Moonlight Throne (Gazellian S...

Da VentreCanard

3.2M 272K 102K

Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world... Altro

Moonlight Throne
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 22

47.1K 4.2K 810
Da VentreCanard

Chapter 22

-- HARI --

Mga Sinulid

Buong akala ko'y ang manipis na gintong daang nagmula sa aking diyosa, ang nagniningning na mga alikabok sa hangin, piraso ng pulang mga rosas at maging ang ilusyong puting mga kabayo ang siyang magsisilbing sentro ng atensyon sa mga oras na iyon.

Ngunit mukhang nagkakamali ako, dahil sa mga oras na ito'y hindi lang kaming magkakapatid ang nais magtungo sa pagdiriwang na higit na mas maaga sa nakararami.

Sila'y mga bumababa na upang kami'y hadlangan. Sila'y katulad rin naming bumalik sa nakaraan...

Ang bulgar na pagpapakilala sa likuran ng maagang pagtatanghal ang siyang inaasahan naming magbibigay ng solusyon sa una naming suliranin, ngunit tila nakakalimutan namin na hindi lang kaming mga Gazellian ang siyang may angking kakayahan sa estratehiya.

Dahil hindi lang kami ang may kakayahang gamitin ang pagtatanghal upang masunod ang aming mga ipinaglalaban.

Natigil sa paghakbang ang aking puting kabayo, maging ang sa aking mga kapatid ay ganoon din. Si Leticia, ang aking pinakamamahal na diyosa'y unti-unti rin natigilan, hanggang sa magkaroon siya ng lakas ng loob lumingon sa likuran niya.

Hindi man siya nakikita ng mga nilalang sa panahong ito o kaya'y ng mga diyosang ngayon ay nasa harapan namin dahil sa kakaibang paraan niya ng paglalakbay sa panahong ito, ramdam ko ang tindi ng emosyong ngayon ay nararamdaman niya.

Sa tagal ng panahon ng pakikipagsapalaran namin ni Leticia, muli'y nakaharap siya ng mga diyosa mula sa Deeseyadah.

Tila tumigil ang oras sa patigan naming lahat.

Mga diyosa...

Mga diyosang naka-anyong apoy ang ngayo'y nasa aming harapan. Halos hindi ko sila mabilang. Kapwa sila lumulutang sa himpapawid, nakahilera sa likuran ng aking diyosa habang ang kanilang mahahabang buhok na tinatangay ng hangin ay tila nagliliyab na mga apoy.

Ngunit sa kabila ng kanilang dami at lakas ng kapangyarihang nais ipadama sa akin, mas kapansin-pansin pa rin ang kaanyuan ni Leticia at ang mala-ginto niyang buhok sa tuwing tumatama ang sinag ng buwan sa kanya.

"It should be our grand entrance alone..." ani ni Evan.

"Mukhang mapapalaban tayo ng maaga." Dagdag ni Finn.

Ang lahat ng mga nilalang na nasa kani-kanilang mga karwahe'y ngayo'y nasa amin na ang buong atensyon, na may iisang iniisip... sila'y makakasaksi ng paunang pagtatanghal.

Handog ng palasyo habang ang lahat ay naiipit sa isang napakahabang pila.

"Leticia..." mahinang bulong ko.

Malayo man ang distansya namin, alam kong narinig ako ng aking diyosa. Kusang naglaho ang kabuuan niya sa harapan ng mga nag-aapoy na diyosa at sa isang iglap ay nabuo ang pigura niya sa aking tabi.

Ang mga kabayo nina Evan, Finn, Lily at Casper ay mga naglaho na. Sila'y nagsimulang humakbang sa pagitan ko habang ang kanilang mga mata'y nakatanaw sa itaas... sa mga diyosang ngayo'y nakalutang at nakaharang sa palasyo.

Ang tensyon sa pagitan nami'y hindi mapigil ang pagtitindigan ng aking mga balahibo.

The thin golden road, the series of flags below from royalties, the long trail of carriages, the ancient palace and its power, the glinting moon, the huge torches in the entrance gate, and lastly the floating fire in front of our eyes made the situation more intimidating.

