TDPG - 18

48.1K 621 27
                                    

Chapter 18

See the two men, Aldrin & Lharby on the side. *U*

NOTE: Short  update lang. XP

*****

“Tang’na! May nangyari sa inyo ni Cleo?” gulat na gulat na tanong ni Lharby sa kaibigang si Aldrin. Nasa bahay ni Aldrin ngayon si Lharby, napagpasyahan nilang mag-inumang dalawa tutal wala naman silang pasok.

“Oo brad. Hinaan mo boses mo.” napahawak sa batok si Aldrin habang nakangiti. Naalala niya bigla ang nangyari sa pagitan nila ni Cleo.

 

“O pa’no pag nabuntis?”

“Gago, sobrang mahal ko yun. Papanagutan ko siyempre. Para sa’kin mas okay na nga yung mabuntis, para kami na talaga.”

Nasuntok ng mahina ni Lharby sa braso ang kaibigan, “Takteng yan. Naging corny ka na ah.”

Napangiti bigla si Lharby, “Sobrang in love na ko brad. Pakshet akala ko di ako magmamahal ng ganito.”

 

 

“...kaya ikaw, pag natagpuan mo na ang babaeng magiging dahilan ng pagiging masaya mo, wag mo na pakawalan.” dagdag pa nito,tinapik ni niya si Lharby sa balikat.

“Haha! Found her, man.”

“Gago, nag-english pa. Oo nga daw, sabi nila Carlo. O pakilala mo sa’kin.”

“Saka na, pag may pagkakataon. Tang’na, ayaw sa gangster...”

“O anong plano mo?”

“Mahal ko, hindi ko na pakakawalan.”

Natawa si Aldrin sa kanya, “Kaya pala pansin ko hindi ka na masyadong mahilig sa gulo ah.”

Napangiti nalang si Lharby sa sinabi ng kaibigan.

 

*beep*

Agad naman na binasa ni Lharby ang nagtext sa kanya...

 

“Brad, si Carlo nagtext. Pupunta daw sa hideout si Senyor. Tara na,” ininom muna ni Lharby at Aldrin ang natirang alak sa baso bago sila umalis.

*****

(Lauren’s Point of View)

 

Naglalakad kami ni beks papuntang school, galing kaming boarding house. Pumunta kasi siya dun, ewan ko ba dito bakit pumunta dun ng walang dalang kotse. Gusto daw niya maglakad~ =____=

The Double Personality Gangsterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें