Cold Lies In Baguio [Baguio S...

By dEmprexx

50K 1.3K 179

Baguio Entry #4 [Completed] Crystal Gem Herrera committed a biggest mistake that she'll regret for the rest o... More

Cold Lies In Baguio
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue
Ryden Jer Abillon
Notes

Chapter 30

1.3K 29 6
By dEmprexx

Hello, thank you for reaching this far. This is the last chapter of Cold Lies In Baguio! Thank you for keeping Crystal Gem's secret and for this chapter another lie will reveal. Hope you enjoy reading!  

Chapter 30 

Nandito kami ngayon sa Clark Airport kasama si Ryden, ayoko na sanang ihatid pa niya ako dahil alam kong maglala-Union pa sila ng pamilya niya. Pero nagpupumilit pa rin siya. 

I don't know if I called it lucky because he didn't know or hear anything about what happened in the burnham. But stories spread out in Baguio, the only difference is they didn't know my name. 

Or if I will feel guilty because I didn't say it to him yet. I'm really a coward, I don't want to lose him just because of my past and telling him the truth will separate us. Telling him the truth is him turning his back on me. 

Maliit lang ang Baguio kaya hindi ako magtataka kung makakarating iyon kay Ryden. Siguro ay nakarating man iyon sa kanya ngunit hindi niya ito nasabi sa akin dahil hindi rin nabanggit ang pangalan ko, ang weird din naman kung magiging chismoso bigla si Ryden. 

"Don't forget to update me whenever you have free time, okay?" I nodded. Para siyang magulang na naghahabilin sa anak. "And if you'll be busy, text me. Para hindi ako mag-alala kung bakit hindi ka nagrereply." 

"Opo," I teased him pero sumimangot lang siya kaya natawa ako sa reaksiyon niya. 

"I'm serious, Crystal Gem." May diin na sambit niya sa akin. 

"Oo naman tiyaka sa tingin mo ba magiging busy ako sa Albay? E wala namam akong nga naka schedule na lakad." Bahagyang nagbago ang expression niya dahil sa sinabi ko pero kaagad ko na siyang inunahan. "Don't be sorry, ayos lang naman ako." I assure him. 

Unti-unti ko na rin natatanggap na hindi lahat ng tao ay magugustuhan ako. Hindi lahat ng tao ay maiintindihan at tatanggapin ako. Siguro isa iyon sa mga kabayaran sa kasalanan na ginawa ko, ang talikuran ng mga taong minsan kong kasamang sumulat sa buhay ko. 

"Sige na, mauna ako. Mag-ingat ka sa pagdrive." Pagpapaalala ko sa kanya. He nodded before he gave me a smack kiss on the lips. I immediately smile. 

"Take care. Don't forget to call me if you have a problem, okay?" I nodded. "I will miss you." 

"I will miss you too." 

"I love you." I chuckled. 

"I love you too." 

"See you next year," 

"See you in Baguio." 

Sa buong buwan ng Disyembre ay namalagi lang ako sa bahay o kaya ay sumasama minsan kay tita. Naging busy na rin si tita sa restaurant dahil nagkaroon ng isang opportunity sa restaurant, nagustuhan kasi ng isang businessman ang mga putahe kaya nagkaroon ng franchise sa ibang lugar dito sa Albay. 

Wala rin palya ang pagpapalitan namin ng mensahe ni Ryden. Madalas din kaming mag video call, mukhang nagkukulong siya sa Villa nila sa La Union kasama si Joaquin, napakilala niya kasi sa akin dahil pareho silang nasa cellphone ang focus at wala sa pagbabakasyon nila. Minsan ay nakikisali naman sila sa kanilang pinsan. 

Nasabi rin sa akin ni tita na nag-iipon siya para sa isang bahay, hindi ko alam kung bibili ba siya ng bagong bahay at lupa o ipapa renovate lang itong bahay. Hindi niya masyadong nasabi sa akin ang bagay na iyon. 

"Happy new year, apo." Sabay yakap sa akin ni lola kaya niyakap ko rin siya pabalik at binati. 

Kami-kami lang nina tita ang nagcelebrate rito sa bahay, hindi sinasabi sa akin ni tita ang dahilan kung bakit hindi namin kasama ang mga kamag-anak namin na magcelebrate kagaya nang nakagisnan. Pero alam ko na kung bakit hindi kami sumama, alam kong napansin ni tita na wala akong masyadong kausap sa mga kamag-anak namin noong nakaraang taon. 