Mas lalong dumami ang nais makasaksi ng aming pagtatanghal, dahil ang karamihan ay lumabas pa ng kanilang mga karwahe at piniling itingala ang kanilang mga ulo upang saksihan ang akala nila'y palabas.

"A drama, huh?" nanunuyang sabi ni Lily.

"Wrong choice, isn't it?" tanong ni Casper.

"Very wrong." Mabilis na sagot ni Finn.

"It's our expertise, right, Your Majesty?" tanong sa akin ni Evan.

"Indeed." Tipid kong sagot.

Kapwa pa rin nakaangat ang tingin naming magkakapatid sa mga diyosang nasa himpapawid, matatalim ang kanilang mga mata sa amin, ngunit hindi niyon nagawang paghinain ang aming mga loob.

This is just the beginning of our journey.

Nanatili pa rin akong nakasakay sa aking kabayo habang ang mga kapatid ko'y nakatapak na sa gintong daan mula sa kapangyarihan ni Leticia. Habang ang aking diyosa'y nanatili naman sa aking tabi at tahimik na lumulutang, ang kanyang mga mata'y hindi mawala ang paninitig sa mga diyosang nasa harapan namin.

Nang umihip ang malakas na hangin, ang mahahabang buhok ng mga nakahilerang diyosa sa himpapawid ay sabay-sabay na nadala at gumawa ng mas malakas na apoy.

Nagsinghapan ang mga nilalang na nanunuod sa ibaba na tila nanunuod sila ng unang pagbati sa pagsisimula ng isang palabas. Sa kabila ng tindi ng lakas na hangin, walang natinag sa aming magkakapatid.

Hindi na namin kailangan pa ng koneksyon sa aming mga isipan, dahil alam kong katulad ko'y iisa lang ang gagawin namin sa mga oras na ito.

Sabay-sabay namin pinagningas magkakapatid ang aming mga mata habang taas noong nakatingala sa mga diyosa. Muling umihip ang hangin at isinayaw nito ang nakapusod kong buhok, ang nakalugay na buhok ni Lily, ang gintong mga alikabok at maging ang piraso ng mga rosas.

"I am excited about the plot of this drama. Are we the villain here?" ani ni Lily na nakaangat na ang isang kamay na nag-uusok.

"I am always the male lead. But sometimes a villain is not bad at all." Mas nagningas ang mga mata ni Finn.

"Uhuh?" sabi ni Evan na nagliliwanag na rin ang isang kamay mula sa sarili niyang kapangyarihan.

Habang si Casper naman ay tila gumagawa ng maliit na ipo-ipo sa kanyang palad.

Nang sulyapan ko ang aking diyosa, ang kaba, takot at pagkabigla na siyang nakita ko kanina sa kanya'y tila naglaho ng parang bula.

She's going to fight with us. Dahil dalawanag kamay niya ang ngayon ay nakabuka at nagliliwanag.

"Hindi lubos na nakapipinsanla ang inyong kapangyarihan kung walang lapat ng sa akin." Panimula ni Leticia.

Mas lalong lumalaki ang apoy na siyang nasa harapan namin. Buong akala ko'y magtatagal ang kaanyuan ng napakaraming diyosa na gawa sa apoy, ngunit ang hangin na mismo na siyang nag-isa sa kanila ang siyang nagsimula ng pagtambad sa amin ng totoo nitong kaanyuan.

"What the..." usal ni Finn na hindi magawang tapusin ang sasabihin.

Malakas na sigawan at pagkamangha ang siyang umalingawngaw sa ibaba mula sa iba't ibang nilalang dahil sa kanilang pag-aakalang parte pa ito ng pagtatanghal.

Dahil ang hilera ng mga diyosang nag-aapoy na nagsama-sama ay unti-unting ipinakita ang maalamat na nilalang na hindi ko akalaing masasaksihan sa mga oras na ito.

"A fire dragon." Seryoso ngunit may bahid ng pangambang sabi ni Casper.

