The Double Personality Gangst...

By superJEMI

1.9M 24.6K 1.7K

What if the one you love has a double personality? Pa'no kung ang isang side lang niya ang gusto mo? Handa mo... More

The Double Personality Gangster - 1
TDPG - 2
TDPG - 3
TDPG - 4
TDPG - 5
TDPG - 7
TDPG - 8
TDPG - 9
TDPG - 10
TDPG - 11
TDPG - 12 (Part one)
TDPG - 12 (Part two)
TDPG - 13
TDPG - 14
TDPG - 15
TDPG - 16
TDPG - 17
TDPG - 18
TDPG - 19
TDPG - 20
TDPG - 21
TDPG - 22
TDPG - 23
TDPG - 24
TDPG - 25 (The last chapter)
EPALOGS NA WRITER'S NOTE
TDPG - FIN
ANNOUNCEMENT MULA SA EPALOGS NA WRITER >3<

TDPG - 6

68.5K 934 33
By superJEMI

Chapter 6

See Divina on the side. *U* Gaaaahd! Ang arte ni bakla! HAHAHAHA! Gumaganyan pa sa mukha! XP

*****

Isang malakas na putok ang nadinig ko mula sa loob ng bahay namin. Nasa may tree house kami ng mga kalaro ko at naglalaro kami ng bahay-bahayan.

"Ano yun?" tanong nung mga kalaro ko. Hindi ako pwedeng magkamali, galing iyon sa loob ng bahay namin... Agad akong bumaba at napatakbo...

"OY! San ka pupunta? Di pa tayo tapos maglaro ah!" sigaw nila sa'kin, pero hindi ko sila pinansin. Ang mahalaga ngayon makumpirma ko kung sa loob ba talaga nanggaling ang putok ng baril na 'yon.

"PARANG-AWA MO NA!" narinig kong sigaw ni mama, napahinto ako. Natatakot ako, ayokong pumasok... Minabuti kong sumilip nalang muna...

Nakita ko ang dalawang lalaki, mga nakatlikod sila sakin kaya di ko makita ang mukha nila. Yung isa nakasuot ng leather jacket... Yung isa naka-tshirt lang na itim. Pareho silang may mga dalang baril... Pulis ba ang mga ito? Hinawakan nung isang lalaking naka-jacket  si Papa sa kwelyo...

Mahigpit akong napakapit sa door knob ng pintuan namin... Si Papa... Duguan ang mukha... Binugbog si Papa ng dalawang lalaking iyon...


"Ilabas mo ang tapang mo Lando! Asan na ang pinagmamalaki mo? Ha?" *boogsh!* sinuntok si Papa sa tiyan nung humigit sa kanya sa kwelyo... Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko... Gusto kong pumasok, at  pigilan ang mga ito. Pero isa lamang akong hamak na sampung taong gulang na bata. Anong magagawa ko?


"M-mga duwag! Bakit pati pamilya ko dinadamay niyo! Ako lang dapat diba? Away to sa  pagitan ng dalawang grupo!" pilit na salita ni Papa.


"Hahahahaha! Pakshet kasi Lando, bawas bawasan mo kasi minsan yang kayabanggan mo! Nakakairita!" itinulak niya si Papa kung saan naroon si Mama. Si mama... umiiyak siya ng sobra... gusto kong lapitan si Mama...


"Maawa na kayo! Tama na please!" pakiusap ni mama


"Tang-ina, masyadong madada ang asawa mo!" tinalian nila ng panyo ang bibig ni mama



"Asan na nga pala ang unica hija mo? Maisama nga sa palabas na 'to..." napaatras ako sa sinabi nung lalaking naka-jacket. Papatayin ba nila kami? Di ko maintindihan! Pero sa nakikita ko, itong naka-jacket na lalaki ang galit na galit kay Papa...


"W-wag na wag niyong magalaw-galaw ang a-anak ko!"


"HAHAHA! Maghihiganti lang naman kami. Gago Lando, napatay mo ang pinuno namin! Malaking kabayaran dapat ang singilin!" ikinasa na niya yung baril niya,


"Papatayin na ba talaga natin yan brad?" tanong nung naka-tshirt sa kasama niya


"Tang'na! Ano pa?" itinutok na niya kay Papa yung baril niya... Takot na takot na talaga ako... Napapikit ako at nagdasal.





"WAAAAAAAAAAAAAAAAG!" alam ko si mama ang sumigaw  na iyon...




*BANG!*

Isang malakas na putok ng baril ang bumingi sa tenga ko... Napamulat ako ng mata...



Si Mama.........


Nakahiga na..... At duguan......



Napatakip ako ng palad sa bibig ko. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko... Gusto kong umiyak ng malakas! Gusto kong magising! Sana panaginip lang ito!


"HAHAHA! Tang'na! Sinagip ka ng asawa mo! Hindi ka nagkamali ng pinakasalan."


"Gag---" magsasalita pa sana si Papa pero....



*BANG!* Kitang kita ko ang muling pagputok ng baril....



Sa bandang puso ni Papa...




Sunod-sunod na tunog ng sasakyan ng pulis ang nadinig ko.... Pero huli na sila..... Wala na....



"SIBAT NA!" sabi nung lalaking naka-jacket. Napaatras ako, tumakbo sa may veranda at nagtago.


