TDPG - 24

43.5K 602 67
                                    

Chapter 24

 

NOTE: Click the external link for the teaser video of UNCHAINED MYSTERY OF THE GANGSTERS (UMG) starring (naks! Lakas maka-starring no? XP) TOP, GD & DAE. Mehehehe~ May story din sila no. Lahat ng BigBang. *O* Abangan niyo after nitong TDPG ^___^ Thankies readers/friends! =))))))))))))))))))))))

*****

(Lauren’s Point of View)

Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta kaya dito nalang ako nagpunta sa puntod nila mommy. Nakaupo ako habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

“My... Dy.... Nakita ko na siya...” lalong tumulo ang mga luha ko ng maalala ko kung sino si Senyor.

“Matagal ko na palang kasama ang anak niya... Pero hindi ko iyon nalaman... Nasasaktan na ko ng sobra mommy, daddy. Kunin niyo nalang ako dito...”

“ANG TANGA KO! ANG TANGA TANGA KO!!! BAKIT HINDI KO AGAD NAITANONG SA KANYA YUN? ANG TATAY NIYA ANG PUMATAY SA INYO!” sinasaktan ko ang sarili ko pero hindi ako masaktan, mas masakit ang nararamdaman ko ngayon!

“Naiinis ako sobra sa sarli ko dahil hindi ko kayang patayin ang taong pumatay sa inyo... Hindi ko po kaya... Dahil importante ang taong iyon sa taong mahal ko... Bakit ba hindi patas ang pagkakataon?”

 

“Mommy, daddy, tulungan niyo po akong magdesisyon... Hindi ko na alam ang dapat gawin.”

Kinuha ko ang baril, sa’kin ko kaya iputok ‘to para tapos na ang lahat? Pag sa taong iyon ko ito pinutok, paniguradong masasaktan ng sobra ang taong importante sa’kin.

Itinutok ko sa dibdib ko ang baril... Sana tama ang magiging desisyon kong ito...

*BANG!*

 

 

 

 

Sa taas ko naiputok ang baril... May pumigil sa’kin... Itinapon niya ang baril sa malayo...

Niyakap niya ako... Umiiyak siya...

“Beks...” sabi niya, nanginig ako.

“Alam ko na ang lahat...” dagdag niya pa.

Si beks... Alam na niya ang lahat. Alam na niya...


The Double Personality GangsterWhere stories live. Discover now