TDPG - 6

68.5K 934 33
                                    

Chapter 6

See Divina on the side. *U* Gaaaahd! Ang arte ni bakla! HAHAHAHA! Gumaganyan pa sa mukha! XP

*****

Isang malakas na putok ang nadinig ko mula sa loob ng bahay namin. Nasa may tree house kami ng mga kalaro ko at naglalaro kami ng bahay-bahayan.

"Ano yun?" tanong nung mga kalaro ko. Hindi ako pwedeng magkamali, galing iyon sa loob ng bahay namin... Agad akong bumaba at napatakbo...

"OY! San ka pupunta? Di pa tayo tapos maglaro ah!" sigaw nila sa'kin, pero hindi ko sila pinansin. Ang mahalaga ngayon makumpirma ko kung sa loob ba talaga nanggaling ang putok ng baril na 'yon.

"PARANG-AWA MO NA!" narinig kong sigaw ni mama, napahinto ako. Natatakot ako, ayokong pumasok... Minabuti kong sumilip nalang muna...

Nakita ko ang dalawang lalaki, mga nakatlikod sila sakin kaya di ko makita ang mukha nila. Yung isa nakasuot ng leather jacket... Yung isa naka-tshirt lang na itim. Pareho silang may mga dalang baril... Pulis ba ang mga ito? Hinawakan nung isang lalaking naka-jacket  si Papa sa kwelyo...

Mahigpit akong napakapit sa door knob ng pintuan namin... Si Papa... Duguan ang mukha... Binugbog si Papa ng dalawang lalaking iyon...


"Ilabas mo ang tapang mo Lando! Asan na ang pinagmamalaki mo? Ha?" *boogsh!* sinuntok si Papa sa tiyan nung humigit sa kanya sa kwelyo... Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko... Gusto kong pumasok, at  pigilan ang mga ito. Pero isa lamang akong hamak na sampung taong gulang na bata. Anong magagawa ko?


"M-mga duwag! Bakit pati pamilya ko dinadamay niyo! Ako lang dapat diba? Away to sa  pagitan ng dalawang grupo!" pilit na salita ni Papa.


"Hahahahaha! Pakshet kasi Lando, bawas bawasan mo kasi minsan yang kayabanggan mo! Nakakairita!" itinulak niya si Papa kung saan naroon si Mama. Si mama... umiiyak siya ng sobra... gusto kong lapitan si Mama...


"Maawa na kayo! Tama na please!" pakiusap ni mama


"Tang-ina, masyadong madada ang asawa mo!" tinalian nila ng panyo ang bibig ni mama



"Asan na nga pala ang unica hija mo? Maisama nga sa palabas na 'to..." napaatras ako sa sinabi nung lalaking naka-jacket. Papatayin ba nila kami? Di ko maintindihan! Pero sa nakikita ko, itong naka-jacket na lalaki ang galit na galit kay Papa...


"W-wag na wag niyong magalaw-galaw ang a-anak ko!"


"HAHAHA! Maghihiganti lang naman kami. Gago Lando, napatay mo ang pinuno namin! Malaking kabayaran dapat ang singilin!" ikinasa na niya yung baril niya,

The Double Personality GangsterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang