How to be your Boyfriend vol...

By JulieAnneHermogino

3.7K 45 37

Kung si Batman may Joker at Bane, Si Mara may Clara, Si Popeye may Brutos, Ang Ateneo blue eagles, may De La... More

Chapter 1 In the Line
Chapter 2 Tired of being Alone
Chapter 3 The Heartbreak Kid
Chapter 4 The Big Brawl
Chapter 5 The Initiation
Chapter 6 Queen of Omelet
Chapter 7 Our First Date... Almost but not quite
Chapter 8 The Detention
Chapter 9 Electric Shock
Chapter 10 How to Survive a Worst Date
Chapter 11 Jaymee's Alarming Story
Chapter 12 Forgive and Forget
Chapter 13 Box of Chocolates
Chapter 14 Meet the Parents
Chapter 15 Rainy Days and Mondays
Chapter 16 Bang! Bang!
Chapter 17 In Ten Seconds
Chapter 18 The Gossip
Chapter 19 Movie Marathon
Chapter 20 Sweet Escape
Chapter 21 Sembreak
Chapter 22 The Beach
Chapter 23 Training Day
Chapter 24 The Alcoholic
Chapter 25 The Harassment
Chapter 26 Getting to Know You
Chapter 27 Stars
Chapter 28 The Winner
Chapter 29: Something to Reveal
Chapter 30 The Truth
Chapter 31 The Consequences
Chapter 32 Reality Bites
Chapter 33 The Voodoos and the Laundry
Chapter 34 Impending Doom
Chapter 35 Silence of the Lambs
Chapter 36 Archaelogical Facts
Chapter 38 The Deposition
Chapter 39 Teamwork
Chapter 40 The Graduate
The Girlfriend
Author's Note
How to be your Boyfriend vol. 2
Chapter 1 Empire State of Mind
Chapter 2 Gangs of New York
Chapter 3 The Notebook
Chapter 4 The Spot
Chapter 5 The Second Time Around
Author's Note

Chapter 37 The F word on V Day

42 0 0
By JulieAnneHermogino

Soundtrack for this Chapter: Sunshine and City Lights by Greyson Chance (Click multimedia to listen)

Matapos ang putukan noong bagong taon at pagsusulat ng mga new year’s resolution na hindi naman natutupad, may isang event sa buhay ko na ikinae-excite ko sa pagsalubong ng 2013.

Bukod sa graduation day, may mas importante pa bago ang march. Iyon ay ang Valentine’s Day.

Syempre bukod sa first time kong magcecelebrate ng V day kasama syempre ang labeeduvvs ko, may mga plano na ako sa araw na yun. Ako kasi yung taong Don romantico, o kung itatanong kay Portia kung ano yun, corny at cheesy o yung tinatawag na Chessy corn on cob.

Una sa lahat ayaw ni Portia na bibigyan ko siya ng bulaklak dahil naasar siya sa mga taong may dala-dalang bouquet of flowers tuwing V day. As she describes it, it’s just like ‘showing off’, nagyayabang lang daw ang mga yun na may boyfriend sila o kadate sila sa valentine’s day o kaya naman mayaman ang boyfriend nila dahil afford bumili ng bouquet of flowers.

Ewan ko ba sa weird na babaeng yun. Ano namang gusto niyang ibigay ko? Bungo para cool? Kung ayaw niya ng bouquet of flowers, eh di sampaguita na lang. At least hindi siya bouquet na ‘baduy’ para sa kanya.  

Ayaw niya rin ng cheesy na candlelit dinner dahil general thing o common na daw yun. Ang typical date kasi ng mga kababaihan, dinner date sa isang romantic place o kaya sa beach. Ayaw niya din nun dahil hassle magluto ng pagkain, at babyahe pa ng beach para lang masabing romantic.

Saan niya naman gusto? Sa parking lot kaya para unique kasi common na rin yung rooftop at saka baka umulan pa. At least sa parking lot, madilim kaya kailangan talaga ng candles at kung gusto ko pang maging memorable para sa amin, hihingi na lang ako ng copy ng video sa cctv ng building.

“Ayoko talagang magcelebrate ng valentine’s day!” sabi ni Portia nung nagkausap kami.

“This is my first valentine’s day na may girlfriend ako kaya gusto ko maging espesyal yun. Ayoko naman na bigyan lang kita ng chocolates.”

“Nagkikita naman tayo at least twice a week. We go on dates, movie dates and lunch dates. What’s so special about Feb. 14? Porket Valentine’s kailangan sweet. Kailangan may flowers?”

“Because Valentine’s day is about love. We celebrate love.”

“Hay naku Conrad! Bahala ka nga!”

