost Years II
Special Chapter: The Lost Years III

Chapter 39

4.6K 102 16
By Miho_Mayu

DANIEL POV


"Sorry" Kauna-unahang salita na binigkas ni Hannah. Sorry.. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, bakit siya nahingi ng sorry?

"Sorry talaga.. Patawadin mo ako Daniella..." paulit ulit niyang sinasabi. Nakita ko ding may pumatak na luha galing sa kanyang mga mata. Gusto kong punasan ang mga luha niya, ako ang bestfriend niya pero kahit minsan, di ko siya naintindihan.

"Para saan? Para saan ba Hannah? Dahil ba fake lang ang relasyon niyo ni Ice?" Prangka kong sinabi sa kanya. Halatang hindi siya nagulat sa sinabi ko. Mukhang alam niya na alam ko ang sikreto niya, pero bakit siya nag so-sorry?

"Daniella, sana mapatawad mo ako, napakasama kong kaibigan, kung.. kung hindi lang ako naging mang aagaw.. sana.. sana masaya kayo ngayon" Mas lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya.

Eh ano naman kung fake ang relasyon nila ni Ice? Wala naman akong kinalaman doon? At tsaka bakit siya humihingi ng tawad? Wala naman siyang ginawang masama ah. Inagaw niya sakin si Ice? Bakit? Hindi naman naging akin si Ice.

"Hannah, nahihirapan akong intindihin mga sinasabi mo.. pwede ba diretsuhin mo ako?" Bestfriend ko si Hannah. Pero nagagalit na ako sa kanya ngayon. Ano bang pinalalabas niya? Ang gulo niya.

"Daniella... patawadin mo ako.. mang aagaw ako.. inagaw ko siya... inagaw ko si Ice" O___O

"H-Ha?" halos mapiyok ako. Inagaw niya si Ice? Kanino? Sa akin ba? Bakit? Paano? Ako? Bakit ako? Hindi naman kami ni Ice... Hindi...

"Daniella, ako ang may kasalanan.. nag makaawa ako kay Ice.. pinilit kong mahalin niya ako, kahit alam kong hindi na.. ang tanga ko kasi.. kung hindi sana ako umalis, sana ako pa rin ang mahal niya, sana ako pa din ang iniisip niya, sana ako pa din.. pero hindi na eh.. ikaw na" Umiiyak si Hannah ng sinabi niya mga yon.

At hindi ko din mapigilang pumatak ang mga luha ko.

AKO?

AKO DAW?

"Sinabi ko to sayo dahil nakokonsensya na ako, hindi masabi ni Ice ang tunay niyang nararamdaman sa babaeng mahal niya dahil sa akin, dahil kailangan ko siya, ayoko ng ganun Daniella, ayokong napipilitan siya.. Ikaw yung kailangan niya eh... Ano ba naman to.. Hindi ko to dapat sabihin sayo eh.. Magagalit siya sa akin.. Pero ayokong pati siya nahihirapan.. Mahal ko siya.. pero mahal ka niya" Parang tumigil ang mundo ko. 

Hindi ako makahinga.

Parang tumigil ang tibok ng puso ko.

Gusto kong marinig ulit ang mga sinabi niya. 

"Da-Daniella.. okay ka lang?" winagayway niya ang kamay niya sa harap ko dahil sa napatulala ako at nablangko ang isipan ko.

"Ha? U-ulitin mo nga.. Ulitin mo mga sinabi mo.." paulit ulit kong sinabi. Tumigil ang pagpatak ng luha niya at ngumiti siya sa akin.

"Puntahan mo siya.. nasa garden siya ngayon" 

Mahal ni Hannah si Ice. Mahal ko si Ice. At ako ang mahal ni Ice.

Yumakap ako kay Hannah. Mahigpit na mahigpit.  Aalis na sana ako at tatakbo papunta kay Ice ng pigilan niya ako.

"Wait. May ibibigay ako sayo" Hinila niya ako papunta sa kwarto niya.Sa kwarto nila ni Ice. 

O___O

Hindi maari. 

Nandito..

"Noong araw na yon, kinuha niya yan para sayo, pero dahil nakita kong gusto mo yan at ibibigay ni Ice para sayo, kinuha ko yan, pinilit kong ibigay sakin to ni Ice, kahit alam kong para siya sayo, naiinggit kasi ako sayo, masyado ka niyang mahal... sorry... pati yang bagay na yan, inagaw ko" sinabi niya habang inaabot ang .. VIOLET na Teddy bear na gustong gusto ko!

Hindi ako nag dalawang isip pa. Kinuha ko ang teddy bear na yon at yinakap ito. Gustong gusto ko ito. Na love at first sight ako sa teddy bear na to, dahil na din sa kulay violet siya at UBE ang favorite kong pagkain. Pero..

"Sayo na to" Ibinalik ko kay Hannah ang teddy bear na yun. Muling bumagsak ang mga luha niya. Ngumiti siya sa akin.

"T-talaga? S-seryoso ka?" tanong niya habang naiiyak.

