One Day He Wrote My Name (PUB...

By LexInTheCity

402K 9.2K 3.2K

Mek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan... More

Copyright Page
Prologue 🎯
1. The Pen 🖊
2. The Resto 🍝
3. The Resumé 📃
4. The Boss 🚘
5. The Maze 🎡
6. The Hoodie ❤️
7. The Chatter 🎠
9. The Workstation 🏙
10. The Coffee ☕️
11. The SMS 📮
12. The Sleepyhead ⏰
13. The Treats 🍡
14. The Sequel (Part 1) 🎂
15. The Laptop 💻
16. The Condo (Part 1) 🌆
16. The Condo (Part 2) 🌃
17. The Confessions (Part 1) 🍱
17. The Confessions (Part 2) 💋
18. The Letters 📝
▪️A Guide to Readers 💛
19. The Specter (Part 1) 🛍
19. The Specter (Part 2) 👻
20. The Move (Part 1) 🚚
20. The Move (Part 2) 💄
21. The Secret 🙊
22. The Dinner 🍩
23. The Bar 🥂
24. The Book 📖
25. The Kiss (Part 1) 🍷
25. The Kiss (Part 2)📱
26. The Bench (Part 1) 🎟
26. The Bench (Part 2) 🎲
27. The Gift 🎁
28. The Show 📺
Acknowledgment ☺️
◾Prequel: ODHWMS ❣️
◾Book 2: The Name In Your Book 🎉🎉🎉
▪️Special Chapter: ODHWMN Quotes 🧁
◾Dare to Believe! 〽️〽️〽️
◾Take the plunge 🐳
▪️HAPPY 400K READS 💜💛🧡💚
▪️Book Changes 💛
29. The Rendezvous🌂 (Preview)

8. The Skyway 🛵

8.6K 242 83
By LexInTheCity

"H-ha? A-ah? ah-ahh?" Hindi ko alam ang idadahilan ko sa kanya. Kusang umurong ang dila ko. At kahit ang eyeballs ko ay 'di makakibo.   

"I am so disappointed in you, Ms. Santos. You do realize that I hire you because I saw that something in you that other applicants don't have. Well, that something right now is just nowhere to be found." Napahinga siya nang malalim habang pabilis nang pabilis ang pagmamaneho niya. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Pero huli sa peripheral view ko ang manaka-nakang paglingon niya sa akin. Marahil ay napapansin na rin niya ang pamumula ng mukha ko.

"Sir, hindi naman kayo ang tinutukoy ko," tanggi ko. Diretso pa rin ang tingin ko sa daan habang hinihintay ang mga susunod niyang bulyaw.

"Sinong niloko mo, Mek-Mek? I heard everything."

"What do you mean? You listened to my conversation with Mark? You're not supposed to do that," mataray kong sabi habang pinagkukrus ang mga braso ko. This is how impulsive I am. Especially when it comes to my privacy.

"H'wag mong ibalik sa'kin ang sisi, and how dare you say that to me...," galit na bulyaw nito.

"Pero sir, mali nga talaga ang makinig sa usapan ng iba," maktol ko. I felt like he invaded my privacy.

"Now you're being didactic. Sino bang boss dito?"

Natahimik ako. Natakot ang mga nagtatago kong balahibo sa braso. Batid kong unang araw ko lang ngayon sa trabahong ito, at ilang oras pa lang kaming nagkakasama ng boss ko. Sa isip-isip ko ay baka sinusubukan lang ako ng lalaking 'to. Kailangan ko bang maging submissive sa kanya?

"Kakaiba ka talaga, Ms. Santos," dugtong nito na may tono ng pagkadismayado.

"Sorry na sir. Hindi ko dapat sinabi ang mga sinabi ko kanina. My bad, I'm really sorry. Sana maintidihan n'yo na first day ko lang ngayon sa first job kong 'to," mahinahon kong paliwanag habang pinipilit ang mukha kong ngumiti.

"'Yun na nga e, first day mo pa lang, binabastos mo na ako."

"Kung nabastos ko man kayo sir, humihingi na ako ng sorry. Aminin n'yo, at some point in your life, marami rin kayong nagawang pagkakamali pero dahil alam nating tao lang tayo na nagkakamali, ang mahalaga ay may note-to-self lagi tayo na hindi na natin iyon uulitin. Sorry na po sir."

