How to be your Boyfriend vol...

By JulieAnneHermogino

3.7K 45 37

Kung si Batman may Joker at Bane, Si Mara may Clara, Si Popeye may Brutos, Ang Ateneo blue eagles, may De La... More

Chapter 1 In the Line
Chapter 2 Tired of being Alone
Chapter 3 The Heartbreak Kid
Chapter 4 The Big Brawl
Chapter 5 The Initiation
Chapter 6 Queen of Omelet
Chapter 7 Our First Date... Almost but not quite
Chapter 8 The Detention
Chapter 9 Electric Shock
Chapter 10 How to Survive a Worst Date
Chapter 11 Jaymee's Alarming Story
Chapter 12 Forgive and Forget
Chapter 13 Box of Chocolates
Chapter 14 Meet the Parents
Chapter 15 Rainy Days and Mondays
Chapter 16 Bang! Bang!
Chapter 17 In Ten Seconds
Chapter 18 The Gossip
Chapter 19 Movie Marathon
Chapter 20 Sweet Escape
Chapter 21 Sembreak
Chapter 22 The Beach
Chapter 23 Training Day
Chapter 24 The Alcoholic
Chapter 25 The Harassment
Chapter 26 Getting to Know You
Chapter 27 Stars
Chapter 28 The Winner
Chapter 29: Something to Reveal
Chapter 30 The Truth
Chapter 31 The Consequences
Chapter 32 Reality Bites
Chapter 33 The Voodoos and the Laundry
Chapter 34 Impending Doom
Chapter 35 Silence of the Lambs
Chapter 36 Archaelogical Facts
Chapter 37 The F word on V Day
Chapter 38 The Deposition
Chapter 40 The Graduate
The Girlfriend
Author's Note
How to be your Boyfriend vol. 2
Chapter 1 Empire State of Mind
Chapter 2 Gangs of New York
Chapter 3 The Notebook
Chapter 4 The Spot
Chapter 5 The Second Time Around
Author's Note

Chapter 39 Teamwork

50 0 0
By JulieAnneHermogino

Soundtrack for this Chapter: Little Birdies by Cara Mitchell

Natanggap ko na ang kapalaran ko. Wala na talagang pag-asa ang internship ko. Pero naniniwala naman ako sa kasabihan na ‘What doesn’t kill you makes you stronger.’ Merong mas malaking bagay na nakalaan para sa akin.  

Pero kahit ilang beses mong sabihin sa sarili mong okay lang ang lahat, nanghihinayang pa rin ako. Akala ko, ako ang magbibigay ng speech sa commencement. Ang sarap kaya ng feeling na nasa gitna ka ng stage, nagsasalita ka ng mga bagay na hindi naman naiintindihan ng karamihan, tapos tinititigan ka ng mga kababaihan at pigil ang kanilang pagkahumaling, tapos inspirasyon ka ng kabataan. Kapag tinanong ang mga freshman kung sino ang inspirasyon nila sa kanilang careers, ang sasabihin nila, “Si Conrad Tomas! Idol ko yun!”

O kaya kapag namention ang pangalan ko, ang sasabihin nila, “Si Conrad Tomas? Isa siyang henyo! Siya ang dahilan kung bakit ako enhenyero!”

Sabi nga nila, bakit ko pa ipipilit ang mga bagay na hindi naman itinakda para sa akin. Mag-aaksaya lang naman ako ng oras ko tapos wala naman pa lang mangyayari.

Kaya nagbago na lang ang pangarap ko. Magsisikap na lang ako ng mabuti kahit hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral at kahit wala akong college diploma na maipagmamalaki at maisasampal sa kanilang lahat!

Tulad ni Mark Zuckerberg, ang nag-imbento ng facebook, youngest billionaire. Si Manny Pacquiao, si Peter Jackson, si Quentin Tarantino. Kung tatambay lang ako sa labas ng ABS-CBN, siguradong within 30 seconds, meron agad mago-offer sa akin ng konrata para palitan si Piolo Pascual bilang heartthrob.