Ang love pinapa-feel yun sa taong mahal mo every single day, 3 to 100 times a day at hindi lang tuwing Valentine’s day. Yun yung point niya. Pero first time kong magcelebrate ng V-day na may syota ako, at hindi lang basta syota ang syota ko. Yung tipong pwede mong ipagmayabang sa mga uhugin at dugyutin mong mga tropa. Yung mga taong tsinitsismis kang bakla dahil wala kang girlfriend tapos makikita ka na lang nilang may kasamang chics na artistahin tapos habang tinititigan nila kayo na magkaholding hands at taas noong naglalakad sa harap nila, humuhugis ang mga mata nila ng salitang SEXIEST-COUPLE-OF-THE-CENTURY. At tulo laway at nagkukulay green dahil sa inggit.

Pero dahil sa sobrang cold na parang ice candy ang girlfriend ko, baduy ang magcelebrate ng v day.

Habang malalim ang iniisip ko at tinititigan ang building, tumabi sa akin si Mang Caloy. Isang construction worker sa site.

“Boy, malalim ang iniisip mo ah. Iniisip mo ba kung paano gawin tong building?” tanong niya.

Si Mang Caloy, almost in his late 30’s, ay isang karpentero dito.

“Ah hindi, Mang Caloy, Iniisip ko lang ang pwedeng gawin sa valentines day.”

“Boy, tanong ko lang, sinulot mo ba yung asawa ni Sir Sera? Yun kasi ang tsismis dito at yun ang pagkakaalam ng tao dito.”

May mga construction worker din palang mga tsismoso. Saan nila nalaman ang walang kakwenta kwentang tsismis na yun? Sa twitter?

“Ha? Mang Caloy? Anong pinagsasabi niyo?”

“Alam mo boy, pinahihirapan ka ni Sir dahil ang alam niya shinota mo yung asawa niya. Di ba dun ka sa office nagtrabaho?”

“Hindi ko girlfriend si Mrs. Sera.”

“Ganun ba? Eh bakit nakita kayong naghalikan sa parking lot?”

That bitch!

Sinong bitch ang tinutukoy ko? Walang iba kundi si Chloe! Siya ang may kagagawan nito. May tinatago pa lang hinanakit si Sir Sera sa akin kaya dito niya ako sa site inassign at pinahihirapan pa akong maghalo at magbuhat ng semento. Pwede niya akong komprontahin hindi yung sinasaksak niya ako ng nakatalikod.

Bunch of hypocrites! Yung mga ngiti sa akin ni Sir, akala ko sincere. Ngiting kontrabida pala yun! At si Chloe, ang bruhildang babaeng anak ni Valentina! Kung hindi ko kailangan ng grade, hindi ako magtitiis dito.

Speaking of grade..

Pinuntahan ko si Sir, na nagbabasa ng blue print. Nilapitan ko siya para komprontahin.

“Sir, pwede ko po ba kayong makausap?” tanong ko sa kanya.

“Tungkol saan?”

“Itatanong ko lang po kung may galit kayo sa akin? Alam ko po na nakita niyo ang isang video na kuha ng cctv sa parking lot ng building.”

Ang cctv video na yun ay parang Hayden Kho scandal na naging viral video.

“What about that?”

“Sir, tinatanong ko lang po kung galit kayo sa akin kaya pinahihirapan niyo ako dito?”

“Marahil ay meron nga especially kung kinakalaban mo ako ng personal.”

“Wala po kaming relasyon ng dati niyong asawa. Kung ano man ang nakita niyo sa walang kwentang video na yun, walang ibig sabihin yun. Hindi ko rin po kayo penepersonal. At alam kong makakaapekto ang internship ko dahil sa tsismis na yun.”

“Buti alam mo Mr. Thomas! Matalino kang bata! Alam mo na pala ang magiging kapalaran mo. Ilalagpak kita sa internship mo kay ngayong alam mo na, sige, umuwi ka na dahil hindi na kita kailangan dito!”

“Sir, kailangan ko po tong grade na toh! Hindi ako makakagradweyt! Isa pa, ilang buwan na akong nagiintern sa inyo, bale wala lang lahat ng pinasok ko dito.”

“That’s not my problem. Get out of my office!”

Wala akong magawa kundi lumayas sa office ni sir. Dahil sa isang tsismis, at isang kuha ng cctv nawalan ako ng grade. Nawalan ako ng pangarap. Nawala lahat. Isang malaking F as in FUCK at FUTA!

Dito na lang ako babawi, sa isang dinner date with Portia. Kahit wala ako sa mood, hindi ko pinahalata ang kawalan ng gana ko. It’s Valetine’s Day. Bukas ko na lang iisipin lahat ng problema.

“Conrad, what’s wrong?” tanong ni Portia habang humihigop ng soup.

Hindi ko maitago ang sama ng loob ko.

