Sixto (COMPLETED)

By chelSEAwavees

16.3K 503 71

A true genuine loves that comes from wrong start. Aidan is searching for a babymaker. He needs to have a chil... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Epilogue

Kabanata 4

762 24 13
By chelSEAwavees

AIDAN

"You must eat before I devour you Ava," I don't know what has gotten into me and I said those words. Nabigla din ako sa sinabi at nais pang batukan ang sarili sa inis.

"P-po?"

"Nothing," I said, cooly. Shit! I think she don't understand what I meant. Good for the both of us.

"Sis sabi ni papa lumafang ka na daw at mukhang Tom Jones ka na," thank God her cousin is so trying hard in speaking English that she'll mistook my words to simple meanings.

Nagpatuloy kaming kumain ng agahan. It's my first time to eat like this, hindi nagmamadali. Madalas kasi ay sa opisina na ako nag-aalmusal, madalas pa ay hindi. So I was really happy to be spending breakfast here at home. With them. Masaya ko silang tinitignan habang maganang kumakain. Masaya ako na natutulungan ko sila kahit may kapalit pa ang lahat ng ito. Hindi naman 'yon masama, 'diba?

Umalis ang pinsan at kapatid ni Ava na si Ader para libutin ang mansyon. Hindi naman sa pagmamayabang pero malaki din ang mansyon ko. This is one of my properties from my own money. Pinasamahan ko nalang sila sa isang katulong. Naiwan kami sa hapag ni Ava dahil nahuli siyang kumain at gusto ko siyang sabayan. I am late for work but for some reason, I wanna be with her.

"Ava-"

"S-sir?" natawa ako nang sabay pa kaming nagsalita. Nakagat ko ang labi ko nang mamula ng bahagya ang pisngi niya.

"Go ahead. What is it?" I urge her to speak and when she did, my eyes are all on her.

"Itatanong ko lang ho sana kung ano ho ang pangalan niyo?" I knew it. I should let her call me Aidan. Mukha kasing ako ang amo niya kapag Sir.

"It's Aidan Sparrow Castuera, how about you? And please drop the Sir, just call me Aidan." Alam ko naman na ang tungkol sa kanya pero baka magtaka siya kung bakit kaya tinanong ko nalang din. Tumango-tango siya at napakagat sa kaniyang labi. Damn those lips, so red and looks soft.

"Ah sige A-aidan, " nauutal niyang wika. She's really cute, I won't deny that.

"A-ava Nashea Madrid po ang p-pangalan ko. Ang pinsan ko po ay si Antonio pero Tania nalang po ang itawag niyo sa kanya," sabay hagikgik niya. Damn, even her laughs sound like an angel. It will make someone giggle, too.

"Ang kapatid ko po ay Ader Lee Madrid ang pangalan. May sakit po siya sa kidney kaya hirap din kami sa buhay. Leonardo po ang pangalan ng Tatay ko at Marissa po ang Nanay ko. Alam niyo naman po ang nangyari sa Tatay ko. Ang nanay ko po ay summa."

"Summa?" Cum Laude or what? Lahi sila nang matatalino?

"Summa kabilang buhay na po," sabay hagikgik niya.

Napatawa ako ng malakas sa sinabi niya. Natawa na rin tuloy siya nang tuluyan sa sarili niya. She's a joker, huh? Mukhang nagiging komportable na siya sa akin, nagagawa niya nang magbiro.

"Haha, I see. Tutulungan ko ang kapatid mo sa pagpapagamot niya. May pinsan akong doktor, matutulungan niya ang kapatid mo. Bibigyan ko rin ng trabaho ang pinsan mo kung gusto niya," sunod-sunod kong sabi. Alam kong out of topic pero maganda na rin na habang maaga, masabi ko na.

Noong nakaraan ko pa 'to pinag-iisipan. Hinihintay ko lang talagang siya ang magsabi sa'kin para ma-offer ko. Sorry, pero iba ang hihilingin kong kapalit sayo Ava.

"P-po? Sigurado po kayo?" She's shocked, her eyes are wide open and looks like she don't believe me.

"I mean it Ava. As I said, I wanna help you. Bakit hindi ko pa lubos-lubosin . Papayag ka ba?" Hindi ko rin naman hahayaang tumanggi siya.

"Hindi na po ako tatanggi. Sobrang nakakahiya po pero wala na rin naman po kaming pagpipilian at malaki na ang tulong niyo sa amin. Kahit ano po gagawin ko." I'll take note of that.

"So, it's settled then? Thank you for accepting my offer. It was really nice of you to say yes kahit hindi mo pa ako masyadong kilala. Anyway, I have another favor to ask you Ava," seryoso kong sambit. Maybe, this is the time to open this topic or just start telling her clues about it.

"A-ano po?"

"Get dressed, may pupuntahan tayo mamayang six pm at doon ko sasabihin ang pabor na hihingiin ko," huling sabi ko at umalis na. Alam kong nagtataka siya pero masyadong nakakabigla ang pabor ko. Maybe later the perfect timing for it.