Tumunog ang cellphone ko at si Mama ang tumatawag.

“Hello?” sagot ko.

“Anak, okay ka lang?” sabi ni Mama.

Tinext ko kasi siyang hindi na nilang kailangang lumuwas ng Maynila ngayong March dahil hindi ako makaka-gradweyt this year.

“Ma, okay lang ako.”

“Ano ba kasing nangyari?”

“Mahabang kwento Ma.”

“Anak, ano kaya tanggapin mo na lang yung inoofer sayo ni Arnold. Sabi niya kasi ang kailangan mo lang autocad at maha-hire ka na kaagad sa kompanya nila.”

“Hindi na kailangan Ma, hihintayin ko na lang ang summer. Isa-summer ko na lang toh.”

“Pero anak, if you would like to think about it, wala ka ng kailangan gawin kundi pumunta dun tapos tutulungan ka na lang nila. Sayang naman kasi yung opportunity.”

“Ma, hindi pa magugunaw ang mundo bukas. Hindi kailangan madaliin ang mga bagay bagay.”

“Sige anak, pero kung gusto mo sabihin mo lang. Bye! Take care of yourself.” Ibinaba na niya ang telepono.

Isa nga yung opurtunidad pero hindi ko iiwan si Portia.. pati ang pamilya ko. Mahal ko ang Pilipinas!

Dumating si Portia na may dala dalang pagkain at mukhang haggard galing sa school.

“How’s your day?” tanong ko sa kanya.

Ang normal na tao kapag galing sa trabaho o galing sa labas, nagpapahinga muna at nagrerelax. Si Portia, inuna niya ang maglinis bago ang magpahinga.

“Hindi maganda. Malapit na ang finals at sa tingin ko, lalagpak ako sa trigonometry, sa algebra, sa chemistry, feeling ko nga pati sa Filipino eh!” sabi niya.

“In short, sa lahat ng subjects?”

“Hindi naman lahat! At least, may pag-asa naman ako sa English! Hindi naman kasi ako magaling sa Math eh!”

“Sira ka pala eh! Bakit ka ng engineering?”

“Kasi maganda siyang pakinggan! Kapag tinatanong ako ng mga pinsan at ng mga kapitbahay namin kung anong kinukuha ko, kapag sinabi kong engineering, feeling ko, ang tali-talino ko!”

“You mean, ginagamit mo lang ang engineering para may maipagmayabang ka? How could you?!”

Kumuha siya ng plato at inilagay ang pagkain na binili niya. Nilapag niya ito sa study table, kumuha ng konti at umupo sa sala.

“I hate math!”

“Ouch! If you hate math, parang you’re also saying you hate me! Please don’t say that! That’s really hurtful!”

“Ang hirap kasi niyang intindihin eh!”

“If you hate math, bakit tinutuloy mo pa rin ang course mo. Magshift ka na sa lalong madaling panahon kasi once you said you hate math, math will also hate you!”

“Sayang naman yung tuition ko. I have no choice but to finish this semester at kailangang maipasa ko lahat para hindi masayang.”

“Kung magshi-shift ka, anong kukunin mo?”

“Culinary arts! Gusto kong maging chef!”

“Bakit hindi yun ang kinuha mo?”

“Ngayon ko lang naisip na yun ang gusto ko eh.”

“Pero alam mo, kung hindi ka nag-engineering, hindi sana kita girlfriend ngayon! I knew it! It was really meant to be!”

“Naipapasok mo talaga yung kakornihan mo eh noh?”

Ngumiti lang ako sa kanya.

“Tutal wala naman akong ginagawa, bakit hindi na lang kita i-tutor. Tutulungan kita para maipasa mo yung subjects mong pabagsak.”

“Okay! But don’t be hard on me!”

