A Sweet Mistake

By itsailsworld

3M 26.7K 2.4K

Mikaela or Mikay, as what friends call her, grew up a spoiled brat with a silver spoon in her mouth. Her mom... More

CHAPTER 1: Mikaela
CHAPTER 2: Gino...
CHAPTER 3: The Deal?
CHAPTER 4: It's A Deal! But...
CHAPTER 5: The Punishment
CHAPTER 6: Away, Bati, Away, Bati...
CHAPTER 7: Then and Now...
CHAPTER 8: The Denials
CHAPTER 9: Probability of Events
CHAPTER 10: The Event (Part I)
CHAPTER 11: The Event (Part II)
CHAPTER 12: Consequences of Actions
CHAPTER 13: Like Nothing Happened...
CHAPTER 14: In The Yacht
CHAPTER 15: Forever Bliss
CHAPTER 16: Back To The Real World
CHAPTER 17: Like Any Ordinary Couple?
CHAPTER 18: In His Heart And Mind...
CHAPTER 19: Some Assurance
CHAPTER 20: All I Have To Give...
CHAPTER 21: Full of Lies
CHAPTER 22: On My Own Terms
CHAPTER 23: Work Area
CHAPTER 24: The Party (Part I)
CHAPTER 25: The Party (Part II) & "The Glass Door"
CHAPTER 26: The Meeting
CHAPTER 27: The Pain
CHAPTER 28: Fighting For Love
CHAPTER 29: Two Years Later
CHAPTER 30: If The Feeling Is Gone...
CHAPTER 31: Emotions With Reservations
CHAPTER 32: Just Chillin'
CHAPTER 33: The Pinnacle
CHAPTER 34: A Gamble
CHAPTER 35: Let The Games Begin
CHAPTER 36: Playing Around
CHAPTER 37: It's Over
CHAPTER 38: Second Chance
CHAPTER 39: Starting Over
CHAPTER 40: The Revelation
CHAPTER 41: The Pretending
CHAPTER 42: Hello, New York!
CHAPTER 43: The Pursuance
CHAPTER 44: A Visit
CHAPTER 45: Covering The Secret
CHAPTER 46: Nail Polish
CHAPTER 47: Moving On
CHAPTER 48: As Expected
CHAPTER 49: Chasing The Heat
CHAPTER 50: The Connivance
CHAPTER 51: The Choice
CHAPTER 52: 9 Units
CHAPTER 54: Duty Calls
CHAPTER 55: Uninvited Guest
CHAPTER 56: Congratulations!
CHAPTER 57: Flickering Lights
CHAPTER 58: Back To The Phili...
CHAPTER 59: Drunk
CHAPTER 60: The Engagement
CHAPTER 61: Guardian Angel
CHAPTER 62: Petals
CHAPTER 63: Crazy
CHAPTER 64: FINALE

CHAPTER 53: Babe

42.9K 436 32
By itsailsworld

Weeks passed at nagpatuloy lang ang usual routine na kinasanayan nilang dalawa ni Gino. Gumagawa sila pareho ng efforts para lang mabalanse pa rin ang lahat at magkaroon pa rin sila ng time para sa isa’t-isa at sa anak.

Pero aaminin niyang hindi ganon kadali magbalanse ng mga responsibilidad niya lalo na at nag-aaral na rin siya. Kahit online course, halos wala pa rin naman itong pinagkaiba sa pagiging isang regular na estudyante. She still needs to study, to review her lessons, to pass requirements, etc. And sometimes, she even needs to go to an actual classroom for special lectures…

Kaya talagang hirap na hirap din si Mike sa pag-aayos ng mga sked niya. At idagdag pa ang ilang project offers na  tinanggihan niya para lang magkaroon ng time sa mag-ama. Ginagamit nila ang mga oras na ‘yon just doing simple things…

They’d usually play with their son lalo na at marami ng developments ito. They’re just too happy to look at him and see him grow right before their eyes. Minsan naman, they’d just hang out by the pool at home or just cook together or just watch a movie sa mini theater nila… It doesn’t matter kung anong ginagawa nila basta ang mahalaga magkakasama sila…

Sa kasalukuyan ay nagmamadali na siya sa pagbibihis dahil talagang late na siya sa special class na papasukan. Hindi siya nagising ng alarm clock niya which is not typical of her. Pero siguro dahil puyat din siya at ang late ng nakatulog ng anak. Wala itong gustong gawin kagabi kundi makipaglaro lang…

Nang makabihis na ay bumaba na siya agad sa baba…

Yaya: O, Mikay! Bakit nagmamadali ka ata? Hindi ka na ba mag-aagahan?

