Look, I found you (UNDER REVI...

By CloudedTale

9.7K 1.4K 673

How does it feel to be a character in the story or in a comic book? What if you are not aware that you are in... More

LAPSES
MENTAL ILLNESS?
GLIMPSE OF THE FUTURE?
WORLD OF COMICS
IN DENIAL
FATE OF AN EXTRA
DOING MY ROLE
ZACK'S ROLE
IRREFUTABLE PROOF
THE SCENE CHANGED
THE PROTAGONIST'S CONFLICTS ARISES
LITTLE THINGS
TRYING A CHANGE
FINDING MYSTERY GUY
PLANNING TO MARRY
TRIVIAL HIM
SECRET HERO
FIELD TRIP
TREVOR'S REJECTION
WISHING STONE
I REMEMBER YOU
LOST IN THE WOODS
HIRO
ZACK MEETS HIRO
TREVOR'S JEALOUSY
BAD CHANGES
WITH HIM
GLIMPSE OF THE PAST
TREVOR CARES
JAXTON'S MOTHER
JAXTON'S BIRTHDAY
CELEBRATION OR NOT?
HIRO IS MISSING?
TREVOR KNOWING THE TRUTH
YOU WON'T BE HIM
ALORA'S HARD TIME
DISTRACTION
HIRO IS BACK
DREAMY DATE
EDGE OF DYING
SAVING ALORA
A GOOD NEWS?
HURT
AWARENESS AND DISAPPEARANCE
AWARENESS AND DISAPPEARANCE 2
FEW LAST PAGES
SAME ENDING?
PAIN REMEMBERS
SAY MY NAME
A BRAND NEW START

GETTING CLOSE

102 20 1
By CloudedTale


Chapter 24:


Masayang-masaya akong pumasok pagkatapos ng buong field trip. Nakapagpahinga naman ako nu'ng weekends, pero iba ang pakiramdam ko ngayon, light lang at parang hindi ko na inda ang mga masasamang nangyari sa akin sa field trip dahil lahat nang iyon ay napawi dahil kay Hiro.

Nag-ayos ako ng tindig nang makapasok sa loob ng classroom at isinukbit ang buhok ko sa magkabilang tainga. I saw Hiro on his seat, mukhang may isinusulat siya na kung ano sa notebook niya.


"Hello, Hiro!" bungad ko kaagad. Naupo rin ako sa upuan na nasa unahan at humarap sa kanya.


Nagpalumbaba ako, at inusisa ang ginagawa niya pero bigla niya iyong sinarado at tumingin sa akin. "Ako si Alora, natatandaan mo? Ikaw na ngayon si Hiro."


"Hiro?" Mahina ngunit nagtatanong ang tinig niya.


Tinanguan ko siya, at mas lalong lumapit sa kanya. His face is really glowing, lalo na't nasisikatan siya ng araw. His eyes shining too, I don't know but his face is really amazing.


"Pwede mo ba sabihin ang pangalan ko?" I humbly asked him to say my name. I want to hear him, saying my name.


"Alora," agaran naman niyang tugon. I think he remembers me now. That's great I can talk to him more.


Bumalik na ako sa pwesto ko nang mapansing dumarating na sina Becky at Karl. Sabay silang pumasok sa loob, at parang nag-aasaran pa ang dalawa habang pumapasok sa loob ng room.


"Anong problema n'yo?" saad ko nang makabalik ako sa upuan ako.


"Ask him," ani Becky, at napairap pa. Nasa unahan ko ang upuan ni Becky at nasa likod ko naman si Karl. Dahil one sit apart, hanggang makeface nalang ang ganti ni Karl kay Becky.


"Pinapaalala ko lang sa kanya 'yung ginawa n'ya nu'ng nag-trek tayo sa bundok." Karl chuckled after.


Kumunot ang noo ko, ano bang nangyari sa kanila doon? Wala na kasi akong balita kung ano ang nangyari sa kanila sa bundok.


"She just hug--" naputol ang sasabihin ni Karl nang biglang tumayo si Becky at tinakpan ang bibig nito.


"What? Did I hear it right? Hug?" I'm just curious if hug ang narinig ko.


Biglang bumalik sa pwesto si Becky nang makitang pumapasok si Jackston at Karl sa loob ng room. Nag-ayos siya bigla ng upo, na tila babaeng mahinhin at pinapanood ang dalawa hanggang sa makaupo.

