The Last Stop (Completed)

By Dominotrix

187K 4.2K 1K

Si Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabin... More

Unang Kabanata: Sophia Velasco
Ikalawang Kabanata: Si Sophia Velasco, 40-year-old Virgin
Ikatlong Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang butihing Chat-Girl
Ika-apat na Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang Reluctant Cougar
Ikalimang Kabanata: Si Sophia Velasco at si Gil Velasco
Ika-anim na Kabanata: Si Sophia Velasco, Denial Queen
Ikapitong Kabanata: Si Sophia Velasco, Puro na lang si Sophia Velasco
Ikawalong Kabanata: Sa Likod Ng Ngiti Ni Joseph Valle
Ikasiyam na Kabanata: Si Mysty Siya, Si Mysty Ako. Sino ba si Mysty?
Ikasampung Kabanata: Concerned o Selos?
Ikalabing-isang Kabanata: Imbestigador
Ikalabindalawang Kabanata: Sa Ngalan Ng Ina
Ikalabintatlong Kabanata: White Lies
Ikalabing-apat na Kabanata: Ang Mabilis na Pangyayari
Ikalabinlimang Kabanata: Paglisan
Ikalabing-anim na Kabanata: Akin lang si Joseph
Ikalabingpitong Kabanata:Mahal Mo, Mahal Ko
Ikalabingwalong Kabanata:Himala
Ikalabingsiyam na Kabanata: Maghihintay Ako
Ika-21 Kabanata:Linlangin Mo
Panimula sa Pangalawang Arko:
Ika-22 Kabanata: Tuloy Pa Rin
Ika-23 Kabanata: Si Mr. Tisyu
Ika-24 na Kabanata: J.E.V.
Ika-25 Kabanata: Bakas ni Mr. Valle
Ika-26 na Kabanata: Father Figure
Ika-27 Kabanata: Ang Nalalaman ni Joey
Ika-28 Kabanata: Kape at Gatas
Ika-29 na Kabanata: Lihim
Ika-30 Kabanata: Ang mga Antonio
Ika-31 Kabanata:Kumusta? Paalam, Ama.
Ika-32 Kabanata: Ang Paghaharap
Ika-33 Kabanata: Ang Nagbabalik, E.J.V.
Ika-34 na Kabanata
Ika-35 kabanata
Ika-36 na Kabanata
Ika-37 Kabanata
Ika-38 na Kabanata
Epilogue
Author's Note

Ikadalawampung Kabanata:May Puso Si Mrs. Valle (Saging Siya)

3.9K 88 21
By Dominotrix

Pareho silang natahimik sa tinatanong ni Joseph. Gusto sanang sabihin ni Sophia ang totoong dahilan kung bakit sila nagtatalo ng kanyang Ina pero nagdadalawang isip siya. Ayaw naman ni Sophia na sa bibig niya pa mismo manggaling ang kwento ng buhay ng Mama niya.

"Ano? Wala bang sasagot sa tanong ko sa inyo? Kanina lang seryosong seryoso ang usapan niyo pero ngayon wala sa inyo ang makapagsalita," mataas ang boses ni Joseph, nais niya talagang malaman ang usapan ng dalawa.

"Ahh! Cecilia exit muna ako. May pag-uusapan yata kayo ng anak mo." Hindi nakatingin si Sophia kay Joseph, dirediretso lang ito sa paglabas at iniwan ang mag-ina dahil alam niyang usapang pamilya na iyon.

Makaraang maka-alis ni Sophia ay niyaya ni Cecilia ang anak para umupo sa sofa at makapag-usap ng mahinahon.

"Magagalit ka ba kung sasabihin kong hindi ang Papa mo ang unang lalaking minahal ko?" tanong nito sa anak, mababa ang boses nito at walang planong makipag-away hindi gaya ng mga nakaraan nilang diskusyon.

Naninibago tuloy si Joseph sa pakikipag-usap ng kanyang Mama dahil nasanay na ito na mataas ito at hindi siya maintindihan.

"No. Actually I won't be surprised. Mas nagugulat pa ako na ganito tayo nag-uusap ngayon."Ngayon lang yata sila nakapag-usap ng ganito kahinahon. Usapang mag-ina, nasasabi ng Mama niya ang gusto niyang sabihin at nasasabi niya ang gusto niya.

"Alam mo naman siguro na pinilit akong ipakasal ng pamilya namin sa Papa mo, pero bago pa noon mayroon akong kasintahan. I have someone dear to me na nangakong hihintayin ako kahit gaano pa ako katagal mawala." Nangilid ang luha ni Cecilia at unti-unting pumatak. "Naghihintay pa rin siya hanggang ngayon."

"Mom, that is so sweet! If it'll make you happy, then go for it. Puntahan natin siya."

Akala ni Cecilia ay hindi ikakatuwa iyon ng anak niya, tama nga sila marami ngang maling akala.

"Pero natatakot ako."

Niyakap ni Joseph ang kanyang Ina.

"Don't be. Nandito kami nila Sophia, sasamahan ka namin. Gusto ko siyang makita." Parang mas excited pa nga si Joseph na makita ang sinasabi ng kanyang Mama.

"H'wag na lang siguro. Baka hindi rin siya matuwa na makita ako."

Halos matawa si Joseph sa mukha ng kanyang Ina. Nakilala niya ito na sobrang tapang at walang inuurungan ngunit ngayon ay tila isa siyang bata na kabadong kabado sa maaring mangyari.

"Ma! Ngayon ka pa ba aatras? Kung yung mga sagutan natin hindi mo inatrasan. Sino ba ito at takot na takot ka?" Lalo tuloy siyang na-curious kung sino ang taong ito at kaya niyang pakabahin ang kanyang Mama ng ganoon na lang.

"Pero kasi.." magdadahilan pa sana si Cecilia ngunit hinatak na siya ni Joseph at pinahanda agad ang sasakyan kay Ramirez.

Sumakay na rin sila Diosa at Sophia sa kotse. Tatabi sana si Sophia kay Diosa sa harapan ngunit pinapunta siya sa likod ni Cecilia.

"Sophia, dito ka sa likod. Ideya mo ang bagay na ito kaya tulungan mo ako."

Nag-apir ng palihim si Diosa at Sophia. Para kasing magandang senyales iyon na unti-unting paglambot ng puso ni Cecilia sa kaniya.

Pagsakay nila sa kotse ay agad ng pinaandar ni Ramirez ang sasakyan. Hindi na ito kailangang sabihan ng daan dahil siguradong alam na alam na nito ang papunta sa panaderya at araw araw silang naliligaw doon. Nanatiling nakahawak ang kamay ni Cecilia kay Sophia at Joseph sa buong byahe.

Mayamaya pa ay matiwasay nilang narating ang lugar na iyon. May mga mangilan ngilan pa ring bumibili ng tinapay. Sila Sophia naman ay nanatili sa loob ng kotse, parang wala ni isang gustong bumaba sa kanila.

"Ma! Nandito na tayo. Bababa ba kayo?" tanong nito sa ina dahil naiinip na rin ito.

Tiningnan lamang siya ni Cecilia at hindi nagsalita.

"Tara na nga Ma, sasamahan na kita," yaya ni Joseph sa kanyang Mama.

Ngunit hindi pumayag ang kanyang Mama at sinabing mas makakausap niya ng matiwasay si Anton kung hindi ito sasama.

"Sophia, samahan mo ako at ikaw ang nakaisip nito." Hinawakan niya ng mahigpit sa kamay si Sophia. Parang bagong sanggol na nag-aaral na maglakad si Cecilia, unti-unti iyon at parang kulang sa balanse. Ilang hakbang bago tuluyang makarating sa panaderya ay bumitiw si Sophia at siya na lamang muna ang pumunta sa harapan ng panderya.

Kasalukuyang nagsasalansan ng bagong lutong tinapay ang panadero. Malapit na kasi ang oras ng pagmemeryenda at siguradong dadagsain na naman sila maya-maya lang. Magiliw na binati si Sophia ng panadero nang makita siya.

"Oy! Pandesal ba ulit?" tanong sa kanya ng panadero.

"Ay hindi po." Alanganin niyang sagot dito. "May gusto po sanang kumausap sa inyo." Mahina niyang sabi

Lumabas ang panadero mula sa kanyang tindahan. Lalapitan niya sana si Sophia para marinig ng maayos ngunit hindi na siya nakagalaw nang makita kung sino ang nasa likod ni Sophia.

"Cecilia?" nanginginig ang boses niya. Kahit pa lumipas na ang mahabang panahon ay hindi siya maaaring magkamali na si Cecilia nga iyon

"Anton." Tawag sa kanya ni Cecilia.

Hindi agad nakalapit si Anton at napaupo na lamang sa daan. Ibinuhos niya sa kanyang luha ang sakit ng matagal na paghihintay. Sa wakas matatapos na rin iyon.

Nilapitan siya ni Cecilia at naupo rin sa daan na ikinagulat ni Sophia. Hindi niya inaasahan na uupo si Cecilia sa maduming kalsada.

"Sophia, sige na. Mag-uusap muna kami. Pwede mo na muna akong iwan," Utos nito kay Sophia.

Para namang nainis si Sophia na inuutusan pa rin siya nito matapos ang mga ginawa niya. Tumalikod siya at akmang aalis ng marinig niyang muli ang boses ni Cecilia.

"Sophia!" tawag nito. "Salamat."

Nang sila na lamang dalawa ang magkasama ay niyaya siya ni Anton na pumasok sa loob para doon magkausap. Pero tumanggi na si Cecilia, kung maari daw ay maglakad-lakad sila gaya ng ginagawa nila noong kabataan pa lamang nila. Tumayo si Anton. Inalalayan niyang tumayo si Cecilia at nagsimula silang maglakad.

"Cecilia..." magsasalita sana si Anton ngunit pinutol siya ni Cecilia.

"Kung maaari sana, pakinggan mo muna ang sasabihin ko. Pwede ba 'yun?" pakiusap nito.

Tumango lamang si Anton at nagpatuloy sila sa paglakad. Mabagal iyon na para bang naglalakad lamang sila sa isang normal na parke.

"Una, gusto kong humingi ng tawad sa iyo. Hindi ko sinasadyang magsinungaling sa iyo pero ayaw kitang masaktan," ani Cecilia

"Tapos na iyon at matagal na."

"Anton!" pinadyak ni Cecilia ang kanyang paa. "Sabi sa iyo pakinggan mo muna ako."

"Sige, sige pasensya" natatawang sabi nito

"Alam mo bang hanggang ngayon hirap akong matulog ng maayos sa gabi dahil alam kong may naapakan akong tao. Tinuon ko ang sarili ko sa pagdadasal. Iniisip ko na papatawarin ako ng Diyos sa mga kasalanang nagawa ko. Pero mas mahirap kalaban ang konsensya. Kahit na alam mong patatawarin ka ng nasa itaas sa mga kasalanan mo, habang buhay ka palang uusigin ng konsensya mo."

Mayamaya habang naglalakad ay may kumagat na lamok sa braso ni Cecilia. Hinampas niya iyon at napansin iyon ni Anton.

"Sabi naman sa iyo doon na lang tayo sa bahay at baka lamukin kang lalo dito." Pag-aalala nito sa kasama.

"Ano ka ba? Noong nasa kolehiyo tayo nilalamok pa rin tayo sa football field."

Nangiti silang dalawa, parang kahapon nga lang iyong pangyayaring iyon. Tila nabura kay Anton ang sakit ng matagal na paghihintay at sinariwa lamang nila ang magagandang nangyari sa kanila noong nakaraan.

"Oo nga ano. Ang bilis talaga ng panahon. Ako, tumanda na ang itsura ko. Ikaw, wala ka paring pinagbago. Maganda ka pa rin. Siguro inaalagaan kang mabuti ng napangasawa mo."

"Hiwalay na kami. Nagkaroon kami ng isang anak, na naghihintay diyan sa may kotse," kwento nito

"Hiniwalayan ka niya? Nasisiraan na yata siya ng ulo. Sira lang kasi ang ulo ng taong iiwan sa iyo," biro ni Anton dito.

Natawa si Cecilia sa sinabi ni Anton, ito lang yata ang taong naniniwala na mabait siya.

"Ikaw ha! Buhay na buhay pa rin ang mga jokes mo."

"At ikaw, ikaw pa lang din ang tumatawa sa mga jokes ko."

Halos pabalik-balik lang ang lakad nila sa maliit na kalsadang iyon. Tuloy lang sila sa pag-uusap, hinahabol ang mga araw na nagkahiwalay sila.

"Ikaw nga pala, balita ko hindi ka na nag-asawa," wika ni Cecilia sabay tapik sa braso ni Anton.

"Hindi na. Sabi ko kasi noon, maghihintay ako sa iyo. Kaya naghintay ako, kahit alam kong wala na tayong pag-asa."

"Anton, ang buhay ko ngayon ay nakatuon na sa Panginoon. Iisa lang ang asawa ko. Kahit na nagkahiwalay kami, sa mata ng Diyos siya pa rin ang asawa ko." Hinawakan niya si Anton sa kamay, tumigil sila sa paglalakad at nangilid ang luha ni Cecilia.

"Alam ko naman iyon. Masaya lang ako at nakita kitang muli. Para kasing ang dami kong tanong noong una, kailangan ko lang palang marinig sa iyo na wala na talaga tayong pag-asa." Naiyak din si Anton, parang nabunot ang tinik na matagal nang nasa kanyang dibdib.

"Hanggang ngayon, iniintindi mo pa rin ako. Salamat, Anton."

Hinalikan ni Anton si Cecilia sa mga kamay nito. "Para akong nakakita ng isang kaibigan kong matagal na nawalay sa akin. Sana mas madalas kayong bumisita dito. Alam kong hindi ito kasinlaki ng Mansion niyo pero masaya dito."

