Chapter 28 The Winner

48 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Keep your Head by The Ting Tings

“Saan tayo kakain?” tanong ni Portia habang naglalakad kami papunta sa restaurant na sinagest ni Ma’am Pricilla.

Pumayag si Portia na maglunch kasama si Priscilla at pumayag din si Ma’am na makilala si Portia.

Naghihintay si boss sa may Italian restaurant nang dumating kaming dalawa. Nakita niya agad ako ng magtanong ako sa receptionist ng resto kaya kinawayan niya kami at lumapit sa kinauupuan niya.

Naka white polo shirt at naka jeans si Priscilla. Very laid back ang outfit niya ngayon hindi tulad ng outfit niya sa office na naka formal wear.

“Priscilla… kanina ka pa dito?” tanong ko sa kanya.

“Hindi naman masyado.” Ngiti niya.

“Siya nga pala, ito nga pala si Portia, girlfriend ko.”

“Hello po…” sabi ni Portia.

“Hi! Have a seat.”

Umupo kami ni Portia at tinawag ni Priscilla ang waitress.

“Order na kayo ng kung anong gusto niyo. This is my treat.” Sabi ni Priscilla.

Inabot ng waitress ang menu.

This is an Italian restaurant. Walang ibang pagkain kundi pasta, pizza, salad. Ang mamahal pa ng food. Kung sa tapsihan na lang kaya ni Mang Ernie, mas maeenjoy ko pa. Buti na lang sabi niya, treat niya. Muntik ko na sanang sabihin na libre ko nung niyaya ko siya nung isang araw.

“Paano ba toh i-pronounce?” bulong ko kay Portia habang tinuturo ang isang putahe sa menu.

“Hindi ko alam, ituro mo na lang.” bulong niya rin. “Wala bang picture tong mga pagkain? Italian na nga yung pangalan, hindi ko pa alam kung pork ba toh o kung ano man.”

Itinuro ko na lang sa waitress yung order ko at kinalabit ako ni Portia.

“Ituro mo na din yung akin.” Sabi niya.

“Ikaw na.”

Tinapakan niya ang paa ko.

“AAAhh.. ito na rin.” Sabi ko sa waitress.

“Okey Ma’am, Sir… your order will be served after 3 minutes.” Sabi ng waitress at umalis na siya sa table.

“Three minutes pa? Gutom na ako.” Bulong ko kay Portia.

Siniko naman ang tyan ko.

Nakakahiya kasing gumalaw galaw sa restaurant na yun. Bukod sa pangmayaman talaga siya, glamoroso at sopistikado ang mga kubyertos, yung tipong masarap nakawin yung kutsara dahil gold siya, first time kong makakain sa ganung restaurant. Nakakailang din kasi si Ma’am, habang umoorder kami ni Portia ng pagkain nakatitig talaga siya sa amin. Parang sinusubaybayan ang mga galaw namin.

“Malapit lang ba dito ang condo mo?” tanong ko sa kanya.

“Oo, siguro mga 3 blocks away.” Sagot niya. “Nakalipat na yung mga gamit ko.”

Tahimik lang si Portia na tinitingnan ang chandelier at inoobserbahan ang mga taong kumakain.

“How are you Portia?” tanong ni Priscilla.

“I’m fine.” Simpleng sagot ni Portia na mukhang nahihiya sa kanya.

“May sakit ka ba?” hinawakan ko ang noo niya. “Ibang iba ka kasi eh.”

“What do you mean?”

“Ang tahimik mo kasi.”

“Nahihiya kasi ako.”

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now