Napapailing ako at iniiwasang mapatingin kay Trevor. I just want to hate him just now, hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya.

I saw Trevor looked at me, but he rolled his eyes when he noticed I stare at him. I turned my face away, nagdiretso nalang ako ng tingin sa harap.

Pumasok na ang teacher namin at nagsimula na ang klase.  Nag-focus muna ako at nagkibit balikat na lang.


*STAGE BEGINS*

Pababa na akong hagdan nang salubungin ako nina Gori, Hanz, at Phil. Sila ang tatlong lalaki na pilit gumagaya sa A3.


Tapos na ba ang klase? Ano na naman ngayon?


"Nandito pala si Alora e." Nag-aangas angasan na bungad ni Hanz nang makababa ako at masalubong sila. Hinarangan pa niya ako para lang ma-corner nilang tatlo.


"Buti nakakayaya mo pa pumasok? Baka sumumpong 'yung sakit mo?" dugtong naman kaagad ni Gori. Siya pala ang medyo mataba sa klase namin.


Tumawa naman si Phil, at saka lumapit pa nang kaunti sa akin. "Pansinin ka na kaya ni Trevor? Wala naman atang pakialam sa'yo 'yun e. Ako na lang kaya?" Muli itong tumawa ng mapansing napayuko lang ako sa pambubully na ginagawa nila.


Bigla naman silang nagsilayuan nang makitang naglalakad si Trevor sa direksyon namin, sa tingin ko ay papunta siya sa locker na nasa gilid lang malapit sa entrance.


"Trevor.." Napatingin ako sa kanya nang huminto siya sa harap namin, at may kasama pa siyang dalawang lalaki na sa tingin ko ay sa ibang section galing.


Tiningnan niya ang tatlo bago nagbaling ng pansin sa akin. Sana pansinin niya na ako ngayon, nagtiklop ako ng dalawang kamay at nanatiling nakatuon sa kanya.

He just standing in front of us for a minute, at saka nagdire-diretso. Napatingin ako sa pwesto niya kanina at nadismaya. He really don't give a care to me, kahit kaunti.

Nagpatuloy naman ang pang-aasar nila, at walang humpay na idinidiin ang pangalan ni Trevor sa mukha ko. I'm in bad mood, mas lalo akong nainis kay Trevor.


*STAGE ENDS*


Padabog kong inalisan ang tatlo at umakyat na. Napaatras naman sila sa ginawa ko, at nilubayan na ako. Art Class ang susunod na klase namin, at for sure nandoon na silang lahat.

Naabutan ko silang nagkakagulo pagpasok ko ng artroom. Nasa gitna si Karl at may kung anong nakadikit sa isang drawing board doon na pinipilahan ng mga kaklase ko.

Curious din naman ako kung ano 'yun, at nakita ko ang mga picture na kuha niya noong field trip.


"What's this?" Nang mapansing halos puro picture ni Jackston, Zack at trevor ang nandoon.


"Bibili ka ba? 100 pesos per pic. Madaming kuha si Trevor dyan, kuha ka na. May picture ka din dyan." Talagang ginawa pa niyang kabuhayan ang skills niya sa photography.


Nagkakagulo sila sa mga stolen shots ni Jackston at nag-uuunahan sa mga iyon, nagdalawang isip pa ako kung kukuha ako, dahil ayaw kong bumili ng litrato namin ni Trevor. He's not worth it, I hate him, kahit alam kong nasa stage kami.

May isang pic ako doon na talagang nakapukaw nang atensyon ko. Natigilan ako saglit, at kinuha ang litrato. It's me, at si Hiro na naka- photo bomber sa likod ko. Hindi siguro sinasadyang nakatingin din siya sa camera. May ganito pala akong kuha?


"Bibilhin mo ba 'yan? Hindi mo na binitawan e." Nakabantay pala si Karl sa hawak kong picture.


I rolled my eyes in front of him, nagpoker face din ako bago ako dumukot ng pera sa wallet ko. I literally just smiled instantly, and I don't know why.

Nagulat naman ako nang bigla na namang sumulpot si Trevor. Nasa likuran ko pala siya at napansin ang picture na hawak ko. Nakakunot ang noo niya nang mapansing wala akong Trevor na kasama sa picture.