Pero ayos lang na kami-kami lang din dahil namiss na rin namin ang isa't-isa. Kasama rin namin nagcelebrate sa bahay si tito Jude. Mukhang dalawang taon pa ang hihintayin niya bago niya makuha ang matamis na oo ni tita dahil dalawang taon pa ako sa kolehiyo. 

Sinundo ako ni Ryden nang makabalik ako sa ibang parte ng Luzon, sa Clark Airport. Masaya kong binigay sa kanya ang pasalubong habang nasa kotse kami. 

"Hindi ka ba pagod?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya, puwede naman kasi akong magbus at sa terminal sa Baguio na lang kami magkita. 

"I will get tired if I won't see you." Seryoso ang tingin niya sa daan habang sinasabi niya iyon. 

Sabagay, ngayon lang kami magkakasama dahil kapag may pasok na ay pareho kaming busy. Madalas ay hindi kami nag-uusap pero naka video call ang cellphone namin, pareho naming focus ang pag-aaral. Lalo na ako, kailangan kong makapagtapos para kina lola at para hindi nakakahiya kay mamita. Samantalang si Ryden ay kasama sa dean's lister ng department nila kaya ayaw niya rin itong mabitawan, strikto kasi ang lolo niya.

Sa buong biyahe ay sinikap kong gising kahit na pinapatulog niya ako, sigurado raw siya na napagod ako sa biyahe. Pero ang unfair non sa kanya dahil alam kong pagod din siya sa pagcecelebrate ng new year kasama ang mga pinsan niya. Baka mabored siya sa biyahe dahil wala siyang kausap, de bale at nakatulog naman ako kanina sa eroplano. 

Kagaya ng inaasahan, pagsapit ng pasukan ay pareho kaming naging busy. Kahit magkalapit lang ang apartment na tinitirhan ko at ang bahay nila ay t'wing weekend lang kami lagi nagkikita. Alam namin kung paano pagbalansehin ang relasyon namin at ang relasyon namin. 

Mabilis ang paglipas ng araw dahil halos sa school na umiikot ang buhay naming dalawa. Gusto ko ulit makasama sa dean's lister kaya ginagawa ko ang makakaya ko. Kahit maka graduate lang ako ng cum laude para sa gayon ay sulit lahat ng pagod nina lola at tita sa akin. 

"Where do you want to go on our first anniversary?" He asked while we're watching a movie in their house. Kasama rin namin si Jelay na ngayon ay naglalaro sa iPad niya ang bata. Nasa sala lang kaming tatlo. 

Wala raw si Fab dahil nag-sleep over siya sa kaibigan niya samantalang si Maeve ay naglilibot din. Pansin ko lang na gala ang dalawang babae at hindi namamalagi sa bahay. 

Oo nga pala, sa July na ang anniversary namin. April pa lang ngayon at wala kaming pasok dahil holy week pero nagtatanong na kaagad siya kung saan. 

"Sa Baguio?" Patanong na sagot ko sa kanya. "Hindi pa kasi ako nakakalibot sa Baguio. Burnham pa lang yata ang napupuntahan ko." Kibit-balikat na sagot ko, dahil nga sa school na umiikot ang buhay namin ay hindi na ako nakakapaglibot. 

Minsan ay niyaya ako ni Jov na ipapasyal niya raw ako sa Baguio para makapasyal naman ako kahit papano pero tinatanggihan ko siya dahil mas gusto ko pang mag advance reading. 

Si Harris ay madalang sa madalang ko pa siyang makita, hindi na rin siya masyadong nagmemessage sa akin. Bigla ko tuloy siyang namiss, hindi ko alam kung anong problema niya maybe I will text him later. 

"Baguio?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ryden. Natawa ako, siguro siya ay alam na niya ang kasuluksulukan ng Baguio pero ako hindi pa. 

Nakakalito pa nga rito sa Baguio dahil nagugulat na lang ako sa isang street na ako lumalabas kapag nasa town ako. 

"Yup. Para hindi na rin masyadong hassle." Pagdadahilan ko, pero ang totoo kaya gusto ko rin sa Baguio ay dahil dito kami nagkakilala. 

"Are you sure?" Paninigurado niya kaagad akong tumango, ayaw ko rin siyang mapagod sa kaka-drive. 

"Basta kasama kita, kahit saan ayos na ako." Bahagyang napaawang ang labi niya sa sinabi ko pero kaagad din siyang nakabawi at hinalikan ang noo ko. 

"Wow! Ang ganda pala rito sa Botanical Garden!" Saad ko sa kanya habang nakatingin sa paligid. 