Natawa si Cecilia sa sinabi ni Anton, ewan ba, kahit sa simpeng mga bagay na sinasabi ni Anton ay natutuwa siya.

"Tara, ipapakilala kita sa anak ko."

Naging gabi iyon ng pagtanaw sa nakaraan, isang gabi nang pagbalik ng isang parte ni Cecilia na matagal ng nawala. Para iyong isang mainit na apoy na tumunaw sa nagyeyelong puso ni Cecilia. Natapos ang gabing iyon na kuntento ang lahat at parang may bagong sibol na buhay sa bawat puso nila.

..............

Nagdaan ang mga araw, naging maayos ang pakikitungo ni Cecilia kay Sophia sa tuwing bibisita ito sa kanilang bahay. Hindi pa rin maiiwasan ang paminsan minsang pagtatalo nila ni Cecilia pero mas mabuti na iyon kumpara noong una.

Lumipas ang mga buwan at nanatili silang ganoon pati na si Joseph. Paminsan minsan kinukulit pa rin siya nito tungkol sa estado ng kanilang relasyon pero wala talagang maibigay si Sophia. Hindi siya handang magcommit sa relasyong iyon hanggat alam niya na dapat i-prioritize ni Joseph ang kaniyang edukasyon.

Hanggang dumating ang Linggo ng graduation ni Joseph.

Magkasamang muli si Sophia at Diosa sa isang department store. Namimili ng regalo si Sophia para sa nalalapit na pagtatapos ni Joseph. Excited siya para sa binata at sa wakas ay matatapos na rin ang pag-aaral nito.

Pumasok sila sa isang store kung saan nagbebenta ng samu't saring relo. Tiningnan nila ang mga nakadisplay na relo at halos lahat iyon ay mahal kaya't lumabas din agad sila. Tinungo nila ang sports centre na nagbebenta ng mga sports watch at nakitang hindi iyon kamahalan.

"Reregaluhan mo ba si Papa Joseph ng relo?" tanong sa kanya ni Diosa.

"Oo, gusto ko sana 'yung pwede niyang magamit araw-araw."

Kinuha niya ang isang relo at sinukat niya sa braso niya.

"Maganda ba?" tanong niya kay Diosa.

"Naku! Bahala ka," wala nang pakialam si Diosa sa kaibigan, abala ang mata nito sa pagtingin sa mga kalalakihang tumitingin ng mga sports equipment. Iniwan nito si Sophia at nilapitan ang isang lalaki at nagkunwari na isa siyang crew ng shop.

Hindi na lamang siya pinansin ni Sophia, inabot niya sa isang saleslady ang relo at sinamahan siya sa counter. Makaraan iyon ay nilagay na sa isang paper bag ang relo kasama ng case nito.

Lumabas na ito ng shop at aktong iiwanan niya si Diosa. Buti na lamang at napansin ni Diosa na wala na si Sophia at hinabol niya.

"GAGA! Bakit mo ako iniwanan?" galit na sabi dito ni Diosa

"Eh parang nag-eenjoy ka doon eh."

"Bakit ba kasi, nagmamadali ka? May lakad ka ba? Sa isang araw pa ang graduation ni Joseph."

"Kasi ire-ready ko pa ito. Saka..." putol na sagot ni Sophia

"Saka ano?" sabik na tanong ni Diosa

"Kakausapin ko ang Mama ni Joseph. Kasi pagkatapos ng graduation ni Joseph, plano ko na siyang sagutin," kinikilig na sabi ni Sophia.

"Ay! Bonga teh. This is the moment na! Basta ako, okay na ako as flower girl," sabi ni Diosa kay Sophia sabay lumakad sa harap ni Sophia at umarteng isang flower girl.

"Sa tingin ko naman, okay na ako sa Mama ni Joseph. Hindi na nga rin siya umaangal kapag pinopopo ko siya. Hindi niya naman siguro ako susungitan kapag sinabi ko sa kanyang sasagutin ko si Joseph. Mas maganda na ring magsabi sa kanya at hindi iyong bibiglain pa namin siya. Hindi naman kasi tipikal ang relasyon namin ni Joseph."

Dali-dali silang lumabas ng department store. Pagdating nila sa paradahan ng mga taksi ay nakipag-unahan pa sila.

"Sandali Diosa, bakit ikaw naman ang nagmamadali ngayon?" tanong sa kanya ni Sophia

"Pumunta na tayo ngayon sa bahay nila Joseph para masabi mo na agad sa Mama niya."

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 33.6K 75
"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-mani...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
238K 6.4K 48
Napagdesisyunan ni Cheyenne na kumawala na sa rehas ng kanyang kwarto at ospital kung saan nauubos ang kanyang oras sa pagpapahinga at pag-inom ng mg...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...