Nag-abot siya ng picture na kasama ko siya, at tiningnan ko lang siya sa ginawa niya. "Ito ang kunin mo, 'yung kasama ako," aniya pero hindi ko siya pinakinggan.

"Hindi ako maganda dyan, I just like this one." I bow my head and chuckled.  Hindi ko na rin pinansin pa  si Trevor, at umalis na doon sa harap at naupo sa pwesto ko. Hindi ko tinigilan ang pagtingin sa picture, I'll keep it because Hiro is here.


"Hey, Alora." Nag-angat ako ng tingin nang makitang sinundan pala ako ni Trevor. Ano na namang issue niya?


Hindi muna siya nagsalita, at inilapag ang picture na kasama ko siya. "Keep this, Wala ako dyan." Ang tinutukoy niya ang pic na hawak-hawak ko.


"Kaya nga ito ang gusto ko," sagot ko at binalik ang paningin sa picture na idinidikit ko pa sa mukha ko.


Nagulat ako nang bigla niyang pinalo ang table, at saka nag-iwas ng tingin. I don't understand him just now. Gusto niya nang umiiwas ako tapos ngayon, dahil sa picture ay lalapit siya sa'kin?

Nang hindi ako sumagot ay nilayasan niya na ako at iniwan ang picture sa mesa.


"Aissh, kahit kailan ka!" bulyaw ko nang makaalis si Trevor.


Break time na muna pagkatapos ng art class. Imbis na sumama ako kay Becky at Karl ay nag-decide ako na magpunta sa sky bridge, para mapag-isa.

Wala namang ibang dumaraang estudyante dito, kaya sumandig ako sa bakal, at nag-angat ng ulo. Ipinikit ko rin ang mata ko at hinayaang madama ang hangin sa mukha ko.

Ilang sandali pa ay dumilat at nagbaba na ako ng tingin. Napansin ko ring naglalakad papunta sa direksyon ko si Zack. Wala siyang klase?


"Kamusta ka na?" I don't know what he mean by that.


"Anong kamusta?" I rest my arms againts the steel barrier.


"I mean, sa lahat. I know you're having a hard time dealing with our situation," ginaya din niya ako pero nakalingon ang ulo niya sa akin.


"I don't know. We can change it, right? I know we can definitely change our stories." I don't know but I feel really confident dahil nandito si Hiro.


"Hindi ka naman niya natatandaan e?  Paano mo malalamang siya ang sagot sa pagbabago ng kapalaran mo?" Humarap ako sa kanya, at ipinatong ang isang braso ko sa barrier, at nagpalumbaba.


"I guess, He remembers me now. At kung hindi ipapaalala ko ulit kung sino ako."


"I hope I can do the same, I can't do anything lalo na kapag tungkol kay Claire." May halong lungkot ngayon ang tinig niya.


"Psh, h'wag ka mapanghinaan ng loob. Sige na, pupunta pa ako kay Curry fairy para sabihin ang nangyari sa field trip natin.

Tinapik ko ang balikat niya at nauna na ng umalis. Matagal-tagal na rin bago ko dinalaw si Curry fairy sa kitchen niya, excited na rin ako sa balitang sasabihin ko.

Naabutan ko si Curry fairy sa kitchen na nagpupunas ng mga plato na nasa isle table na malapit sa may gripo, mukhang kakatapos lang niya maghugas. Walang anu-ano'y kumuha ako ang table cloth at tumulong sa ginagawa niya.


"Kamusta ang field trip? Nag-enjoy ka ba?" tanong nito habang nagpupunas ng mga plato. He already know about the field trip, for sure nabasa niya na rin sa comics ang tungkol doon.


Tumango muna ako at inilagay sa dish drainer na sa harap ko ang plato. "I had a beautiful night with Hiro." I suddenly smiles whenever I mention him.


"Hiro?" Nagtatakang tanong niya.


"The nameless extra? I gave him a name." Masaya pa ang tinig ko habang patuloy ako sa pagtulong.


Tumigil siya sa ginagawa niya at seryosong tumingin sa akin. "Alam mo ba ang kapalit ng ginawa mo, Alora? Ginulo mo ang lahat."


Anong ginulo ang sinasabi niya?



TO BE CONTINUED..

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 49.4K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
111K 5.2K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
630K 16K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
348 85 25
STAY DUOLOGY Installment 1 of 2 Fhereze Gemini Ayala has a compassionate heart as well despite her snarky demeanor, but only her friends were aware o...