TDPG - 15

50.6K 706 43
                                    

Chapter 15

See Lharby on the side. *U* May binubulong siya diyan. =))))

NOTE: Oy ah, nag-update ako, regalo ko senyo. *U* Regaluhan niyo din ako, comments. Mehehehe! ^__^

*****

(Lauren's Point of View)

Nagising ako sa pagtunog ng cellphone ko, may tumatawag. Nakatulugan ko na pala ang sobrang pag-iisip. Sasagutin ko na sana pero biglang tumigil sa pag-ring.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag, si Lharby. 20 missed calls na ito. Inayos ko ang mga laman ng kahon na kinuha ko kanina at isinilid ulit sa ilalim ng kama ko.

Nag-ring ulit ang cellphone ko at sinagot ko na ito.

“Hello?”

(Sa wakas baby girl, sinagot mo din. Papunta na sana ako diyan e. Akala ko, kung napa’no ka na diyan.)

 

Natawa naman ako. Halatang-halata sa boses niya ang pag-aalala.

Pero naalala ko bigla...

Ang pumatay sa magulang ko ay miyembro ng TGS. Kung saan kabilang si Lharby. Kaya sa simula palang ayoko na sa grupo niya, ayoko na sa isang tulad niyang gangster. Sa pagtagal ng panahon naming magkasama, nakalimot ako na ang grupo niya ang dahilan ng lahat...

(Baby girl?) nagitla ako. Hindi na pala ako nakasagot.

“A-ano ka ba, okay lang ako. Hehe. Bakit ka tumawag?” pinilit ko nalang tumawa para hindi siya makahalata.

(Wala naman. Miss na kita..)

 

“Ahhh... S-salamat.”

 

(May problema ba?) gusto kong itanong sa kanya kung sino sa seniors ng grupo nila ang pumatay sa mga magulang ko. Pero kaya niya kayang ilaglag ang sarili niyang miyembro?

“W-wala. Kagigising ko lang kasi e...”

 

(Ganun ba? Oo nga pala, dumating na sila mama at papa. Gusto kitang ipakilala.) ang mga magulang niya, nakwento na niya ito sa’kin. Pulis ang kanyang ama pero nangibang-bansa. Ganun din ang kanyang ina.

“Nakakahiya naman... Gusto mo talaga akong ipakilala?” e kasi naman. First time lang na may lalaking nag-alok sa’kin na ipapakilala niya ako sa parents niya.

(Oo. Ikaw ang kauna-unahang babaeng ipapakilala ko sa kanila. Paniguradong matutuwa yung mga yun.)

“Sige... Ikaw bahala.”

The Double Personality GangsterWhere stories live. Discover now