Sa ilang araw kong pinagtya-tiyagaang tulungan si Portia sa mga pinoproblema niyang mga subjects, wala akong ibang narinig na reklamo kundi, “Mahirap!” “Hindi ko kaya!” “Ayoko na!”

Minsan kung minamalas ka, tutulugan ka pa.

“Portia! Help yourself! Kung hindi mo matutulungan ang sarili mo at paulit ulit mong sinasabing hindi mo kaya, hindi mo talaga makakaya yan!”

“I STILL HATE MATH!”

“Don’t! Don’t you dare say that! Wag na wag mong isusumpa ang Math! Ako ang makakalaban mo!”

Bigla na lang tumulo ang luha mula sa mga mata ni Portia at umiyak na parang bata na binubully sa playground. Isang trigonometric problem lang naman ang pinapasolve ko sa kanya. Iniyakan na ako bigla.

“Wag mo akong itrato na parang hindi ko kaya!”

“Paano kita itatrato ng parang hindi mo kaya, eh hindi mo nga kaya!”

“Hindi kasi ako kasing talino mo!”

Napabuntong hininga ako at niyakap ang humihikbing babae na nakaupo sa tabi ko.

“Parang 1-2-3 lang yan!”

“Paano mo masasabing 1-2-3, may negative, may positive, may cosine, may sine!”

“Hindi mo talaga kaya?”

“Hindi!”

“Bakit hindi ka na lang maging katulong? Tutal mahilig kang maglinis?”

Tumayo siya at lumipad sa may kama at lumakas ng lumakas ang iyak.

Ang hirap magka-anak.

“Bakit kasi hindi na lang 1+1, kailangan pa talaga ang cosine at sine? Kapag bumili ba ako sa grocery kailangan ko pa bang gumamit ng trigonometric functions para masigurado ko ang sukli ko?”

“Hindi naman pero kailangan mong mag-excel sa subtractions dahil hindi mo nasagot ang 68-45, ang sagot mo 21.”

“Sorry ah! Ang bobo ko kasi!”

“Come on! Hindi ko sinabi yun. Feeling mo lang sinabi kong bobo ka, pero hindi ko naman sinabi ng literal.”

“Whatever! I hate you! And your Math!”

“Maganda ka naman eh, okay na yun!”

Umupo siya sa may kama.

“Over achiever ka! Samantalang ako, ano lang ako?”

“Ako? Overachiever? Hindi nga ako makakagradweyt this year tapos overachiever? Maybe hindi talaga engineering ang bagay sayo. There’s something you could be good at. You could be the best chef!”

“Pero ano? Taga luto lang ako?”

“Tagaluto lang? Kung walang tagaluto, mamamatay lahat ng tao sa gutom!”

“Magugustuhan mo ba ako kahit hindi ako kasing talino mo?”

“That what makes you beautiful.”

“Dahil bobo ako? Nakakainis ka!”

Binato niya ako ng unan.

“Hay naku Portia! Tigilan mo na nga yang pagsiself-pity. Alam mo, ang una kung nakita sayo na nagpahumaling sa akin ay ang maganda mong mukha pero mas nain love ako sayo dahil sa kabaitan mo, at sa pagiging weird mo. You don’t have to try really hard to impress someone, kasi yung realness na lumalabas sayo naturally, yun ang pinakamagandang asset mo. Hindi mo kailangan makilebel sa ibang tao na porket meron silang magarang bagay kailangan meron ka rin. Matuto kang mag-appreciate ng kung anong meron ka, dahil hindi man makita ng ibang tao kung anong unique sayo, yun naman ang rason kung bakit nangingibabaw ka sa kanilang lahat.”

Napaisip siya sa sinabi ko.

“Eh di.. hindi ko na kailangang mag-aral?”

“Hindi! Tapusin mo toh!”

Napagod ako sa pagtuturo kay Portia. Kung pwede lang ako na lang ang mag-exam para sa kanya, gagawin ko na para hindi na ako masyadong mahirapan.

Lumapit si Portia at ibinigay ang kapeng kanyang tinimpla habang kumakain siya ng lettuce. Umupo siya sa tabi ko habang pinapakita ko sa kanya ang isang trigonometry problem.

“Ugh! Pwede bukas naman! Alas dose na ng gabi!” reklamo niya.

“Okay! Eh di bukas.”

“Anong balak mo?”

“Balak na ano?”

“Hindi mo na ba talaga hahabulin ang grades mo?”

“May magagawa ba ako para maibigay sa akin yung grades ko?”

“So, you’re just going to give up?”

“Oo, ganun talaga ang buhay. Kahit mahirap tanggapin, tanggapin mo na lang. Hindi para sa akin toh at hopeful ako na may mas maganda pang darating sa buhay ko. Maghihintay na lang ako this summer para sa bagong internship.”

“Sayang talaga yun!”

“Ganun talaga eh!”

“Alam na ba ng magulang mo?”

“Oo, sinabi ko sa kanila. Tinawagan nga ako ni Mama kanina tapos kinausap na naman ako tungkol dun sa kaibigan ni Papa na engineer sa ibang bansa. Umuwi kasi sila dito sa Pilipinas, if I could remember, siguro last month or whatsoever. Napagusapan nila ako. Sinabi ni Papa na engineering ang kinukuha ko. Kaya ayun, nag-offer na kung gusto ko daw pwede niya akong tulungan makapagtrabaho sa New York.”

“So.. you’re going?”

“Hindi!”

“Bakit naman?”

“Abroad yun! Paano kung mahomesick ako? Paano kung magkasakit ako? Sinong mag-aalaga sakin. Hindi ako ready to jump into something na hindi ako sigurado. Mamaya nasa eroplano pa lang ako, parahin ko na agad habang sa ere!”

“Ang tanong, gusto mo ba?”

“Bakit hindi? Opurtunidad na yun na kahit hindi ako grumadweyt ngayong taon, instant trabaho na yun. Who wouldn’t want that? Pero I have to consider din yung mga taong iiwan ko dito. Do I really really want it? Ang sagot hindi masyado. But do you want me to go?”

“Bakit ako ang tinatanong mo? Kung sabihin kong hindi, susundin mo kahit gusto mong umalis? Kapag sinabi ko namang sige umalis ka, aalis ka ba talaga? Ikaw ang magdedesisyon para sa sarili mo, ayokong sisihin mo ako bandang huli.”

“Hindi mo ako pipigilan kung sabihin kong aalis ako.”

“Kung yan talaga ang gusto mo, susuportahan kita.”

“So, gusto mo akong umalis?”

“Ano ba talagang gusto mo?”

“Paulit ulit lang tayo eh!”

“Isipin mong mabuti kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo. Hindi yung ako yung magdedesisyon para sayo.”

“Sinabi ko naman sayo na I’m not going. Hindi ako aalis! Hindi kita iiwan! Okay? Final decision kaya meeting adjourned. Matulog ka na!”

Tumayo si Portia at dahan dahang naglakad sa may kama habang nakatitig ang mga mata ko sa computer na hindi naman iniintindi kung nasaang website ako.

Kung tatanggapin ko ang offer na yun, hindi ko na kailangang maghintay ng summer para lang makapag-intern. Merong tutulong sa akin para makapagtrabaho ako agad. Opurtunidad na yun at hindi ko alam kung meron pang opurtunidad na darating in the future. Kung aalis man ako, mahirap namang umalis na may naiwan kang tao dito sa Pilipinas. Nasa New York nga ang buong katawan mo, nasa Pilipinas naman ang puso mo, wala ring saysay yun. Hindi rin ako makakapagtrabaho ng maayos dun.

Kaya kong maghintay hanggang next year o October para lang makuha ang inaasam asam kong diploma.

Kaya, say no to New York!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...