Lumabas sila sa pintuan kung saan ako nakasilip kanina. Bago sila umalis, lumingon pa yung isang lalaking naka-tshirt... Nakita ko ang mukha niya... At hinding-hindi ko yun kakalimutan hanggang sa nabubuhay pa ko.....



_____


(John David aka Divina's Point of View)

"Class dismiss..." sabi nung pogi naming prof. Shocks! Makalaglag brief talaga si sir! Duh~! Wala naman akong panty e. Di ako pinapahiram ni beks. TT___TT

Speaking of beks, bakit kaya di pumasok yun ngayon? Half day lang naman kami, tinamad pa siya pumasok? Ni magtext, hindi nagawa... Ako nalang nga magtetext. Shunga din ako e, ngayon ko lang naisip itext siya...

"Hi beks! Tapos na klase. Where art thou? Bakit di ka pumasok? Si Papa Lharbs, inaya ako mag-date! Shocks! XD Pag di ka nagreply, papayag ako sa date naming dalawa. *U*"



Ilang pogi na ang dumaan sa harapan ko pero wala pa rin siyang reply. Ano kayang nangyari don? Kaka-stress si beks! Inayos ko ang mga sampung piraso kong bangs.

Kinuha ko ang Oil Control Film ko sa bag. Ka-stress si beks, nag-oily tuloy ang aking beautiful pezlak.. Tsss. Pede na nga mag-prito ng itlog at hotdog sa mukha ko sa sobrang oily e.

"DAVID!"

"Ayyy jumbo hotdog!" napalingon ako sa tumawag sa'kin, lalaki e.

Ow my super golly! I'm drooling! Is this truelala at walang halong chenes? Si Papa Lharbs pinuntahan ako dito..... Gaaaaash! Sabi na e, ako type nito!


"H-hi P-papa Lharbs!" shocks! Kakahiya! Nag-sstammer ko. This is not so meeeeeeeee~

"Oh, lalaki ka na ngayon brad?" pansin niya sa'kin, nakapang-lalaki kasi akong suot ngayon.

"Ha... ha... ha..." kainis ah, ininsulto niya ang ganda ko. Hinampas hampas ko siya sa braso, pero siyempre dun lang nanatili kamay ko. Shocks! Bukol bukol ang maskels ni Papa Lharbs ko!!!!! >____<

"Okay lang yun brad, uso naman bromance e." lalaking-lalaki kong sabi...

"Asan na si Denise?" kainis Papa Lharbs hindi  man lang pinansin yung sinabi ko. =______=

"Di ko nga alam dun Papa Lharbs e... Hindi pumasok, hindi rin nagtext. Nako, ano na kaya nangyari sa best friend kong yun..."


Kumunot ang noo niya, "Tinawagan mo na ba?"

"Oo, hindi niya sinasagot," pero siyempre joke lang, hindi ko pa tinatawagan si beks. Pang-call ko pa 'to sa jowaers ko e. *U*

"Sa tingin mo nasan siya?"


"Uhhhh.. Nasa puso mo?!" hahahahaha! Corny ko e, pero nasaktan ko dun. TT___TT

"Gago, nasan nga?"


"Gago ka din, di ko nga alam Papa Lharbs... Baka nasa ano...."


"Sa...?"



"Secret. Haha!" akmang babatukan niya na ko,

"Oh easy, baka naman sa boarding house niya o kaya nasa mga magulang niya..." tinapik niya ko sa balikat, shocks! Bakit ang init ng paglapat ng kamay niya sa balikat ko???? =____________= Assumerang Divina na naman ako. >__<

"Sige brad," paalam niya sa'kin

"San ka pupunta?"

"Puntahan ko si Denise, baka napa'no na yun e..."

Umalis na siya... BEKS!!! Why you so luckyyyyy? =____________=

#WaitForTheNextChapter



XXXXX


Uwaaaaaaaaah~! Time check: 12:55am. Ajujujujuju! Sipag ko mag-update no? Wala lang, wala kasing pasok bukas (which is probably mamaya. *U*)

Yung naunang scene.. Ano, isang malupit na flashback yan ng... NAKARAAN. (Malamang. XD) Kung kanino... hulaan niyo... XDDD

Thanks for reading! :))))

Comment niyo masaya na ko swear. Para naman alam ko ang takbo ng story na 'to. XP

Thankies readers! >0< Lezz sleep! -________-

---superJEMI <3

Continue Reading

You'll Also Like

65K 2.4K 33
the title says it all. [magulo dahil first fanfic][Completed]
861K 38.9K 20
How could you love someone if he's from the past and you are from the present? Two different people from two different timeline, kung saan kalaban ni...
150K 1.6K 7
𝑀𝓎 𝐹𝒶𝒸𝑒𝒷𝑜𝑜𝓀 𝐵𝑜𝓎𝒻𝓇𝒾𝑒𝓃𝒹 𝒾𝓈 𝒶 𝒮𝓊𝓅𝑒𝓇𝓈𝓉𝒶𝓇~ Najina Medina wanted to live apart from the chaotic reality of life, mas gusto n...
41.1K 1.7K 11
Upang makuha ang atensiyon ng mga tao at sumikat online ay nagkunwari si Krystal Cuevas na siya ay nasa panganib at may kumidnap sa kaniya. Ngunit na...