Sa reaksyon ng mukha niya ay parang nairita pa siya sa mahaba kong paliwanag. "Hindi p'wede ang basta sorry lang. Get off my car now!"

Hindi agad nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya para mapagtantong seryoso nga siya sa sinabi niya. "Pero sir, teka lang. Wala akong masasakyan dito sa kalagitnaan ng skyway. At 'di ba pabalik pa tayo ng office?"

"Baba na sabi." Mabilis niyang ipinreno ang sasakyan para lalo akong kabahan.

"Pero pa'no ang pagbalik ko..."

At 'di na niya ako pinatapos sa aking litanya. "Baba na," ulit nito. Kapansin-pansin ang galit na reaksyon ng mukha niya. Kanina naman ay ayos pa itong makipag-usap sa akin. Nakasama pa nga siguro ang pagiging feeling close ko rito.

Agad kong binuksan ang pintuan ng SUV niya.

Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na stranded sa gitna ng skyway. Pero ito na nga ang nangyayari ngayon. Hindi ba niya alam na maaari siyang mahuli ng mga awtoridad dahil sa pagbaba niya sa'kin sa lugar na 'yon? Pero isa nga siguro siyang masuwerteng nilalang at walang sumita sa kanya. Habang ang lahat ng kamalasan ay bukas loob na tinanggap ng katawan ko. Paano na ako ngayon? Ang bibilis pa ng mga sasakyan dito.

Agad kong kinontak si Ara. Pero hindi niya nasagot ang ilang ulit kong pagtawag sa kanya. Baka abala na naman ito kay Christian.

Bigla namang nag-text si Mark. "Bakit hindi ka na nagre-reply?" sabi nito sa text. Dahil sa sobrang desperado na ako sa sitwasyon ko ay tinawagan ko na si Mark. Naubos tuloy ang tinitipid kong load. Mabilis naman niya itong sinagot, na para bang sadya itong naghihintay ng tawag.

"Bakit anong problema?"

"Mark, I need your help. Iniwan ako ngayon ng boss ko rito sa skyway," naiiyak kong sumbong dito. Mukha na kasi akong tanga roon. Mag-isa. Nilalampasan ng mabibilis at malalaking sasakyan, habang ang balat kong pinaputi ng kojic soap ay unti-unti nang sinusunog ni haring araw. Ito siguro ang dahilan kung bakit dry-fit shirt at rubber shoes ang pinasuot sa akin ng impertinente kong boss.

Pero sino ba naman ang magjo-jogging ng alas-dose sa skyway? Hay, mas mabuti na rin siguro 'yon kaysa naka-high heels at bolero ako.

"Bakit niya ginawa 'yon? Sa'n kang banda ngayon? Pupuntahan kita."

Sinabi ko kay Mark kung saang banda ng skyway ako iniwan ni Sir Aki. Napakasama talaga ng Aki na 'yon. Gusto ko siyang batuhin ng isang daang sapatos na may spikes. Pero 'di ko alam kung bakit ba umaasa pa rin akong babalikan niya ako sa lugar na 'yon. Seryoso ba talaga siya sa ginawa niya sa'kin?

Hindi na talaga niya ako binalikan. Mabuti na lang at mabilis na nakarating si Mark na sakay ng big bike niya. Okay, mainit sa biyahe pero mas mainit ang katawan niya na damang-dama ng mga kamay ko na nakayapos dito. Bukod sa first time kong ibaba sa kalagitnaan ng skyway ay first time ko ring sumakay sa isang motorbike. Pero hindi ko mawari kung bakit nawala ang lahat ng takot ko nang makaupo na ako sa big bike niya.

"Okay ka pa?" tanong nito sa akin. Napakabait talaga niya. Gusto pa nga nitong ipasuot sa akin ang itim na leather jacket niya.

"Gusto ko na lang umuwi, Mark," naiiyak kong sabi rito.

"Gago 'yung boss mong 'yon. Resbakan natin gusto mo?"

"H'wag na. Uwi na lang muna tayo," sabi ko.

Mabilis ang biyahe namin. At pagkalabas namin sa skyway na puro bus, truck at kotse lang ang dumadaan, biglang itinigil ni Mark ang big bike niya sa tapat ng isang resto na may kakaibang façade. Mukha itong isang mini castle. Kulang na lang ay bumaba ako sa isang magarang kalesa.

"Bakit nandito tayo?" tanong ko rito.

"Alam ko kasing pagod at gutom ka na kaya dito muna tayo."

"Salamat, Mark." Oo nga pala kanina pa akong nagugutom.

Pumasok kami sa loob ng resto at nagulat sa mga tao sa loob. Lahat sila ay nakatingin sa amin na para bang kanina pa nila kaming hinihintay.

"Mak-Mak siya na ba ang kaibigan mong iniwan ni... I mean ng boss niya sa skyway?" tanong ng isang babaeng nakangiti sa akin. May suot siyang apron, at hairnet na may tiara. Nagulat din ako sa naturan niya. Nakakahiya at pati sila ay alam ang sinapit ko sa kamay ng walang pakundangan kong boss.

Napasimangot si Mark sa tawag sa kanya nito. "Ma, naman, 'wag Mak-Mak. Nakakahiya sa bisita natin. 'Nga pala Mek, mama ko. Ma, si Mica."

"Naku kumain muna kayong dalawa, teka ipaghahayin ko na kayo," sabi nito sa amin. Mukhang napakabait nitong mama ni Mark.

"Mak-Mak pala ha," asar ko kay Mark pagkaalis ng mama niya, habang papunta kami sa isang parihabang mesa roon.

"Grabe h'wag gano'n. Mark na lang," sabi nito habang napapakamot sa ulo.

"Basta h'wag mo na rin akong tatawaging Mek-Mek." Napa-iling siya. "Pero teka, resto n'yo ba 'to?" pag-uusisa ko.

"Oo. Si mama na ang nagma-manage, tapos siya pa rin ang nagluluto. Pero marami rin naman siyang katulong."

"Wow naman. Mabait na mama mo, napakasipag pa."

"S'yempre, mana sa'kin," sabi nito na may kasamang kindat.

"Hahaha. Pero salamat talaga, Mark."

"Ano ka ba, parang wala akong utang na loob sa'yo."

"Wala naman talaga. Ni hindi mo nga napakinabangan 'yung trabahong 'yon. Tapos, nailibre mo na ako dati pa. Quits na 'yon, noon pa."

"Para sa'n pa't magkaibigan tayo." Ang sarap pakinggan ng salitang kaibigan. Mabuti na lang talaga at nakilala ko siya.

Ibinalik namin ang usapan sa trabahong tinanggihan niya sa Zhyx Media. Pinipilit niya akong pag-aplayin muli sa Zhyx bukas. Sabi ko naman sa kanya ay pag-iisipan ko muna 'yon nang mabuti.

Mabilis ding dumating ang inihaying pagkain sa amin ng mama niya. Iyon daw ang specialty nila at totoong napakasarap nito. Daig ko pa ang prinsesang first time makakain ng Turkish Delight. Pagkatapos naming kumain at magkuwentuhan ay nag-offer pa si Mark na ihatid ako sa bahay na tinanggihan ko na sa pagkakataong ito. Malaki na ang naitulong nito sa akin, at kaya ko na namang bumiyahe simula sa resto nila pauwi sa bahay.

'Pagdating ko sa bahay ay 'di ko na kinuwento kay mama ang nangyari kanina. Hindi na 'yon mahalaga kasi alam ko namang wala na akong trabaho. Mabilis akong nagpalit ng damit para hindi na rin mahalata ni mama na iba na ang suot ko.

Inayos ko rin agad ang clearbook ko para sa pagbalik ko sa Zhyx bukas. At habang inaayos ko ang mga papeles ko ay saka naman tumawag si Ara.

"Friend, sorry di ko nasagot ang tawag mo kanina. Bakit, anong problema?"

"Naku friend, long story."

"Ano ngang nangyari, make it short."

"It's complicated."

"Then make it simple."

"Sige na nga. Remember the guy I met sa bookstore last year. 'Yung hinabol-habol ko. Kasama ko siya kanina."

"Ohmigod. Kayo na? What happened? Daya mo, ba't ngayon mo lang sinabi sa'kin?" pilyang tanong nito.

Hindi mo nga masagot-sagot ang tawag ko kanina e, sa isip-isip ko. "No. Not like that. He's my boss. No. He was.... Period."

"What? May trabaho ka na? Mek-Mek ang dami mong hindi sinasabi sa'kin. Tampo na ako sa'yo."

"Kaya nga eto o, kinukuwento ko na sa'yo. Pero 'di ko na siya boss ngayon. Pagkatapos kasi naming pumunta sa Lover's Maze & Chase, bigla na niya akong iniwan sa gitna ng skyway."