Late na ako pero wala akong pakialam. I own the company. Pwede akong pumasok kahit anong oras ko gusto. Tatakbo ang kompanya kahit wala ako. Besides, it's my first time staying in that house that long for breakfast. And it was all because of a girl who'm I barely even know.

Pagkatapos ng birthday party ng sinasabi kong pinsan kong doktor ay sasabihin ko na ang tungkol sa pagiging baby maker niya. I just hope she would say yes, like what she's been doing since I help her. I badly need her.

AVA

"Get dressed, may pupuntahan tayo mamayang 6pm at doon ko sasabihin ang pabor na hihingiin ko," huling sabi ni Aidan bago umalis.

Hindi ko naman mapigilang isipin kung ano ang pabor na nais niya pero kahit ano pa man 'yun ay tatanggapin ko dahil ipinangako niya ang pagpapagamot ni Ader.

Desperada na ako at lahat gagawin ko para sa kapatid ko. Pati na rin kay Tonio. Sobrang laki nang naitulong niya sa aming magkapatid. Nagawa niyang talikuran ang sariling ina para sa'min.

Kahit papaano ay gusto kong matulungan din siya. Gusto ko nga din maghanap ng trabaho pero nakakahiya naman kay Aidan. Baka sabihin niyang hindi sapat ang binibigay niya sa'min.

Aidan Sparrow Castuera. Ang ganda ng pangalan niya, halatang mayaman. Pero kakaiba. Hindi ba't ibon 'yung sparrow? Isa pa, anong ibig sabihin ng sinabi niya na eat before I devour you Ava?

Hindi naman ako bobo. Kahit paano naintindihan ko naman. Alam kong kakainin niya ako pagkatapos ko kumain. May lahi 'ata siyang cannibal. Kumakain ng ka-uri. Buti at mukhang nakalimutan niya na. Kinabahan ako do'n.

Teka, nakalimutan kong sinabi niya na maghanda ako mamayang 6pm. Ano nga bang meron? Bakit parang biglaan naman. Ano kayang isusuot ko? Nako, wala akong matinong damit dito bukod sa isang pulang bestida na pinaglumaan pa ng Inay. Pero dahil umaga pa lang naman ay ipinagsawalang bahala ko nalang muna 'yun. Gusto ko sanang tumanggi kaya lang nakakahiya naman. Hindi ko kayang humindi kay Aidan.

Hinanap ko sila Tonio at Ader hanggang matagpuan ko sila sa swimming pool. Naliligo sila at nang sinabi nila na pinayagan sila ni Aidan ay naligo na rin ako. Napakasarap sa pakiramdam. First time namin magsaya ng ganito at maligo sa swimming pool dahil wala kaming pera at oras. Sa sobrang sarap ng paglangoy namin ay umabot kami ng hapon. Alas tres na ng hapon ng magtanghalian kami.

Tinanong ko sa mga kasambahay kung umuwi ba si Aidan dahil hindi ko siya mahanap pero sabi nila ay hindi daw umuuwi si Aidan ng ganitong oras. Madalas ay gabi o madaling araw na ito kung umuwi. Sa pagbanggit ng gabi ay naalala kong may pupuntahan nga pala kami kaya dali-dali kong kinausap si Tonio.

"Baka bet ka ni papa sisteret at i-join ka pa sa party ng mayayaman," sabi niya at tumili. Nag-conclude na naman kaagad ang pinsan kong 'to. Sinuway ko siya agad dahil natutulog na si Ader. Masyadong napagod sa paglangoy ang bata.

"Hindi, ang sabi niya kasi ay tutulungan niya tayo sa pagpapagamot ni Ader, bibigyan ka niya ng trabaho- " hindi pa ako tapos pero pinutol na niya ako.

"Trabaho sa heart niya? Willing is me," kinikilig pa siya habang sinasabi 'yun. Natawa ako dahil ang pangit niya kiligin. Mukha siya nilagyan ng sampalok sa bibig at nangangasim.

"Hindi, ano ka ba. Wala siyang sinabi kung ano at isa pa mamaya daw niya sasabihin ang pabor niya sakin."

Napatakip siya sa bibig kaya nagtaka ako. OA talaga ang isang 'to kahit kailan. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paghanap ng susuotin. Puro sira ang mga damit na nakikita ko kaya panay ang iling at buntong-hininga ko. Nakakahiya at baka dumating na si Aidan.

Napatigil ako nang may kumatok sa pintuan. Agad naman itong binuksan ni Tonio nang pumasok ang isang katulong nila Aidan na may bitbit na paperbag.

"Ito daw po ang suotin niyo sabi ni Sir. Nandyan din po ang sandalyas at pang make up. Susunduin daw po kayo ni Sir bago mag-alas sais," yun lang at umalis na siya.