Kanina pa kami nag-iikot ikot sa Baguio at dito sa Botanical Garden ang last spot namin. Nakauwi ako sa Albay noong June pero bumalik din kaagad ako ngayong July para magkasa namin i-celebrate ang anniversary namin. Hindi rin nakapasyal sa Albay si Ryden dahil may short term sila, hindi niya kakayanin na gawin ang ginawa niya noon dahil malapit na siyang mag graduate. 

Naupo muna kami sa isang bench, tanaw rin dito ang Japanese Garden at ang Chinese. 

"Are you happy?" Tanong ni Ryden sa akin. We created so much memories to treasure today. Thanks God that we are born in today's generation kung saan hindi mahirap ang pagkuha ng pictures. 

"Of course, I am!" Sambit ko habang tinitingnan pa ang picture naming dalawa. 

"Good to hear that." He said. Kinuha ko ang cellphone ko para ipasa ang mga pictures namin, sa cellphone niya kasi kami nagpicture dahil mas maganda ang quality. 

"Crystal," pagtawag niya sa akin. Bahagya pa akong nagulat sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Hindi niya ako masyadong tinatawag sa pangalan ko kaya nakakapagtaka na ngayon ay tinawag niya ako sa pangalan ko. 

"Bakit? May problema ba?" I asked him with so much curiousity. Kita ko na bahagya pa siyang nag-alangan pero sa huli ay sinabi niya rin sa akin ang gusto niyang sabihin. 

"It's been a year," He said. Tumango ako, isang taon na nga. Ang bilis ng panahon. "We've been together for one year." Naramdaman ko ang kaba sa kaloob-looban ko kung saan mapupunta ang usapan na ito. 

"And yet you didn't tell me about your past." Sa pagkakataong ito ay natigilan na ako. Akala ko ba ayos lang sa kanya? "But just like what I said, it's okay." Agad na agap niya. 

"Why are you telling me that right now?" I asked him with confusion, hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating. 

"I just wanted to say that, if you're not going to tell me about your past," he paused and it makes me scared. "Can we forget about it? Can you move on from it?  Can you please believe that you deserve happiness even if you've done bad?" 

Namuo ang luha ko sa sinabi niya. 

"I know it's not easy to forget but can you please forgive yourself? Can you please look at yourself the way I look at you? Do not look at yourself with so much disgust." Hirap niyang sinambit ang huling salitang sinabi niya. 

"This is why I'm scared to say yes," I whispered. Napayuko ako dahil hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya. "It's like you're tolerating and justifying what I've done." 

"Damn it!" Malutong na mura niya niya. "I'm not tolerating nor justifying your action back then. Do not let yourself be miserable everyday." 

"Mistakes is part of our life. Maybe our decision were wrong in the past but we can't do anything about it. All we can do is to ask forgiveness to the person we hurt and to forgive ourselves." Tumango ako sa sinabi niya dahil kahit papano ay hindi ko maipagkakailang may punto siya. "

"I know it's not easy; it's a process. And the process is called moving on, striving hard to become a better version of yourself." He cupped my cheeks and wiped my tears. "I'm here okay? I'm always here. I'll join you with the process." He said and enveloped me with his arms. 

Alas siyete na akong nakauwi sa apartment, nagpaalam na rin ako sa kanya nung hinatid niya ako. Naghilamos na ako tiyaka nagbihis. Kinuha ko ang bag ko para kunin ang cellphone ko pero kumunot ang noo ko nang makita ang cellphone ni Ryden, napasinghap ako ng ma-realize na naiwan niya. 

Kinuha ko ang isang hoodie para makalabas. Dahil baka may mga importante siyang matanggap na message o tawag ngayong gabi. Malapit lang din naman ang subdivision nila kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumabas. 

Napayakap ako sa sarili dahil biglang umihip ang malakas na hangin, kahit na naka hoodie ako ay ramdam ko pa rin ang lamig ng Baguio. Mabuti na lang at kakilala na ako ng guard kaya pinapasok na rin ako. 

Nag doorbell ako sa bahay nila, si Manang ang lumabas tiyaka malawak na ngumiti sa akin pero baka sa kanya ang pag-aalala. 

"Anong sadya mo, iha? Gabi na? Halika't pumasok at baka lamigin ka." Napangiti ako kay manang pagkatapos ay sumunod ako sa kanya sa loob. 

"Naiwan po kasi ni Ryden ang cellphone niya, babalik ko lang po." Sagot ko sa kanya nang nasa sala na kami. 

"Nako, tawagan ko muna siya sa taas at maupo ka muna riyan. Nag-away pa naman sila ng kapatid niya." Umiiling na sambit ni manang kaya kaagad na kumunot ang noo ko. Hindi ko na nakuha pang magtanong kay manang dahil mabilis siyang umakyat sa taas. 

Kapatid? Sa pagkakaalam ko walang kapatid si Ryden at namatay ang ina niya sa panganganak sa kanya, diba? At sa isang taon naming pagsasama, wala siyang nabanggit na may kapatid siya. 

Napatingin ako sa hagdan may naramdaman akong bumaba pero parang nanuyo ang lalamunan ko sa taong nakikita ko pababa. 

"What are you doing here?!" Sigaw ni Richelle habang pababa at bakas sa mga mata niya na galing siya sa pag-iyak at ang galit. 

"Ri-richelle." Naguguluhan na tawag ko sa pangalan niya, nilagay ko sa center table ang cellphone ni Ryden at tumayo. 

"Anong ginagawa mo rito?!" Pag-uulit niya sa tanong niya kanina.

"I-ikaw?" Kinakabahan na tanong ko. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Kaibigan niya ba sina Maeve? Pero malabo dahil malayo ang Legazpi sa Baguio kaya paanong nandito siya? 

"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw niya sa akin. Naguguluhan ako sa nangyayari kung bakit nandito siya ngayon sa harap ko gayong iniiwasan kong magtagpo ang landas namin at kung paanong nandito siya sa bahay na ito.

Nakatayo lang ako, nakaharap sa kanya ng naguguluhan. Samantalang hindi na siya humakbang pa at nasa dulo na siya ng hagdan habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. 

"Richelle!" Parang kulog ang boses ni Ryden. Napatingin kaming pareho kay Ryden na nagmamadaling bumaba sa hagdan, basa pa ang buhok niya na mukhang kakagaling lang siya sa shower.

Kaagad na hinawakan ni Ryden ang braso ni Richelle kaya hindi ko maiwasan na mapako roon ang paningin ko. 

"What the hell?" Mahina pero may diin na wika ni Ryden habang nakatingin kay Richelle. 

"Bakit? Anong ginagawa ng babaeng iyan dito kuya?!" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya, kung anong tawag niya kay Ryden. 

Ibig bang sabihin nito siya ang kapatid na sinasabi ni manang kanina? At siya ang sinasabi sa akin ni Richelle na step brother niya, kailanman ay hindi ko siya nakita sa bahay nina Richelle. 

"Wh-what?" Halos bulong na lang katanungan na iyon pero narinig pa rin nila. 

Binitawan ni Ryden ang braso ni Richelle at akmang lalapit sa akin pero umatras ako. Napapikit si Ryden habang hinawakan ang noo niya, tila pinapakalma ang sarili bago nagmulat ng mata. 

"Ah?" Tumawa si Richelle na tila nasisiyahan dahil hindi ko alam ang parte na iyon. "Hindi mo ba alam na kapatid niya ako? Diba sinabi ko naman sa'yo noon na may kapatid ako kay daddy?" Natatawang sambit ni Richelle pero bakas pa rin ang galit sa mga mata niya. 

"Richelle, please." Pakiusap ni Ryden kay Richelle—sa kapatid niya.

"Oh alam mo na siya ang kapatid ko at hindi ka pa nakuntento sa daddy namin?" Patuyang tanong niya. 

"Richelle!!" Pagpigil ni Ryden sa kanya. Samantalang hindi ako makagalaw dahil sa nalaman ko. 

"Did you fall in love with my brother, Gem? Huh?" Natatawang tanong niya. "Get your shit! He never been in love with you! To be honest, he knew from the start who you are." 

Halos hindi ako makahinga dahil sa sinabi ni Richelle. Unti-unting namuo ang luha ko kasabay ng pagkirot ng puso ko. Hindi ko na napigilan ang pagluha ko, binaling ko ang tingin ko kay Ryden na ngayon ay nagsusumamo ang itsura niya. 

"Tell him, kuya! You planned it all! That you will make her fall for revenge!" Tinuro pa ako ni Richelle. 

Napahawak ako sa aking bibig dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Walang sawang tumutulo amg mga luha ko dahil ang sakit.. ang sakit-sakit. 

"I-it is true?" Basag ang boses ko habang tinatanong ko sa kanya iyon. 

"Baby, please. Let me explai," I cut his word. 

"Yes or No, Ryden. Did yo-you planned it all?" Akala ko ay hindi na mababasag ang boses ko pero nagkamali ako dahil halos humagulgol na ako sa harapan niya. 

"Yes," nanlambot ang tuhod ko dahil sa sinagot niya. I expect him to deny it but he didn't. 

I silently pray that he's lying! But he is not! 

Kaya pala. Kaya pala ayos lang sa kanya na hindi ko sabihin ang kasalanan na ginawa ko dahil alam na niya. Dahil anak din pala siya, kapatid siya. 

Akala ko mahal niya ako, akala ko tanggap niya na ako. Akala ko siya na, pero akala ko lang pala ang lahat. Dahil planado pala ang lahat ng ito.

Nakakabinging tawa ang pinakawalan ni Richelle na tila nasisiyahan na nakikita akong nadudurog. Dahil durog na durog na ako ngayon, yung lalaking mahal ko hindi ako mahal sa halip at pinlano niyang saktan ako dahil nasaktan ko ang kapatid niya. 

"Akala mo ba mamahalin ka? Hindi! Hindi ka naman kamahal-mahal! At sinong tangang magmamahal sa isang kabit?! Nakakadiri ka!" Sigaw ni Richelle sa akin, kaagad bumaling ang tingin ni Ryden sa kanya na nakayukom ang kamao. 

"Richelle, stop it!" Sigaw nito sa kapatid. 

"What the hell is going on? You're too loud! What the fuck?" Gulat na tanong ni Maeve habang pababa sa hagdan at nahinto nang makita ang eksena namin. 

Kaya pala hindi siya nag-abalang ipakilala ako sa mga pinsan niya dahil hindi naman pala siya seryoso sa akin. 

"Why? Totoo naman na kabit iyang babaeng iyan! Tama na ang pag-ilusyon na  may tatanggap pa sayong lalaki pagkatapos kang pagsawaan ni daddy!" 

"Richelle, I said stop!!!" Halos maputol ang ugat ni Ryden dahil sa sigaw niya. Lumipat sa akin ang tingin niya, mula sa nagbabagang mata ay biglang natunaw ang apoy nang tumama ang maga niya sa akin. 

"Baby, let me explain." Sinibukan niya ulit lumapit sa akin pero umiling ako, humakbang paatras habang pinupunasan ang mga luha ko. 

"Masaya ba?" Tanong ko sa kanya. "Masaya ba na paglaruan ang damdamin ko?" Nanlalambot na tanong ko sa kanya.

"Baby, let's talk. Let me explain, please." Nagmamakaawang sambit niya sa akin pero kaagad akong umiling. Tama na ang pagpapapakatanga ng isang beses. 

"Sana pinatay mo na lang ako." Umiiyak na wika ko sa kanya dahil ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. 

"Baby, please." Pagod na sambit niya.

"You did a very good job, Ryden." Ngumiti ako pagkatapos ay pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "I fell for you, really. I'm in love with you yet you broke me. Congratulations!" Tumawa ako pero mukha lang akong baliw.

Ang sakit. Tang ina. Ganto pala kasakit na pagtaksilan ka, ngayon alam ko na kung bakit ganito nalang ang galit sa akin ni Richelle. 

"Nagmukha akong tanga, paniwalang-paniwala sa tang inang pag-ibig mo." Hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko. "Nagpaniwala sa pag-ibig mo na ilusyon lang pala." He again tried to walk to me but I immediately gesture my hand to stop him. 

"Huwag kang lalapit, please." Pagmamakaawa ko sa kanya. "Maraming salamat sa isang taon, at least, naramdaman ko ang peke mong pagmamahal." 

"Congrats again, you're so good faking your emotion. Let's end it here." Kaagad siyang umiling sa sinabi ko. 

Paano niya nagawang pekein ang emosyon niya? Paano niya nagawang magmukha itong totoo at maramdaman ko ito? Paano niya nagawa iyon? Ganon na ba siya ka desperado na masaktan ako kaya masyado niyang ginalingan? 

"Richelle, I'm really sorry. I hope nabayaran ko na kahit papaano yung sakit na binigay ko sa inyo." Dahil ang sakit, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. I can't imagine their pain. 

"Thank you for one year. Let's not cross our paths again." I said then I walked away. 

Naramdaman ko ang pagsunod sana niya ang kaso lang ay tinawag siya ni Richelle. Kinuha ko iyon na pagkakataon para tumakbo palabas ng subdivision habang umiiyak. 

Hindi ko inantala ang lamig, patuloy lang ako sa paghagulgol, nanginginig kong kinuha ang cellphone ko sa hoodie ko. I dialed his number, hindi ako nagkamali ng tinawagan dahil kaagad niya iyong sinagot. 

"Harris..."

Continue Reading

You'll Also Like

61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
1.9M 87.7K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
380K 11K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
5.1K 296 76
an epistolary ; caraehr and chino