How to be your Boyfriend vol...

By JulieAnneHermogino

3.7K 45 37

Kung si Batman may Joker at Bane, Si Mara may Clara, Si Popeye may Brutos, Ang Ateneo blue eagles, may De La... More

Chapter 1 In the Line
Chapter 2 Tired of being Alone
Chapter 3 The Heartbreak Kid
Chapter 4 The Big Brawl
Chapter 5 The Initiation
Chapter 6 Queen of Omelet
Chapter 7 Our First Date... Almost but not quite
Chapter 8 The Detention
Chapter 9 Electric Shock
Chapter 10 How to Survive a Worst Date
Chapter 11 Jaymee's Alarming Story
Chapter 12 Forgive and Forget
Chapter 13 Box of Chocolates
Chapter 14 Meet the Parents
Chapter 15 Rainy Days and Mondays
Chapter 16 Bang! Bang!
Chapter 17 In Ten Seconds
Chapter 18 The Gossip
Chapter 19 Movie Marathon
Chapter 20 Sweet Escape
Chapter 21 Sembreak
Chapter 22 The Beach
Chapter 23 Training Day
Chapter 24 The Alcoholic
Chapter 25 The Harassment
Chapter 26 Getting to Know You
Chapter 27 Stars
Chapter 28 The Winner
Chapter 29: Something to Reveal
Chapter 30 The Truth
Chapter 31 The Consequences
Chapter 32 Reality Bites
Chapter 33 The Voodoos and the Laundry
Chapter 34 Impending Doom
Chapter 35 Silence of the Lambs
Chapter 36 Archaelogical Facts
Chapter 37 The F word on V Day
Chapter 38 The Deposition
Chapter 39 Teamwork
The Girlfriend
Author's Note
How to be your Boyfriend vol. 2
Chapter 1 Empire State of Mind
Chapter 2 Gangs of New York
Chapter 3 The Notebook
Chapter 4 The Spot
Chapter 5 The Second Time Around
Author's Note

Chapter 40 The Graduate

50 0 0
By JulieAnneHermogino

Soundtrack for this Chapter: Don’t Go Away by Oasis

Patapos na ang semester, ilang linggo na lang ang hihintayin ko at summer na. Mabilis lang naman lumipas ang araw kaya isang kandirit at isang kembot, makukuha ko din ang inaasam asam ko.

Yun nga lang, nakatatak sa utak ko na ang mga classmates ko, mamartsa na sa stage. Si Sandra ang magi-speech sa commencement. I’m happy for her. Mas happy sana ako kung nandun ako at nakaupong nakikinig sa speech niya.

Sana masaya na si Chloe at si Sir Sera sa ginawa nila. I wish them well.. in hell.

 Good vibes lang Conrad.

Marami din akong napagdaanan sa pag-iintern ko dun, yung mga matronang dinadampi dampi ang pwet ko, nakayanan ko naman yun tapos mauuwi lang pala ang lahat sa wala? It was never worth it!

Inimbita ako nila Papa sa bago nilang bahay sa Makati for dinner. Inimbita ko si Portia but she acted weird, may lakad daw siyang importante so ako lang mag-isa ang pumunta.

Simpleng bungalow ang style ng bagong bahay na nabili nila Mama. May dalawang kwarto, malawak na living room at malawak na kitchen. Simple lang pero nadala siya ng fiber glass window at eleganteng furnitures na nakadisplay sa living room.

Siguradong yung isang kwarto, akin yun.

“Ma, dito kaya ako matulog ngayon?” tanong ko kay Mama.

“Sure!”

Hindi ko naitago kay Mama ang pagkamiss ko sa kanya. I’m happy na hindi nila ako prenessure sa kinakaharap kong problema. Pero hindi na siya malaking problema ngayon dahil nasolusyunan na.

Hindi naman sila nangialam sa desisyon ko kahit maging ano pa man yon.

“Ma, nothing beats your Kare-Kare!” sabi ko kay Mama.

Ito ang namiss ko, dinner with family, kare kare ni Mama at usual conversation at tawanan sa hapagkainan.

“So, Conrad, wala na bang chance dun sa New York?” tanong ni Papa.

“Magsa-summer na next month, ilang linggo na lang, Nakapgdesisyon na akong magsummer class na lang.”

“Okay, if that’s what you want.” Ngumiti sa akin si Papa.

“Ma, ako na lang ang maghuhugas.” Sabi ko kay Mama at tumayo para hugasan ang mga platong pinagkainan.

Matapos kong patuyuin ang mga plato, biglang may natanggap akong text galing kay Portia. Magkita daw kami ngayon.

“Ma, lalabas muna ako saglit.”

Paalam ko sa kanila habang nanonood ng tv sa may sala.

Nagkita kami ni Portia sa isang malapit na coffee shop sa may village. Nilapitan ko siyang nakangiti.

“Kanina ka pa?” tanong ko pero hindi niya ako inimik.

May naghihintay na kape sa tapat ko. Humigop ako ng konti at medyo malamig na ang kape, siguro kanina pa siya dito.

“So, how’s your day?”

Nagtanong ako ulit sa kanya pero hindi niya ako ulit sinagot. Balisa at malalim ang iniisip niya. Bago niya ibinuka ang bibig niya para magsalita, ngumiti muna siya sa akin.