Nagpasalamat lang ako kahit na mukhang hindi niya yata ako narinig. Binuksan namin ni Tonio ang paperbag at nakita ang isang black na dress at isang puting sandalyas na may takong. Sukat ko'y 2 inches 'yon. May kumpletong set din ng makeup kaya nagningning ang mata ni Tonio dahil matagal niya na 'tong gusto. Wari ko'y mamahalin ang gamit na ito. Sa yaman ba naman ni Aidan ay hindi kataka-takang afford niya ang ganito. Mansyon palang niya ay halata ng mas mahal pa sa buhay ko.

"Bonggaycious naman 'to sisteret! Bet ko ang black and white. At ang mookup sis, mamahalin dis. Super is like me," nakakahilo talaga ang Ingles ng isang 'to. Hindi nalang ako nag-aksayang pansinin at baka mapahaba lang ang usapan.

"Pwede mo ba akong tulungan mag-ayos Tonio? Wala akong alam sa mga ganito eh." Mukha naman siyang excited at maalam sa mga ganito. Sabagay, naging trabaho niya ito.

"Hep-hep kung want mo ang help ko ay me call Tania," tawagin ko daw siyang Tania. Nakakatuwa talaga ang isang 'to. Gandang-ganda sa sarili. At dahil pinsan ko siya, hinayaan ko nalang siya sa trip niya.

"Okay beautiful Tania, patulong please," kinilig naman siya sa sinabi ko. Parang sinilaban sa pwet ang isang 'to. Binibiro ko lang naman siya kaya napahagikgik ako.

Pinaligo niya muna ako bago inayusan. Nakakakita siya ng blower kaya ginamit niya yun sa buhok ko. Pinasuot niya ang damit sa akin. Off shoulder dress na hanggang tuhod ito  na may mga bulaklak na daisy, ayon kay Tonio. Messy bun ang ginawa niya sa buhok ko para simple lang daw.

Smoky eyes daw ang tawag sa eyeshadow na ginawa niya sakin at isang dark pink lipstick lang sa labi ko. Parang taga-Korea ang dating ko na may halong Amerikana dahil sa ginawa ni Tonio. Nagmukha akong mayaman kahit ngayon lang.  Nambola pa at sinabing kahit wala niyon ay maganda ako. Sumasang-ayon naman ako.

Tinulungan niya akong isuot ang kulay puting strappy heels daw ang tawag. Nakakatawa na ang dami niyang alam na Ingles ng mga bagay na pangpaganda. Sabagay, ilang beses na siyang nagtrabaho sa parlor kaya siguro natuturuan na siya.

Saktong-sakto at narinig kong dumating na ang sasakyan ni Aidan. Mabilis akong bumaba nang makita ko siyang naghihintay sa sala ng mansyon. Napatulala pa siya saglit. O baka naman namamalikmata lang ako.

Nang makalapit ako sa kanya ay hinawakan niya ako sa kamay para alalayan. Napakaganda nang ngiti niya sa labi, parang hinulma 'yon na nakapaskil sa mukha niya. Hindi maikakaila ang gandang lalaki ng isang 'to. Tila ba ma-swerte ako at nakilala niya ako. Hindi ko din tuloy napigilan at napangiti na din.

"You're beautiful, you look like an angel sent from above to save me from the loneliness," tingin ko'y namula ako sa mga sinabi niya. Kinikilig ba ako? Napatawa na lang ako nang mahinadahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Ayieee! 'Di ko gets," nakakatawa talaga si Tonio kahit kailan. Hindi papa-awat. Umiling nalang ako at hindi siya pinansin.

Dumiretso kami sa sasakyan ni Aidan matapos kong magpaalam kay Tonio. Napakaganda sa loob, iba ito doon sa sinakyan namin papuntang Maynila. Napaka-yaman niya at mukhang iba-iba ang sasakyan niya.

Saglit lang ay nakarating na kami sa pupuntahan. Nabanggit niya kanina na ang pinsan niya doktor ang may kaarawan. Nakakatuwa na kahit may okasyon ay naalala niyang ipakausap ang kalagayan ng kapatid ko. Kakausapin din daw namin kasi ito para sa kalagayan ni Ader.

Nagpasalamat ako sa pagsama niya sa akin dito. Nagpasalamat din siya at nang tinanong ko kung bakit ay para daw sa pabor niya kung papayag ako. Sinabi kong pumapayag ako kahit hindi ko pa alam kung ano 'yun. Baka kasi pagkakatulong ang pabor niya o di kaya sekretarya niya. Nabanggit kasi ng isa sa katulong sa bahay niya ay may kompanya daw si Aidan.

Ilang saglit pa ay tuluyan na akong napanganga sa ganda ng paligid. Parang palasyo ang ganda nito. Hindi ko maiwasang mapatingin sa sarili nang madaan kami sa salamin. Nababagay ba ako sa okasyong 'to? O kahit ang tumabi lang kay Aidan?

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 291K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
63.2K 440 9
Just Tsukishima Kei and Y/N Smut interactions :)
2.8M 159K 50
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
114K 2K 42
Meet Sharlayne Perez, the childish self proclaimed "future wife" of Kiro Alvarez. Sharlayne is head over heels of this "cold-hearted guy" named Kiro...