TDPG - 21

48.6K 603 16
                                    

Chapter 21

See Lauren Denise on the side. *U*

 

NOTE: Click the external link for the teaser video of UNCHAINED MYSTERY OF THE GANGSTERS (UMG) starring (naks! Lakas maka-starring no? XP) TOP, GD & DAE. Mehehehe~ May story din sila no. Lahat ng BigBang. *O* Abangan niyo after nitong TDPG ^___^ Thankies readers/friends! =))))))))))))))))))))))

*****

(Lauren’s Point of View)

“San ba tayo pupunta?” tanong ko kay Lharby habang nag-ddrive siya. Nakasakay ako ngayon sa motor niya. Hindi ko alam kung sa’n kami pupunta ngayon, basta bigla nalang niya kong sinundo kanina sa room. Buti nalang last day na namin sa semester na ‘to.

“Makikipagkita si Aldrin sa’kin.” sagot niya

“O bat naman ako kasama? -__-”

“Gusto kong pakilala kita sa kanya bago siya pumasok sa SAF.”

“Eh?” nakakahiya naman. >___<

“Close talaga kayo nun ano?” tanong ko sa kanya

“Oo, kahit pa palagi kaming nagbabangayan. Bata palang kami magkatropa na kami nun. Naaawa nga ko dun e, mahal na mahal niya si Cleo pero eto ang napala ng pagmamahal niya. Kapahamakan. Tss. Kaya pangako ko sa’yo, hinding-hindi ka mapapahamak.”

Gusto kong maniwala sa ipinangako ni Lharby. Pero ano ang assurance ko doon? >__<

“Bakit daw siya papasok sa SAF?”

“Gusto niyang patunayan na ang isang tulad niya, may patutunguhan din ang buhay.”

Di na ko sumagot ng huminto na ang motor niya. Nakita ko na kaagad si Aldrin. Nang makababa na kami, lumapit kaagad siya sa’min.

“Brad,” tumingin sa’kin si Aldrin at ngumiti.

“Siya na ba?”

Lumapit sa’kin si Lharby at  inakbayan ako, “Siya na nga Brad at wala nang iba.”

Natawa si Aldrin, “Wag mong sasaktan yan Brad kundi sasapakin kitang gago ka. Wag kang tumulad sa’kin.”

“Inangyan. Hahaha! Oo na! Sobrang mahal ko ‘to. Hinding-hindi ‘to iiyak sa’kin.” lalong humigpit ang akbay niya sa’kin na parang ayaw na niya kong pakawalan.

“Tang’na! Halata naman brad e, makaakbay ka parang ayaw mo na pakawalan.” natatawang sabi ni Aldrin.

The Double Personality Gangsterحيث تعيش القصص. اكتشف الآن