The Name In Your Book

Autorstwa LexInTheCity

14.8K 984 1.1K

Mark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman ki... Więcej

▪️Dedication
1. The Best Seller
1. The Best Seller (2)
1. The Best Seller (3)
2. The Crush
2. The Crush (2)
3. The Stalker
3. The Stalker (2)
4. The Rescue
4. The Rescue (2)
5. The Ramen
6. The Project
6. The Project (2)
7. The Special Offer
7. The Special Offer (2)
8. The Penthouse
8. The Penthouse (2)
9. The Housemates
9. The Housemates (2)
10. The Hangover
10. The Hangover (2)
11. The Best Friend
11. The Best Friend (2)
12. The Favorites
12. The Favorites (2)
13. The House Date
14. The Next Date
14. The Next Date (2)
15. The Secretary
15. The Secretary (2)
16. The Day Off
16. The Day Off (2)
17. The Visitors
17. The Visitors (2)
18. The Chicken
18. The Chicken (2)
19. The Muse
20. The Mishap
20. The Mishap (2)
21. The Match
22. The Star
22. The Star (2)
23. The Ink
23. The Ink (2)
24. The Broken Glass
24. The Broken Glass (2)
25. The Secret Affair
26. The Day He Wrote Her Name
26. The Day He Wrote Her Name (2)
27. The Birthday
28. The Resto
30. The First Love
31. The Truth
31. The Truth (2)
32. The Choice
32. The Choice (2)
33. The Day He Left
34. The Imperfect Plan
35. The Beautiful Gift
Book 3: The Bride's Name

29. The Day She Left

166 11 15
Autorstwa LexInTheCity

[Playing: Forever - Lewis Capaldi ]

Hindi na namalayan ni Ray ang mga matang nakatingin sa kanya habang lumalabas siya ng resto. Mukhang kilalang-kilala na siya ng mga matang iyon. Matutulis ang tingin nito na animo'y nagtatago sa mapunong bahagi ng parking space na malapit sa resto. Hindi na rin alam ni Ray kung anong mararamdaman dahil sa nakita sa resto. Hindi niya rin alam kung bakit hindi niya hinayaang makita siya ng ama. Naiwan pa nga niya ang wallet sa mesa. Pero hindi na rin niya iyon napansin. Pakiramdam niya, naubos ang lahat ng lakas niya at kung p'ede lang hihiga na lang siya damuhan at sa oras na magising siya, malalaman niyang panaginip lang ang lahat. Bagsak ang balikat niyang nagtungo sa mapunong bahagi ng parking lot na hindi iniisip ang pupuntahan. Nakatingin lang siya sa suot na puting rubber shoes at dire-diretso lang sa paglalakad kaya nga 'di na niya napansin ang nakabanggaang lalaki. 

*** 

Nang makarating si Mark sa penthouse, dumiretso agad ito sa kuwarto ni Anxo. Nang hindi makita roon si Anxo, doon naman ito dumiretso sa kuwarto ni Ray. Pero wala ang dalawa roon. Pababa na sa sana siya sa salas nang muli na namang tumawag si Kurt sa kanya. "O, hello bro," sabi nito sa kausap sa phone. 

"It's really him. 'Yung sinabi ko sa'yo kanina nung tumawag ako. It's confirmed, he's the culprit," sabi ni Kurt mula sa kabilang linya. "Send ko sa 'yo documents after this call."

Hindi na nagulat si Mark sa sinabi ni Kurt. Nung sinabi kasi nito kanina sa kanya ang pangalan ng suspect, he had goosebumps all over his body. Ilang beses na rin kasi niya itong nakita sa ilang footages mula sa CCTV sa palibot ng building.

***

Nang matapos makipag-usap ni Nathan sa phone, pinindot niya ang push button ng hawak na doorknob bago lumabas. Muli niyang sinilip ang loob, saka niya dahan-dahang isinara ang pinto. Sinigurado rin muna niyang naka-kandado iyon bago umalis at tuluyang lumabas ng gusali. Rough finish ang konkretong sahig at nagkalat pa ang ilang bakal, tabla, at mga kahoy sa paligid. Nang tuluyang makalabas mula sa madilim na gusali, itinaas niya ang sumbrero at tumingala sa taas na para bang may sinisilip sa bintana sa ikalawang palapag ng gusali. Walang bubog ang mga bintana pero may mga bakal nang nakaabang. Madilim sa loob kahit may araw pa sa labas.

Umihip ang malakas na hangin at halos liparin ang suot nitong sumbrero habang papalayo siya sa gusali. Napapalibutan iyon ng maraming puno ng Caballero. Suot ang itim na jacket habang patuloy na naglalakad palayo roon, bigla na lang itong napangiti. Hindi alintana ang lamig ng hanging humahampas sa mukha. 

***

Pagkatapos kausapin si Kurt, kinontak ni Mark si Anxo sa number nito habang naglalakad patungong pool area. Kulang na lang ay ihagis ni Mark ang phone sa pool dahil hindi sinasagot ni Anxo ang tawag niya. Malamig ang hangin at madilim na ang langit. Kaya nang hindi makita roon si Anxo, babalik na sana ito sa loob. Hanggang sa nakita na lang niyang papalapit na rin si Anxo sa kinatatayuan niya. May dala itong malaking bowl ng ramen. Ang dalang inumin na nasa papercup ay hawak naman ng kabilang kamay nito. 

"Sa'n ka galing? Where's Ray?" salubong dito ni Mark. 

"Dun lang sa lobby, pinick-up ko 'to" nagtatakang sagot ni Anxo. "Akala ko magkasama kayo? Sinundan ka niya kanina sa resto ng mama mo."

Kinabahan si Mark. "Lumabas si Ray?" 

"Why? May problema ba?" nag-aalalang tugon ni Anxo. 

"Wala naman," tanggi ni Mark. Hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyaring masama kay Ray. Ang dami pa niyang gustong sabihin at aminin dito. Mga bagay na gusto niyang siya mismo ang magsabi rito. Agad nitong dinukot ang phone sa bulsa para tawagan si Ray. Pero nauna pang tumunog ang front door ng penthouse bago mag-ring ang phone ng dalaga. Kaya nagulat sila nang iluwal ito ng pintuan. Hindi maipinta ang mukha. Hindi rin ito nagsasalita na umakyat sa taas at hindi na hinabol ng dalawa. Napahinga nang maluwag si Mark. He's relieved she's safe. 

Nang makapasok si Ray sa kuwarto, agad nitong ni-lock ang pinto. She switched off her mobile phone. Pinunasan niya ang luha sa gilid ng mga mata niya bago kinuha ang maleta na malapit sa may paanan ng kama. Kinuha niya lahat ang mga damit sa wardrobe nang isang higitan lamang na basta na lang niya isinalsal sa maleta. Kasama na ang mga hanger. Kinuha niya rin ang lahat ng mga gamit sa makeup table na basta na lang niya inihuho sa isang rucksack bag. Pati na rin ang mga damit sa CR, basta na lang niya isinuot sa maleta. Humalo na ito sa malilinis niyang damit. Parang ang mga luha niya na humalo na rin sa pawis sa mukha niya.

Tumutulo pa rin nga ang luha niya nang piliting isara ang zipper ng maleta. "Leche naman o, bakit ba ayaw mong magsara!" singhal niya sa maleta. Halos sumabog na ito dahil sa magulong pagkakalagay niya sa mga gamit. Bigla pang nag-flasback ang masasayang moments nila sa penthouse. Tulad noong unang gabi niya sa penthouse noong may sorpresang welcome party sa kanya ang mga ito. Sobrang saya niya noon. 

Hindi niya malilimutan ang pagiging welcoming at generous ni Tara. Lalong-lalo na nang ipakilala siya nito sa favorite niyang author na si JB Tomlinson. *Ang isa pang fino-follow ni Mark sa Pixtagram. Mami-miss niya ang pagtatampo at ka-kyutan ni Anxo. Mami-miss niya ang masasayang kuwentuhan nila sa tuwing sabay-sabay silang nag-aalmusal. Mami-miss niya ang service sa pagpasok sa trabaho at pati na rin sa pag-uwi sa penthouse. Mam-miss niya si Mang Geroge at ang mga luto ni Aling Tetay. Mami-miss niya ang tunog ng pintuan kapag binubuksan ito. At higit sa lahat, mami-miss niya si Mark. Mami-miss niya kapag naabutan itong nagsusulat sa laptop niya. Mami-miss niya kapag bigla na lang siya nitong ipagluluto ng agahan. Mami-miss niya ang minsang pagsusungit nito at ang paminsan-minsan din nitong pag-ngiti. At s'yempre, mami-miss din niya ang halik nito, ang yakap, at ang init ng katawan nito.

Pero nang salubungin siya ng ama kanina sa may parking lot ng Resto Asyano, mas lalo lang naging malinaw ang lahat sa kanya. Halos matumba ito sa kinatatayuan nang mabangga ang ama. "Ray, bakit umalis ka? Ipapakilala pa naman sana kita sa tita Alicia mo," nakangiti pang sabi sa kanya ng ama.