"Siguro nga sakin dapat yan Hans, pero kanino napapunta? Sayo di ba? Ibig sabihin nakatadhang mapapunta to sayo, salamat. Salamat sa lahat lahat, salamat dahil sinabi mo to sa akin. Salamat" Bumuhos ang mga luha ko.

Parang natanggal ang tinik ko sa dibdib. 

Nagkayakapan ulit kami ni Hannah. 

"Puntahan mo na siya" sinabi niya habang tinapik niya ang balikat ko.

"Salamat Hannah...ikaw pa din ang bestfriend ko" sabi ko.

Nginitian niya lang ako. at mas mabilis pa sa alas-kwatro akong tumakbo,  nakasalubong ko sina Raj, Dars, Sae at Kyo pero nagpatuloy lang akong tumakbo.

Takbo.

TAKBOOOOOOOOOOOOOOOOOO!! WOOOO!!!

Ito na siguro ang pinakamasarap na pagtakbo ang naranasan ko buong buhay ko.

TAKBOOO DANIELLLAAAAAAAA!!!!!

Sasabihin ko na sa kanya.

ICE! Maghintay ka lang....

XxX

Nang makadating ako sa garden, walang tao. Nag paikot ikot ako pero wala akong nakita ni anino ni Ice. Wala siya.

Asan ka ba Ice?

Please.

Asan ka?

"Daniellaaaaa!!!!" Nakita ko si Sae na tatakbo papunta sa akin.

"HOY! Wag kang tumakbo! Masama yan sayo! Ano ba Sae, ingatan mo nga sarili mo!" Sigaw ko sa kanya. Bawal kasi siyang tumakbo eh.

"Sorry naman, ayy! Oo nga pala. Daniella.. *huff* Si.. *huff* Si Ice! naaksidente!" 

Sa pangalawang pagkakataon, tumigil ulit ang mundo ko.

WAG.

Bakit ngayon pa? Kung kailan naman nalaman kong mahal niya ako???

Tumakbo ulit ako. Sumakay kami ng sasakyan ni Sae papunta sa isang malapit na hospital. Parang ambilis naman ata. Kasama lang siya ni Hannah kanina ah.

Narinig ko pa ang boses niya!

Gusto ko pang sabihin na mahal ko siya!

ICE! Mahal na mahal kita! WAG! Wag ka munang aalis!

Nang makarating kami sa hospital, hinanap ko kaagad ang room niya. Sa second floor lang. Pagkapasok ko ng kwarto, si Lance lang ang nandun.

"I-Ice" napasinghap ako nung nakita kong may benda ang kalahati ng mukha niya. Ang bilis naman ata ng mga pangyayari.

"Daniella... si Ice... w-wala... wala na." Naiiyak na sabi ni Lance. 

Tumayo siya at lumapit sakin. Tinapik niya ang balikat ko. 

"Sorry." Sabay silang umalis ni Sae.

Napatingin ako kay Ice. Nakahiga siya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. 

Umiyak ako.

Hindi. Hindi pa maari to! Masyado pang maaga!

"Ang daya daya mo! Umalis ka na kaagad! Hindi ko pa nasasabi sayong mahal kita eh! MAHAL NA MAHAL!!! Bakit ka ganyan! Bumallik ka dito! Bumalik ka.. para sa akin.. mahal na mahal kita Ice... wag muna please.. di ko pa kaya..wag... mahal mo ako di ba? MAHAL MO AKO EH! Bakit ka umalis kaagad! Bakit mo ako iniwan!"


Pinaghahampas ko ang dibdib niya. MASAKIT! BAKIT ICE!!!!

Patuloy lang ang pagpatak ng luha ko. Ayoko na. AYOKO NA!!!

Yumakap ako sa kanya. 

...

..

..

O___O

"Mahal na mahal din kita" sabay yakap din sa akin ni Ice.

XXX End of Daniel POV XXX

Sa labas ng kwarto, nakasandal ang isang lalaki ... kahit nasasaktan ay patuloy pa ding nakikinig sa kung ano man ang nangyayari sa loob. Pumapatak ang mga luha niya dahil ang tanging babaeng mahal niya ay kinuha na ng sarili niyang kapatid.

AN: Sorry sa late update! MWAHAHAHHAHAHHA. Anong sabi niyo sa aking update? BWAHAHHAH. ANg saya ko lang ngayon XD Sorry po ha. dahil medyo late mag update si Author. Feel free mag comment at magvote! ^o^

Continue Reading

You'll Also Like

24.7K 1.3K 71
Zhaolyn Sseoji ay isang Multo, Aalamin nya Kung bakit Sya namatay at Kung sino Ang pumatay sa kanya, Si Park Haneul ay isang magaling na Pianonist n...
4.3K 847 101
-an AU where both are university students and part timers, Yoon Jeonghan in a coffee shop and Choi Seungchoel in a fitness gym. -epistolary with narr...
200K 2.8K 48
Meet Kathryn Alexandra Bernardo 18 years old na nasa kanya na ang lahat Brain . Faces . Rich . Perfect Boyfriend. Attidute . Pero merong isa ang Wala...
192 162 12
We doesn't know each other but I'm comfortable with him. He's a stranger but he helped me. He's the only one who understand, and it's such a big hel...