Nasulyapan niya ito sa may hapag-kainan…

Mikay: Naku! Yaya, late na late na po talaga ako eh… Mamaya na lang po ako kakain…

Yaya: Ganun ba? O eto… Baunin mo na lang ‘tong mga marshmallows na tira niyo kahapon… Para may makain ka man lang sa daan…

Inabot na lang niya agad ang mallows dahil alam niyang magpupumilit lang ito ‘pag tatanggihan pa niya…

Pagkasakay niya ng van ay ipinagpasalamat na lang niyang may driver siya para hindi na rin siya ma-stress sa traffic… Tumingin siyang muli sa orasan… She’s so late… Nakakahiya pa man din pumasok ng late… Dapat kasi sumabay na lang siya kay Gino kanina eh. But his class is just too early… Alangan namang tumunganga lang siya dun ng ilang oras… Kaya hindi rin talaga pwede…

Mikay: Kuya, pakibilisan na lang po… Baka pwede ka ng mag-detour…

Mabuti na lang at marunong ang driver niya at may napasukang ibang daanan… In no time ay nakarating na rin siya sa school… Pasimple na siyang tumatakbo marating lang ang classroom niya…

Pagbungad niya sa door ay nagulat siya sa nakita. Hindi agad siya makapagsalita. Nakatayo lang siya sa pintuan kaya napatingin sa kanya ang mga classmates niya… Ang professor naman ay napahinto sa pagtuturo at sinundan ang tingin ng mga ito…

Pinilit na lang niyang makabawi sa pagkabigla…

Mikay: G-Good morning…

Tumingin ang professor sa orasan…

 

 

 

 

Gino: You’re 20mins. late…

Pormal lang ang mukha nitong nakatingin sa kanya…

Mikay: I’m sorry… Got stucked in the traffic…

Tumango lang ito… At muling lumingon sa klase…

Gino: Just try to find any available seats, then…

Tumuloy na siya sa loob at naghanap ng bakanteng upuan… Natanawan naman niya ang isang kaklase na itinuturo ang bakanteng tabi nito… Buti na lang medyo ka-close niya iyon… Pagkaupo niya ay agad niya itong tinanong nang pabulong…

Mikay: Betty, nasang page na ba kayo?

Nilalabas pa lang niya ang libro sa bag…

Betty: Page 26 na…

Habang binubuklat ang libro ay muli siyang nagsalita…

Mikay: Bakit siya ang prof. natin? Nasan na ‘yung isa?

Betty: Nakasick-leave daw eh… Ayaw mo nun, sigurado pasado ka na…

Mikay: Sira… Nakita mo naman kanina ‘di ba… Parang hindi ako kilala kung makipag-usap…

Napangiti naman si Betty sa sinabi niya. At tila napansin iyon ni Gino…

Gino: Miss?... Can you try to answer my question?

Betty: Uhm, I-I’m s-sorry, sir… B-But what was the question?

Gino: Well, you seem to be not listening, then… I was asking for the alternative formula of the equation that’s on the board…

Matagal na hindi makasagot ang katabi niya…

Gino: Anyone? Anyone who can help you?

Seryoso itong tumingin sa kanya… At lalo siyang kinakabahan… ‘Pag tinawag siya nito ay wala siyang maisasagot… Nakakahiya sa mga classmates niya... Desperada na siya kaya nagpakita siya nang nakikiusap na tingin dito at bahagya siyang umiiling na tila ipinapaalam niyang hindi niya alam...

Umiwas na ito ng tingin sa kanya…

Gino: Anyone from the class?

Buti na lang at may nagtaas na ng kamay at nakasagot nang tama…

Gino: Yes that’s correct… But that’s only the alternative. So, it’s still important that you comply with the standard… Anyway, class, before I proceed, I just want to make it clear that as long as I’m the professor in front of you… I have some rules that you need to follow… Rule #1: No one should be late… Rule #2: No chatting while I’m having a lecture… Rule #3: Cellphones should be in silent mode… And Rule #4: No yawning and no eating… and anyone who gets caught shall need to leave…

“Sir, I think yawning is something we just can’t control…”

Sabi ng isang estudyante…

Gino: You can… It can be prevented if you start getting interested with the subject… Yawning only shows disinterest and boredom… I don’t like that in my class… 

Napakaistrikto naman nitong teacher. Hindi man lang ngumingiti. Suplado….