"Dad, no. Why? Sumosobra na po kayo, dad. Sirang-sira na tayo. Hindi na 'to maayos," bulyaw niya rito nang iwanan ang ama. Balak pa naman sana niya itong bigyan ng second chance, pero dahil sa nakita, lalo lang lumalim ang galit niya rito. Ibang-iba 'yung ngiti ng ama niya kanina. Tapos, pakiramdam pa niya, kaswal na kaswal lang dito ang pambababae niya. Harap-harapan pa. At gusto pa talaga itong ipakilala sa kanya? Sabi niya sa sarili, tama ang Tita Ana niya na resto owner ang kabit ng ama. 

Sinubukan siyang habulin ng ama pero dahil sa nakasakay agad ito sa cab, hinayaan na lang niya ito. Hindi na nga nito naiabot sa anak ang naiwang wallet.

Ilang minuto na itong nakasakay sa cab nang tumawag ang ina. Hindi niya kayang sagutin ang tawag nito nang umiiyak siya. Hindi niya rin kayang sabihin dito ang nakita niya sa resto. Hindi pa sa ngayon, sabi niya sa sarili.

Ngunit nang pababa na siya ng cab, noon na lang niya namalayang nawawala ang wallet. Muntik na niyang mapindot ang contact number ni Mark sa phone. Mabuti na lang at tumawag sa kanya si Rayco na nagtatanong kung bakit hindi nito sinasagot ang tawag ng ina. Dito na rin siya nakiusap na mag-online transfer ng pera sa driver ng nasakyang cab.

***

Kumakain ng ramen sa pool area si Anxo nang makababa si Ray sa salas. Malakas ang volume ng naka-play niyang music sa phone na naka-connect sa bluetooth speaker nito habang sarap na sarap ito sa kinakain.

Kahit hirap na hirap sa pagbaba sa hagdanan, pinilit buhatin ni Ray ang maleta. Dahan-dahan para iwasang mapansin ng dalawa. Pero nang malapit na itong makababa, noon na ito napansin ni Mark na nasa salas lang. Kanina pa pala niyang hinihintay makababa si Ray. 

"Ray," tawag nito sa dalaga

Hindi man lang lumingon sa kanya si Ray.

"I'm sorry I lied to you," sabi pa ni Mark nang lapitan ito.

Nag-iging ang tainga ni Ray dahil sa sinabi ni Mark. Kaya naman tumigil ito nang bahagya sa paglalakad nang ibaling din ang tingin sa binata. Ang sabi niya, "So matagal mo na talagang alam? Kaya pala hindi mo ako maisama sa resto ng mama mo kasi malalaman ko ang totoo. Kaya mo rin ba ako sinama dito sa penthouse, para hindi ko malaman ang nangyayari sa labas?" Rinig din niya ang hingal sa garalgal niyang boses.

"Ang alin? Anong sinasabi mo? Bakit dala mo ang maleta mo? 'Yung sa TA, hayaan mong ako ang magpaliwanag sa'yo. Mukhang may misunderstanding yata. Ano 'yung sa resto ni mama?" naguguluhang sagot ni Mark. Ang dami niyang gustong sabihin dito pero hindi niya alam kung alin ang uunahin. 

"Mark, aalis na ako. Babayaran ko na lang lahat ng mga nagastos n'yo sa 'kin dito," sabi niya para matapos na ang usapan. Ayaw na ni Ray pakinggan ang paliwanag ni Mark. Naniniwala siyang wala nang patutunguhan pa ang usapan nila.

"No, bakit? Bakit ka aalis? Please, don't leave. Don't leave me," nagmamakaawang sabi ni Mark. Halos umiyak na ang mga mata nitong nangungusap. 

Hindi siya makatingin nang diretso kay Mark. Lagi niyang naalala ang sinapit ng ina. "Nagtataka pa rin ako kung bakit nasasabi mo 'yan? Pagkatapos ng mga nangyari?"

"Ano bang sinasabi mo? H'wag ka nang umalis. Please. Gagawin ko ang lahat 'wag ka lang umalis. Ano, ibalik na natin 'yang maleta mo sa taas?" pigil pa rin dito ni Mark nang subukang agawin kay Ray ang hawak na maleta. "Hindi ko kakayanin 'pag umalis ka. Baka kung anong mangyari sa 'yo. Sa labas. Ikamamatay ko 'pag may nangyari sa'yong masama," pakiusap pa niya rito habang iniisip ang sinabi sa kanya ni Kurt kanina. Diretsong-diretso ang tingin niya sa mga mata nito na halatang pilit iniiwas ni Ray.