Bago pa man ito umungol ng napakalakas dala ang napakainit na apoy, mabilis nakalipad sa himpapawid si Leticia at agad itinaas ang kanyang dalawang kamay sa tapat ng liwanag ng buwan.

Halos makalimutan kong nasa gitna ako na napakahirap na sitwasyon nang sandaling makita ko ang aking diyosang buong tapang na lumipad at gumawa ng unang aksyon para protektahan ang lahat.

My Queen... and her desire to save lives. My goddess and her golden hair... her eyes... and everything about her that glitters...

Sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung kanino ako magpapasalamat, kanino ako luluhod o kaya'y kanino ako luluhod... dahil sa biyayang ibinigay sa akin.

Sa diyosang ipinagkaloob sa akin. Alam kong nasa gitna kami ng laban ngayon ni Leticia, ngunit mahigpit kong pinigilan ang sarili kong hilahin siya mula sa himpapawid, yakapin at hagkan nang walang katapusan.

Kailanman ay walang diyosa... babae o anumang nilalang ang makapagpapadama sa akin ng ganito. Nagagawang agawin ni Leticia ang aking hangin... sa iba't ibang paraan.

Ngayo'y tila siya'y nasa ilalim mismo ng buwan, ang kanyang mga kamay ay kapwa nakaangat na bahagyang magkadikit, nakatagilid na katawan, buhok at mga matang nagkukulay ginto.

Nang sandaling tuluyang tumama sa kanya ang liwanag ng buwan, iyon mismo ang pinagmulan ng isang napakalaking bilog na unti-unting bumalot sa amin at sa nag-aapoy na dragon mula sa mga nilalang na nasa ibaba.

"A barrier..." sabi ni Casper.

Nang gawin iyon ni Leticia, mas napansin ang kakaibang presensiyang nakapalibot din sa palasyo.

"They made another barrier." Agad na sabi ni Lily.

"Malaki ang possibilidad na walang nalalaman ang mga nilalang na nasa loob ng palasyo sa kasalukuyang nangyayari ngayon." Sabi ni Evan na tinanguhan naming lahat.

"And these creatures and their thoughts about this performance..." sabi ni Finn na sinundan ni Lily.

"Ay maaaring burahin."

"This is really between us and these goddesses." Sabi muli ni Casper.

Ang mga diyosang nag-anyong dragong apoy ay ngayon ay iniyakap ang kanilang napakalaking buntot sa nanahimik na palasyo.

Mas malakas na sigawan at palakpakan ang namayani sa ibaba. Inaakala nilang ang kanilang nakikita ay tila malapit na sa katotohanan, ngunit lingid sa kanilang kaalaman, malaki ang posibilidad na maging ang buhay nila'y madamay sa pagtatanghal na ito.

Mas kumuyom ang kamao ko. Hindi na nila iniisip ang maaaring mangyari sa kasalukuyan. Ang tanging nasa isip nila'y burahin kami sa kanilang landas.

Tulad ng ginawa nila sa aming ama.

Ngunit hindi ko na sila kailanman pa hahayaang magtagumpay. Ipinapangako ko kay ama na ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay magbubunga.

"Maraming salamat, mahal ko..." usal ko kay Leticia na nanatiling nasa itaas at nakaangat ang kamay.

"Nagawa ko na ito sa mga itinakdang prinsipe... ngunit alam kong ang magkakapatid na Gazellian ay may sarili rin bersyon ng pakikipaglaban ng magkakasama."

Nang sandaling masiguro na ni Leticia na maayos na ang harang at wala nang ibang maaaring madamay, muli siyang lumapit sa akin.

Handa na akong ilabas ang aking kapangyarihan at hinayaan ko na rin ang mga mata kong manatiling nagniningas, ngunit natigil ako nang dalawang kamay mula sa magkabilang direksyon ang humawak sa akin.

Sina Finn at Evan, habang sina Lily at Casper ay nauna nang humakbang hanggang sa ang kanilang mga likuran na lamang ang aking nakikita.

"It's not your time yet, Your Majesty." Pormal na sabi ni Evan sa akin na may kasama pang pagtungo.

