Chapter 31 The Consequences

36 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Heart of Life by John Mayer

Pag-alis ko sa party, ibinigay sa akin ni Portia ang kanyang late birthday gift na tinititigan ko na sitting pretty sa ibabaw ng study table ko.

There is an exact and legitimate explanation kung bakit hindi ako nagcelebrate ng birthday ko every year.

Honestly, nakalimot ako dahil sa sobrang tuwa ko nang officially maging kami ni Portia. Hindi naman ako renimind ni Dominic dahil hindi niya alam, si Jaymee din walang kaalam alam sa birthday ko.

Ilang taon ko nang nakakalimutan ang birthday ko dahil sa intentional memory gap. Intensyon ko talagang makalimot ng birthday.

Dahil siguro sa traumatic events na nagbibigay ng stress at mental depression sa akin.

It’s my birthday kaya walang pakialamanan kung paano ko ise-celebrate ang sarili kong birthday.

Thankful naman ako dahil sa blessing na ibinigay ni Lord at isa pang taon para mabuhay sa mundo.

Siguro yung thought lang na iba ang trato sayo ng tao dahil birthday mo. Yung mga kupal kong mga kaibigan, sobrang bait nila sa akin sa araw na espesyal… para sa kanila, espesyal. Kapag birthday ko, iba ang aura ng mga tao. Ang babait nila sa akin kahit yung hindi naman talaga mabait, nagpapakabait dahil birthday ko. Pero the day after, wala na. Salbahe na ulit sila dahil sa paglipas ng araw.

Yung iba, sila pa ang magpapalibre.

“Birthday mo, manlibre ka naman.” Yan ang kadalasang salaysay na naririnig ko.

At dahil meron akong attitude ng pagiging mapag-imbak or in other words, kuripot, ang manlibre ay isa sa aking greatest fear aside from losing my family and losing my good looks.

Isa pa sa dahilan ay ang pag-add ng isang taon sa buhay ko. I’m greatful na binigyan pa ako ni Lord ng isa pang taon but it’s closer from being dead. Meron pa naman akong 78 years kung aabot ako ng 100 years old, 68 years kung 90 years ang aabutin ng buhay ko, 58 years kung 80 at 48 years na lang kung 70 years. Yan ang life span ko.

I looked back from the year it was. Every year is an amazing year pero siguro I’m the most greatful sa taong ito dahil kay Portia.

Nalaman ko na lang na nag birthday ako nung gumawa ako ng twitter account.

Sobrang late na kung magcecelebrate ngayon at hindi naman sa akin importante ang gifts at party. Thankful na lang ako sa blessings at sa isa pang taon na ibinigay sa akin ni Lord para magpasaya at magpakilig sa mga tao.

Pero si Portia, nagbigay pa rin ng late na gift. Isang lalaking voodoo doll na nakasuot ng maong na jumper.

Sa lahat naman ng regalo, voodoo doll pa talaga na walang mata kundi x.

Hindi naman ako naghahangad ng marangyang bagay mula sa kanya pero mas okay sana kung nike sneakers, cellphone, tablet, o kotse man lang sana. Voodoo doll talaga eh! Kung tutusukan ko toh ng aspile, considered na ba akong mangkukulam?

But the best gift that I ever received was Portia.

Sa totoo lang, magulo kung iisipin ang mga pangyayari sa buhay niya. Hindi ko alam kung kailangan kung kausapin si Tito o kausapin si Priscilla o kung sino man sa kanila ang dapat kausapin.

Kung i-explicate ko, una sa lahat, masasaktan si tita na asawa ni Tito for more than 20 years at sa 20 years, ang pagkakaalam ni Tita ay walang DNA nilang mag-asawa ang nananalaytay kay Portia. At buti na lang ako ang nakarinig ng paguusap nila Tito at Priscilla sa kitchen dahil muntik nang si Tita ang magpasok ng box na regalo ni Mama.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now