"Mark, pa'no naman ako? Pa'no mo nasasabi ang mga bagay na 'yan?" Hindi siya sanay na gano'n si Mark, naiinis siya na pilit nagpapakumbaba ito sa kanya. Naiinis siya na bakit parang ang daling maniwala kapag ito na ang nagsasalita. 'Yun ang isa pa sa mga kinatatakutan ni Ray. Ayaw niyang maging tama ang isang pagkakamali. Baka kapag pinakinggan niya si Mark, maintindihan niya ito. Natatakot siyang matakpan no'n ang isa na namang pagkakamali.

"Ray, I love you. Mahal kita. Mahal na mahal. Noon pa."

Natigilan si Ray dahil sa narinig. Matagal na niya iyong gustong marinig mula kay Mark. Ang totoo, mahal na mahal na rin niya ito. Pero pilit niyang pinaglalabanan ang nararamdaman kaya ang sagot niya rito, "Sana noon mo pa rin naisip na mali ang ginagawa n'yo. Pati na ang pagkukunsinti mo sa mama mo."

"Teka, ano ba talagang nangyari? Galing ka raw sa resto? Bakit hindi mo ako nakita ro'n?" Takang-taka pa rin si Mark sa mga sinasabi ni Ray. "Nakita mo si mama? May ginawa ba sa 'yo si mama? Ray, hindi ko maintindihan."

"Mark, tama na. Mas mabuti pang hindi na tayo magkita. Mas mabuti pang hindi ko naririnig 'yang boses mo. Kasi alam mo sa tuwing nakikita ko 'yang pagmumukha mo, diring-diri ako sa sarili... why I did those things. Hindi ko alam. So please, hayaan mo na ako. 'Wag na tayong mag-usap please. Ayaw na kitang makita. Kahit kelan."

Nasaktan si Mark dahil sa mga sinabi ni Ray. Pero ayaw pa rin niya itong umalis. Kaya hinila niya ang kamay ni Ray dahilan para mapayapos ito sa kanya nang hindi sinasadya. Noon niya siniil ng halik ang mga labi nito pero hindi nagpadala si Ray at agad ipinagtulakan ang binata.

"Ano ba, Mark? Stop this!" 

"Bakit? I'm sorry... pero sabihin mo sa 'kin kung bakit ka aalis?" Akala niya kapag hinalikan niya ito, maipapaalala niya rito ang masasaya nilang moments together at mapipigilan niya itong umalis. 

"Wala. Kalimutan mo nang nakilala mo ako. Kahit sundan mo ako hindi mo na mababago ang isip ko, kaya h'wag mo nang subukan."

"Ray, hindi ko kaya," umiiyak na sagot ni Mark nang habulin pa rin nito si Ray sa paglalakad.

"Gusto mo ng real talk?" bulyaw ni Ray habang pilit pinatatatag ang boses at hindi makatingin nang diretso kay Mark. "Ayoko sa isang pagkakamali. Ayoko sa anak sa labas."

Hindi nakapagsalita si Mark dahil sa naturan ni Ray. Para sa kanya, iyon na ang pinakamasakit na mga salitang narinig niya.

Hindi na rin muli pang nagsalita si Ray at malakas na lang niyang isinara ang pinto. 'Yung pinipigilan niyang pagtulo ng luha kanina nang kausap si Mark, ngayon na lang niya nailabas. A part of her was telling her to come back. Lalo pa ngayong narinig na niya mula rito ang mga katagang matagal na niyang pinapangarap na marinig. Buksan na lang daw niya ulit ang pinto. Mag-sorry kay Mark at bawiin ang lahat ng masasakit na salitang nasabi. She didn't mean all those harsh words. Pero sa huli, pinili pa rin niyang pindutin ang upside-down na triangle button ng elevator. Ngunit kahit sa loob ng elevator na 'yon, moments kasama si Mark pa rin ang nakikita niya.

Nang makababa sa may lobby habang hinihila ang maleta at sukbit ang isang bag sa balikat, bumungad sa kanya ang isang lalaking nakatayo malapit sa convenience store. Nang hubarin nito ang suot na sombrero at tuluyang lumapit sa dalaga, noon niya lang tuluyang namukhaan si Nathan. 

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

31.6K 524 58
Ang magulong buhay ng Young Family. Bakit nga ba 'Where is the Love?' Ang title ng SS na'to? Kasi..... Basahin nyo na!
3.9K 1.7K 61
" Nagsisisi ka na ba na ginagawa mo to? Hindi mo kailangang gawin to Baro, hindi mo responsibilidad na gawin sa akin to. Ang mabuti pa ay tumigil na...
226K 6.8K 32
[COMPLETED / UNEDITED] 1st Installment of The Infidus Duology --- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Blis...
187K 4.7K 25
Meet Shara. Siya daw ang number one fan ni Jusper Kennedy Lopez. Ipinangako ni Shara na pupuntahan niya sa Manila si Jusper pag kagraduate niya. Eh p...