“If I tell you to leave for New York, will you go?” tanong niya.

“Ito na naman ang topic. Sinabi ko naman sayo di ba? Tapos na, napagusapan na natin. Hindi ang sagot. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan.”

“What if I tell you to go?”

Nagulat lang ako sa seryoso niyang mukha na nagpapahiwatig na pinapalayas niya na ako sa Pilipinas.

“Okay! Yun ang gusto mo? I’ll go! Settled? Okay na?”

“We should break up.”

Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang ‘break-up’. Gusto niya akong umalis at gusto niyang makipagbreak. Kung irereview ko ang history ng pag-aaway naming dalawa, sa pagkakaalam ko, walang major away na nangyari bukod sa Valentine’s day. Nagkabati naman kami agad nun. Anong rason?

Biglang nawalan ako ng enerhiya at parang may bumubukol sa lalamunan ko.

Nilalamon ako ng titig ng mata niyang hugis almond, walang emosyon ang mukha niya, hindi rin siya naiiyak.

“Conrad, narealize kong marahil ay hindi tayo para sa isa’t isa. Hindi pa ako handa makipagcommit sayo. I have let you go and I want you to be happy. You should let me go as well.”

“Anong pinagsasabi mo? Okay naman tayo, anong rason at biglang nag-iba ang sitwasyon natin? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong hindi tama? Hindi naman kita pinepressure.”

“It’s not you..”

“Don’t! Don’t say that.. I hate that!”

“I will break up with you anyway!” tumayo siya at akmang aalis.

“If you leave, it’s over!”

Umalis siya at iniwan ako sa coffee shop.

Nakakahiyang umiyak sa isang public place. Hindi naman ako si Coco Martin na gumagawa ng teleserye sa may coffee shop at wala ring kamerang nakapalibot sa akin para kumuha ng eksena. Pero, ang luha ko hindi nagpapigil.

Tumayo ako at lumabas ng shop. Nandito pa kaya siya sa paligid? Bakit niya ginagawa sa akin toh. May sobra ba akong ibinigay? May kulang? May mali? Kung ibabalik ko ba ang ilang minuto ng buhay ko, mag-iiba pa ba ang desisyon niya?

Ibinigay ko naman ang lahat ng makakaya ko para mapasaya siya. Hindi ba siya masaya? Buong buhay ko naibigay ko sa kanya, tapos maglalaho lang yun lahat. Nawalan na ako ng diploma, pati girlfriend nawala rin sa akin.

Umuwi ako agad ng bahay at nang makita ko si Mama sa may dining table, niyakap ko agad siya. Kung si Portia, kaya akong i-break, ang nanay ko hindi. Dun lang ako nagkaroon ng pagkakataong ibuhos lahat ng emosyon at iiyak lahat ng masakit sa akin.

“Ma, I’m going to New York.” Nasbi ko kay Mama.

When you’re dreaming with a broken heart..

Then waking up is the hardest part..

You’ll roll out of bed and down on your knees..

And for a moment you can’t hardly breathe..

Wondering was she really here..

Is she standing in my room..

No she’s not..

‘Cause she’s gone..

Gone..

Gone..

Gone..

Gone..

Ang sarap kunyatan ni John Mayer dahil sa kanta niyang Dreaming with a Broken Heart.

Pero tama siya dun, mahirap gumising sa umagang may taong wala na sa buhay mo. After several days, trinay kong tawagan si Portia pero nakapatay ang cellphone niya, umaasa akong dahil lang yun sa matinding PMS. Pero as of now, hindi ko pa rin siya nakakausap.

Ilang linggo ang nakalipas matapos ang break up, sa huling pagkakataon kailangan kong makausap si Portia para magpaalam. Pero ni anino niya hindi ko mahagilap.

Sinunod ko ang gusto niya, I’m leaving for New York. Yung sinasabi niyang opurtunidad, ito na, gagawin ko na. Pinagisipan ko ring mabuti at marahil dala na rin ng matinding depresyon. I have to go away para makalimot, para masunod ang kagustuhan niya, without even knowing kung babalik pa ako dito o kung may babalikan pa ako.

Nakatayo na ako sa labas ng airport, hila hila ko ang suitcase. Hindi na ako nagpahatid kala Mama, hawak hawak ko ang passport at ticket ko papuntang New York.

Mahaba pa ang pila, pwede pa akong mapigilan kung meron mang gustong pumigil sa akin. Karamihan kasi sa mga telenovela na napapanood ko, kapag paalis ng bansa ang bidang babae o lalaki, palagi siyang napipigilan ng syota niya at hindi na siya natutuloy sa pag-alis.

“If you leave..it’s over.”

Yun na ang last na sinabi ko sa kanya. So, if I leave today, it’s really over.

Inikot ikot ko ang ulo ko at nagbakasakaling may Portia Sabrossa na naligaw dito sa airport. Meron pang tatlong pasahero sa unahan ko, malayo pa ako, pwede pang mapigilan.

Hanggang sa pag-upo upuan ko sa eroplano, asang asa pa rin ako na may Portia na lalantad sa harap ko, kukunin ang kamay ko, hihilahin ako palabas ng eroplano, pero siguro sa panaginip ko na lang yun masasaksihan.

And the plane took off…  

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...