Muli nang nagpatuloy ang lectures nito… At sinikap na lang niyang makinig at umintindi… But the subject’s really boring… while he’s writing on the board, all she sees are numbers… they’re all swirling on her mind…

She suddenly has the urge to yawn. Anyway, nakatalikod naman ito kaya sasamantalahin na niya. She lets out a big yawn. At tamang-tama namang lumingon na si Gino sa klase. Napatingin agad ito sa ginawa niya. Kaya sinara na niya agad ang bunganga at hindi na itinuloy ang nabiting paghikab… Naalala niya ang sinabi nito kanina… “And anyone who gets caught shall need to leave…”

Naku, subukan nitong palayasin siya. Tingnan lang niya kung makausap pa siya nito. Lintik lang ang walang ganti… Pero buti na lang at wala itong ginawang ganon. At muli na lang nagpatuloy sa pagtuturo…

Gino: Okay, before I’ll end the class, I’m gonna give a pretest, guys… I know it’s just a pretest but this is gonna be recorded… So, better take it seriously… You can just leave once you’re done…

Inabot nito ang mga test papers sa harapan hanggang sa makaabot na sa lahat… Pagkakuha niya ay agad siyang  tumingin sa mga tanong… Napahawak siya sa noo… She doesn’t know a thing… What are all these questions for? Mukhang kailangan lahat ng formula… Damn!... She tried to answer some. Pero sigurado niyang mali ang mga ‘yon…

Parang sumakit tuloy bigla ang ulo niya at bigla niyang  naramdaman ang gutom… She hasn’t eaten anything yet… She tried to focus more on the questions… Pero wala talaga… Maybe, she needs to eat something first so she can think… Bigla niyang naisip ang mallows na nasa bag…

Inangat niya ang mukha at pasimpleng tumingin kay Gino… Siguro pagbibigyan naman siya nito kung mahuli siyang kumakain… At isa pa baka hindi rin siya nito mapansin dahil nakayuko ito at mukhang busy sa hawak na ipad tab…

Muli na siyang yumukong mabuti at dahan-dahang binuksan ang bag at pilit siyang dumudukot ng mallows… She cupped a handful at pasimpleng isinubo ang isa…

Gino: Guys, please take your exam seriously…

Nagulat siya sa pagsasalita nito… Kaya agad na niyang sinubo lahat… She forced everything on her mouth… Tinakpan na lang niya ang bibig habang pilit ngumunguya… Sumulyap siya dito at nakatingin na ito sa kanya… She tried to smile. But she couldn’t. All the mallows are stuffed on her mouth. Siguro mukha ng Jollibee ang pisngi niya…

Bahagyang nakakunot ang noo nito… Tila nagtataka sa ginagawa niya… Muli na lang siyang umiwas dito at sinubukan ng sagutan ang test paper… “Eenie… Meenie… Mynie… Moe… Saksak puso… Tulo ang dugo…”… Maybe the answer’s letter C…

Dahil nga sa wala naman siyang alam ay mabilis niyang natapos ang exam at puro hula lang ang lahat. Tumayo na siya at ipinasa ang papel sa harapan. Sa tantiya niya ay mga dalawang tao pa lang ang nauna sa kanyang nagpasa. Inabot lang niya ang papel at pilit umiiwas sa tingin nito… Dumiretso na siya agad sa may pintuan…




Gino: Babe…

Malakas na tawag nito sa kanya. Lumingon siya at napansin niyang karamihan sa mga kaklase niya ang tumitingin…

Gino: Just wait for me outside…

Tumango na lang siya…

Habang naghihintay sa labas ay muli niyang naramdaman ang gutom. Siguro itetext na lang niya si Gino at sa canteen na lang sila magkita…

Betty: Mikay, sabay ka na samin sa canteen…

May mga kasama na itong ilang kaklase rin nila na papalabas na ng room.

Mikay: Sige, mabuti pa nga para may kasama ako…

_____________________________________

Before you turn to the next chapter, hope you leave your votes and comments…

Continue Reading

You'll Also Like

69.5K 643 36
Alice Avery Cortez, isang babaeng pangarap ay ang ikasal sa lalaking pinakamamahal niya--Rafael Joshua Delafuente. Ngunit paano kung sa isang pagkak...
6.2M 125K 53
Kailangan niya ako para sumikat... Kailangan ko siya para pang-panakip butas... Gamitan lang ba? Uso sa amin yan! Ako si Kaz Legaspi, ang kilalang ho...
41.7K 1.5K 39
Aksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni...
58.3K 2.3K 51
♛♥♛ Hindi ako buo. May kulang sa pagtao ko at napakarami kong tanong. I've been searching for my long lost father and twin sister while fighting for...