TDPG - 7

65.9K 935 31
                                    

Chapter 7

See Lharby on the side. Oh my gosh! I'm so gonna die! *__* Bakit kahit tulog ang pogi?!?! =______=

NOTE: Sobrang sipag ko lang mag-update. *U* Haha! XD Dahil diyan comment naman kayo. X)

*****

"Tao po! Tao po!" katok ni Lharby sa boarding house ni Lauren

Pinagbuksan siya ng isang matandang babae, ito ata ang landlady. May tungkod itong hawak at nakasalamin.

"Anong kailangan mo iho?"


"Hi po, si Denise po sana. Andiyan po ba siya?"


"Walang Denise dito iho... Baka nagkamali ka ng pinuntahan." nagtaka si Lharby, hindi siya pwedeng magkamali dahil dito niya inihatid noon si Denise nung nag-'date' sila.

Bigla niyang nalala na hindi nga pala Denise ang tawag sa kanya, "Ahh... Si Lauren po yung tinutukoy kong Denise.."

"Yung magandang batang iyon? Ay hindi ko alam kung nandito siya.. Sa tingin ko hindi iyon pumasok sa eskwelahan, dumadaan kasi iyon sa kwarto ko bago pumasok para magpaalam na papasok na siya. Sobrang lambing ng batang iyon kahit 'di niya ako nanay."


Napangiti si Lharby sa sinabi ng matandang babae, "Ganun po ba?"

"Oo iho, kaano-ano mo ba siya?"

"Ahhhh..." hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot, hindi sila magkaklase, hindi rin naman sila magkaibigan...


"Boyfriend niya po ako."

"Harujusko! Kasintahan ka ni Renren?" tinignan niya si Lharby mula ulo hanggang paa

"Bakit naman po parang nagulat kayo?"

"Hindi niya kasi sa'kin nabanggit na may kasintahan na pala siya.. Pasok ka iho..." pinatuloy niya si Lharby sa boarding house, naglakad sila papunta sa kwarto ni Denise.


"Dito lang sa baba ang kwarto niya, katabi  ng kwarto ko. Kagabi narinig kong sumigaw siya, pinuntahan ko siya. Nananaginip na naman pala... Napanaginipan na naman niya iyon."

"Ang alin po?"

"Yung tungkol sa----"



The Double Personality GangsterWhere stories live. Discover now