"We are your knights, Dastan." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Finn.

Narinig kong saglit na tumawa si Leticia dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya.

"Mahal ko, hayaan mong kami muna ng iyong mga kapatid." Ngiting sabi sa akin ni Leticia.

Napatulala na lamang ako nang sabay-sabay humakbang pauna ang apat kong mga kapatid dala ang kani-kanilang mga kapangyarihan.

Si Casper na lumulutang na, si Lily na dalawang kamay na ang nag-uusok, si Evan na gumagawa na ng kidlat ang buong katawan at si Finn na pinagkikiskis ang mga palad.

Humarang na rin sa akin ang nagliliwanag na katawan ni Leticia hanggang sa unti-unti akong nakakita ng tila mga sinulid sa bawat himay ng kanyang mga daliri, sinabayan din ito ng gintong ugat mula sa gilid ng kanyang mga mata hanggang sa kanyang mga sentido.

Hanggang mga gintong mga sinulid mula sa daliri ng aking naliliwanag na diyosa'y isa-isang kumabit sa likuran ng apat kong kapatid.

Dapat tensyon, galit, kaba at matinding mithiing tapusin ang laban ang siyang nag-uumapaw sa aking emosyon sa mga oras na ito, ngunit ang makita ang likuran ng mga nilalang na mahahalaga sa akin.

Bilang isang hari na hindi dapat makaramdam ng saglit na ginhawa sa gitna na digmaan... nakadama ako.

Tila nakalanghap ako ng sariwang hangin na malayo sa digmaan, tila niyakap ako ng apoy mula sa tahimik na silid ng palasyo, tila nakarinig ako ng maliliit na tawa mula sa munting mga prinsipe at prinsesa na nais makipaglaro sa akin, tila narinig ko ang boses ni ama habang pinangangaralan ako...

Ang saya ko...

Nagagalak ako... hindi bilang hari kundi bilang si Dastan.

Bilang isang Gazellian.

I am not just a King with power, but someone who has a family-- and that's the power that I wouldn't trade in my lifetime.

Iyon ang kapangyarihang ipinamana sa akin ni ama na kailanman ay hindi matutumbasan ng kapangyarihang minimithi ni ama.

He gave me the most powerful weapon in this war.

Family. My siblings... Leticia and now our son.

I shouldn't feel soft right now. But I felt the unusual hot tear from my eyes. Hindi ko nag-iisa, hindi ako pinabayaan ni amang lumaban sa pagsubok na itong nag-iisa. Hindi niya hinayaang dalhin ko ang digmaang ito na ako lamang.

We will end this. We will fight together.

Leticia and I will have the moonlight throne.

Sa unang pagkakataon, ngumiti ako sa gitna ng digmaan, hindi mula sa panunuya kundi sa tindi ng galak at tuwang nararamdaman ko.

I am the most powerful king, and no weapon will ever surpass mine.

I raised my golden swords with my eyes burning to the dragon.

"Let me introduce you my knights." I announced.

Kapwa lumuhod sina Finn at Evan, sabay nilang isinuntok ang kanilang mga kamao sa gintong daan, si Lily na nanatiling nag-uusok ang mga kamay at si Casper na tila pinalilibutan na ng maliliit na ipo-ipo.

Mas tumitindi ang kislap ng mga sinulid na nakakabit sa kanila.

"Dadaan muna kayo sa amin..." matigas na sabi ni Evan.

At si Lily ang siyang nagtapos sa kanyang tonong kailanman ay wala pang nakabali.

"Bago sa aming hari."

Continua a leggere

Ti piacerà anche

495 81 13
To all people who's suffering in a failed relationship, to those who want to exert revenge, and to those who's having a hard time forgiving the one y...
46.5K 2.3K 66
It's amazing how you can hide so many emotions behind a smile. ~~ Book cover was made by mintexprezz in their Milky Graphics Shop. Thank you!
1.4M 96K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
3.1K 89 21
ZEMBLANITY SERIES #2 We both love each other. We're suppose to end up together.. this isn't happening.. why? Is this really.. what the player's endg...