"Teka-teka bakit kayo nagpunta ng Lover's Maze & Chase?" pag-uusisa nito sa kinikilig na tono.

"Ewan ko nga ba sa super moody na taong 'yon. First day of job, do'n kami nagpunta, without explaining to me what I needed to do."

Ang totoo n'yan ay naikuwento ko rin naman sa kanya ang buong istorya, dahil sa marami't sunod-sunod niyang mga tanong. Kaya napag-usapan pa rin namin kung paano ako pinababa ni Sir Aki sa sasakyan niya. Nairita rin siya sa ginawa nito sa akin pero aminado siyang may mali rin ako. Hindi ko naman kasi alam na maririnig niya 'yon e, at saka 'di siya dapat nakikinig sa usapan namin ni Mark.

Pero ang mas mahalaga ay mas nakilala ko si Mark. Kinilig si Ara nang ikuwento ko sa kanya ang pag-save sa akin ni Mark. "Ang hot kaya niya," komento pa nito. Sinabi ko rin dito na bukas na bukas ay babalik ako sa Zhyx to try my luck again.

****

Maaga na akong natulog pero tanghali pa rin akong nagising. "Mek, kumusta pala ang lakad mo kahapon? 'Di ka na nagkuwento? Saka bumili ka ba ng bagong sapatos," bungad sa akin ni mama paglabas ko ng kuwarto ko.

"Ma, maya ko na ikukuwento sa inyo. Long story at male-late na kasi ako. Punta ako ngayon sa Zhyx."

Pero bago ko pa madampot ang bath towel ko ay bigla naman kaming nabulabog ng isang pamilyar na katok. Ako na ang nagbukas ng pinto na handa na sa magiging litanya ko.

"Aleng Lourdes, ang aga n'yo po ha. Pasok muna kayo. Baka gusto n'yo munang magkape?" Bigla kong naalalang wala pa nga pala kaming mainit na tubig, at ibig sabihin nito ay 'di rin agad ako makakaligo dahil sa lamig ng tubig sa banyo.

"Hindi na. Alam n'yo na naman siguro kung bakit ako nandito ngayon. Ito na ang huling araw ng palugit ko sa inyo, 'pag hindi pa kayo nakapagbayad ngayon, kailangan ko na kayong paalisin sa bahay na ito." Pirmi ang pagkakasabi niya habang nandidilat ang mga mata.

"Lourdes, naku naman. Bigyan mo pa kami ng isang linggo. Pakiusap naman. Malapit nang magsimula sa trabaho niya itong si Mek," salo ni mama. 

"Puro kayo pangako. Hindi na magkakatrabaho 'yang anak mo," ani aleng Lourdes. Sa lakas ng pagkakasabi niya rito ay naramdaman kong para bang pinapanood na kami ng mga usisero naming kapit-bahay.

"Magkano ba? Magkano ba ang kailangan nilang bayaran?" sabad ng isang pamilyar na boses. Boses na ayaw ko nang marinig nang mga oras na 'yon.

Pareho ang reaksyon nina mama at aleng Lourdes nang lumapit siya sa amin. Mangha na napapangiti. Siguro nga ay parang anghel siyang bumaba sa lupa dahil sa kakisigan niya, pero hindi nila ito lubos na nakikilala. Hindi nila alam na ipinahiya ako nito sa bookstore isang taon na ang nakalilipas. Hindi nila alam na nagawa ako nitong iwan sa kalagitnaan ng skyway habang tirik na tirik ang araw kahapon lamang.

Ngayon ko lang napansin ang mini cooper niya na nakatigil sa tapat ng bahay namin. Siguro inisip ko lang na kay aleng Lourdes ito.

Nakatitig siya sa akin na kahit bagong gising ay aminadong maganda at sexy. Nakasandal siya sa bago na naman niyang sasakyan, at nakakaloko ang ngiti niya. "Sir Aki? Bakit nandito ka?" mataray kong sita rito.

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 442 30
Duology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamily...
22.9K 664 51
Layla Dali Maranda is quite used to hiding her emotions. Maybe it was her own fault anyway for she fed people with the thought that she doesn't fear...
142K 5.8K 49
(Completed) Even in her wildest dreams, Alisson never thought na mangyayari sa kanya ang nangyayari lamang sa anime at Wattpad books. But there she w...
81.6K 2.7K 62
One hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa...