Chapter 17 In Ten Seconds

60 2 1
                                    

Soundtrack for this chapter: Slow and Low by The Beastie Boys (click multimedia to listen)

Let it flow

Let yourself go

Slow and low

That is the tempo

(Slow and Low by The Beastie Boys)

Volume 5 ang ingay ng aking radyo habang nag-ala MCA sa pag-rap ng kanta ng Beastie Boys. Nakaboxer shorts habang sumasayaw na parang si Tom Cruise sa Risky Business.

May katok ng katok sa pintuan na kung hindi ko hininaan ang volume baka hindi ko pa napansin. Binuksan ko ito at galit na galit ang isang babae.

“Kuya naman! Hinaan mo ang sounds mo!”

 Lumabas ako ng kwarto at sinara ang pinto.

“Ah, pasensya na ate ah.. hihinaan ko na po!” sabi ko sa kanya.

Pag-alis niya, papasok na sana ako sa loob kaso naka-lock. Pushet! Naka boxer shorts lang ako, nasa loob ang phone ko, at ang pinaka importante, nasa loob yung susi. Paano ako makakapasok?

Bumaba ako at kumatok sa bahay ng landlord.

“Ateng! Ateng!” tawag ko.

Bumukas ang pinto at si Bebang ang tao na kung hindi na ako sanay sa pagmumukha niya lagi akong magugulat.

“Hi, Conrad!” sabi niya sa akin at nagflash ng kanyang smile na absent yung two front teeth.

May pera naman si Ateng, bakit kaya hindi niya pagawan ng pustiso si Bebang. Feeling ko, may favoritism siya sa mga anak niya. Yung tatlong bakla, laging binibilhan ng micro mini shorts at spaghetti strap na damit. Samantalang si Bebang pustiso lang ang kailangan.

“Si Papa Conrad ba yan?” sabi nang isang bakla.

“Oo, nakahubbbaaaaddd!” tili ng isa.

At nakakasakit sa eardrum ang mga tili nila. Gustong buksan ng mga bakla ang pinto st sumisiksik kay Bebang pero tinataboy sila.

“Nandyan ba si Ateng?” tanong ko sa kanya.

Lumabas siya at isinara ang pinto.

Wala siya eh… bakit anong kailangan mo?”  

Ginamit niya ang kanyang sexy voice sakin habang pumupulupot sa pintuan. Actually, nakakaakit ang boses niya pero hindi nakakaakit ang itsura niya na mukhang linta na nakadikit sa pintuan.

Nagbukas ang pinto at muntik ng masubsob si Bebang sa sahig. Nagsilabasan ang malalanding bakla.

“Papa, anong gusto mo? Kami ba?” tanong nila.

“Sige mamaya na lang.”

“Teka wag ka munang umalis.” Sabi nung isang bakla.

Pinag-aagawan nila ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Kung saan saan nila ako hinahawakan. Si Bebang, nakapulupot sa binti ko, yung tatlo, nakapulupot sa braso ko. Kung magtatagal pa ako dito magagahasa ako ng mga taong toh.

“Anong ginagawa niyo sa boyfriend ko?” biglang dumating si Dominic.

“BOYFRIEND?”

“Babe, tara na!”

Hinila ni Dominic ang braso ko at saka lang tumigil ang mga bakla at yung mukhang bakla.

“Bakit ka ba nandun?” tanong ni Dominic habang umaakyat kami ng hagdan.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now