Chapter 11 Jaymee's Alarming Story

80 2 1
                                    

Soundtrack for this chapter; So Good to me by Chris Malinchak (Click multimedia to listen)

Hanggang ngayon umaasa pa rin si Sandra sa ipinangako ko kong date. Yun ang mali ko, bakit kasi sinabi kong babawi ako sa kanya next time pero madali na lang iwasan yan.

“Conrad, tara! Lunch tayo!” sabi ni Sandra nang habulin niya ako sa hallway pagkatapos ng klase. “Sabi mo, babawi ka.”

“Ah, ano….kasi….”

“Con!” tawag ni Dominic.

Buti na lang may nag-iisang Dominic na sasagip sa aking precious life. Yinaya niya akong mag-CR at syempre hindi na pwede si Sandra dun.

“Hay salamat! Wala na siya!” sabi ko kay Dominic.

May kakaiba akong napansin kay Dominic, mapungay ang mga mata niya. Di naman siya amoy chico. Hindi kaya, nagdo-droga siya.

“It’s true!” sigaw ni Jaymee sa cafeteria ng sabay kaming mag-lunch.

“I don’t believe you!”

“Well, it’s official.”

Ang Kwento ni Jaymee:

Sa tagong garden ng campus, tahimik at seryosong magkatabi sa malawak ng bench sina Dominic at Portia.

“We should break up!” malumanay na sinabi ni Dominic.

“Ha?”

“Let’s end this.”

Iniiwasan ni Dominic ang pagtingin kay Portia.

“What do you mean? May sinabi ba akong masama? May ginawa ba akong mali? Hindi mo na ba ako mahal?”

“Hindi ko na kaya!” tumayo si Dominic at huminga ng malalim. “I have to tell you something.”

Umupo siya sa harap ni Portia.

“Life is unfair.” Nanginginig ang kanyang mga boses habang nakatitig sa mga mata ni Portia. “Bata pa ako, I’ve always been confused. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Napapalibutan ako ng dilim sa liwanag. Hindi ako makagalaw sa mundo. When I met you, akala ko ikaw ang magiging solusyon sa problema ko pero mas lalo akong nahirapan.”

“Tuwing nakikita kita marami akong gusting gawin sayo, gusto kitang kulutan, gusto kitang ahitan ng kilay, gusto kitang make-upan, gusto kong maging katulad mo…. Portia, I’m gay!”

Namumula ang mga mata ni Dominic na naka titig pa rin sa mga mata ni Portia na nanlalaki sa gulat.

“Hindi ko alam kung ano ba talaga ako. Sometimes I get mad at myself for having to feel this. Gusto kong magpakalalaki para sa tatay ko and then you came along. Sinabi mong gusto mo ako kaya niligawan kita knowing the fact na hindi na ako makakaramdam ng ganitong feeling but I didn’t expect that you have become an inspiration to me. Napakaconfident mo, your tough, your strong, ikaw yung taong walang pakialam sa sasabihin ng iba. Kaya sinabi ko, kaya kong maging katulad mo. Kaya kong magpakatotoo.”

Tumulo ang luha ni Dominic samantalang pigil ang emosyon ni Portia.

“Inisip ko tong mabuti. Hindi naman pwedeng basta na lang akong makipagbreak sayo ng walang rason. I decided to break up with you para hindi ko na maloko ang sarili ay hindi na ako makasakit ng iba. Ayokong masaktan ka at kapag nagpatuloy pa ako sa kasinungalingang toh, mas lalo pa akong mahihirapan. I know for sure maiintindihan mo ako at sana wag kang magalit sakin.”

“Hindi ako galit.”

“Thank you, I appreciate that.”

Pinilit ni Portia na ngumiti.

“Kaya ayun, iyak ng todo si Portia dahil obviously nasaktan siya. First love niya si Dominic eh.” Pagtatpos ng kwento ni Jaymee.

Hinid ko alam kung saan ako matutuwa, sa balita ba na wala it’s officially over between Dominic and Portia at pwedeng pwede na siyang ligawan o sa balitang bakla si Dominic at walang wala na akong kalaban sa pagiging sexiest man alive ng campus. Ako na talaga ang nag-iisa at walang kapantay.

“Hoy! Anong nginingiti mo dyan?”  Sigaw sakin ni Jaymee. “Kung nagbabalak kang asarin si Portia, wag na wag kang magtatangka!”

“Bakit? Mamamatay ba siya sa asar ko? Hindi naman ah!”

Tumayo si Jaymee at lumapit sa kinauupuan ko.

“Sira ulo ka talaga!” sabay batok sakin na kaya niya lang naman gawin kapag nakaupo ako.

Tahimik at mag-isang naka-upo sa bench ng garden si Portia kung saan nangyare ang makasaysayang break up nila ni Dominic.

Lumapit ako sa kanya habang busy niyang kinukutkot ang kanyang kuko.

“Hi!” batik o. “Pwedeng maki-upo.

Nilagay niya ang bag niya sa upuan para hindi ako makaupo. Siniksik ko naman ang pwet ko sa maliit na space.

“Alam mob a ang balita?” hindi niya ako inimik. “Break na daw kayo ni Dominic? Tsismis bay un?” hindi pa rin niya ako inimik.

“Sabi mo sakin dati paminta ako samantalang yung boyfriend, ahem, yung ex mo na pala ang paminta. Mang-aamoy ka kasi mali pa!” nakatuon ang tingin niya sa kanyang mga paa.

“There are many fish in the sea pero sana naman siguraduhin mong tunay na lalake ang mabibingwit mo! Hindi talaga ako makapaniwala na si Dominic isang… ahahahaha…. Gusto kitang damayaan sa pinagdadaanan mo. Syempre, nakipagbreak na sayo ang boyfriend mo, lumantad pa sa tunay niyang anyo… Ano bang magandang break up song?”

Kumanta ako ng isang makapagdadaming Boys II Men na kanta. Yun lang, wala sa tono at panget ang rendition.

Can we go back to the day our love was strong

Can you tell me how a perfect love goes wrong

Can somebody tell me how to get this back the way they used to be

Oh God gave me a reason

I’m down on bended knees

 “Tumahimik ka na!” sabi niya habang patuloy ako sa pagkanta.

I’ll never walk again

Until you come back to me

(On Bended Knees By Boys II Men)

“MANAHIK KA NA!” sigaw niya na ikinagulat ng mga ibon at langgam.

“WAAAAAHHHHH!”

Umiyak ng umiyak si Portia at hindi ko malaman kung saan siya umiyak, sa kanta na malaki ang patama sa kanya o sa boses kong tunog basag na speaker at amplifier. Itinulak niya ako ng malakas at napaupo sa ground.

Tulo-luha, tulo-uhog, tulo-laway.

Nakakaguilty ang ginawa ko. Ayoko pa namang nakakakita ng babaeng umiiyak.

Kumuha ako ng panyo at ibinigay sa kanya.

“UMIYAK KA DIN!” sigaw niya habang patuloy na nagta-tantrum.

“Hindi naman ako naiiyak.”

“IYAK!” sinintok niya ako sa tiyan.

At pinilit kong may luha na lumabas sa mga mata ko. Masuka-suka na ako sa kakapilit. Mukha tuloy kaming timang na umiiyak.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now