“Portia, remember when I told about Priscilla?”

Nag-iba ang timpla ni Portia ng marinig niya ang pangalan ni Priscilla.

“What about her?”

“Yung sinabi ko sayo na hinalikan niya ako sa parking lot?”

Hindi bagay na pagusapan ito dito mismo sa aming v-date!

“Nakunan ng cctv, pinakita nung receptionist kay Sir, Sera.”

“What?”

“Kaya wala na akong grade na maipapasa. Meaning hindi ako makakagradweyt dahil sa isang cctv!”

Nagulantang si Portia sa balita ko at habang nagkatitigan kami, umupo sa tabi ng table namin si Priscilla at si Sir Sera.

What a really small world!

“Sir Sera?” tanong ko habang nagkatinginan kaming apat.

AWK-WARD!

“Bakit kapag pinag-uusapan, umaapir? Di ba dapat nasasamid lang?” sabi ko kay Portia na nanlilisik ang mata na nakatingin kay Priscilla.

“It’s a small world after all! Nagulat ka ba Mr. Thomas na magkasama kami ngayon ni Priscilla?” sabi ni Sir Sera.

Paano pa namin mae-enjoy ang dapat isang romantic na dinner date kung may dalawang asungot sa kabilang table. Mahirap lunukin ang pagkain dahil natrap ka sa isang awkward situation at hindi mo alam kung paano makawala.

May kanya kanya kaming issue dito at wala ng mas oh-awkward pa sa ganitong event. Ang Valentine’s naging holloween.

Itinapon ni Portia ang table napkin sa plato niya at tumayo.

“Let’s leave!”

“Pero we haven’t finished our food!” sabi ko na no matter how awkward the situation is, iniisip ko ang sayang na pagkain at siyempre ang sayang kong pera.

“We have to go! Paano ka pa kakain dito kung nawalan ka na gana. There’s no sense finishing our food!”

“Portia…” tawag ni Priscilla.

“Don’t call me Portia! Wag mo akong tawagin! Wag mo akong kausapin.”

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa kung ano man ang gagawin niya.

Kahit maliit ang bag niyang dala, malay ko kung bigla na lang niyang pukpukin ng vacuum si Priscilla.

“Alam mo ikaw, simula nung makilala ka namin nagkagulo-gulo na ang buhay namin! Ginulo mo ang pamilya ko. Pinaghiwalay mo ang magulang ko! Tapos ngayon, idinamay mo pa si Conrad sa kalandian mo!”

“Portia, tara na!” hinila ko ang braso niya.

“Alam mo bang nabalewala ang pinaghirapan niyang internship sa kumpanya niyo! You are the most pathetic whore I’ve ever met!”

“And who are you to say that?” nakisali si Mr. Sera.

“Serafin! She’s my daughter!” sabi ni Priscilla na ikinagulat ni Mr. Sera.

“Anak! Kahit kailan hindi kita naging nanay!”

Hinila ko na si Portia palabas ng restaurant dahil konting konti na lang sasabunutan niya na si Priscilla at magwawala sa loob.

“What is wrong with you?” galit kong tanong sa kanya.

“What is wrong with me? Nothing! Naiirita ako sa kanya! Nakakainis siya!”

“You don’t have the right to say that to her! Nanay mo pa rin siya!”

“Really? Kakampihan mo talaga siya? She’s not my MOTHER!”

“Pwede naman kasing magwalk out na lang di ba? Bakit kailangan mo pang pagsalitaan siya dun! Para kang palenkerang tao na naghahanap ng gulo.”

“Dahil yun ang gusto kong sabihin sa kanya! Totoo naman ang lahat ng sinabi ko di ba? Kung hindi dahil sa kanya, hindi sa akin galit si Mama. Sana magkasama kaming tatlo nung pasko. Sana kumpleto kami. Sana hindi ka naghihimutok at wala kang problema sa internship mo!”

“BUT WHY DO YOU HAVE TO SAY THAT?”

“WAG MO AKONG PAGTAASAN NG BOSES!”

Nagsigawan kami sa gitna ng kalsada na akala mo isang madramang eksena sa isang highest rated teleserye on primetime. Dala na rin siguro ng stress at pagod kaya ako napasigaw.

“FINE! KAMPIHAN MO YANG MALANDING BABAE NA YAN! THANKS A LOT! NAGING ROMANTIC ANG VALENTINES DAY KO AND DON’T BOTHER, KAYA KONG UMUWI MAG-ISA!”

“Portia!” trinay kong habulin pero nakasakay na siya at naiwan ako sa side walk.

Wow! What a nice thing to do on valentine’s day. Major AWAY at SIGAWAN. Yun ang romantic para sa kanya! O di hindi baduy!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...