Moonlight Throne (Gazellian S...

By VentreCanard

3.2M 272K 102K

Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world... More

Moonlight Throne
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 20

62.6K 5K 864
By VentreCanard

Chapter 20

Paglabas

-- REYNA -- 

Patuloy ang pagbuhos ng manipis na sinulid ng buhangin, kasabay ng pagsiklab ng liwanag mula sa maliit na lamparang siyang nakapatong sa gitna ng lamesa. Mas nabigyan nito ng buhay ang bawat tinta ng mga lumang papel na siyang nakalatag at nagsusumigaw ng mga kaalamang siyang maaari naming magamit sa susunod na mga oras.

Naglandas ang maliit na butil ng pawis sa aking mukha habang patuloy kong nararamdaman ang tindi ng kanilang mga matang nakaabang sa mga salitang sasabihin ko.

Nasanay akong madalas nakikinig sa bawat laban, desisyon at paglalakbay. Ang mga suhestiyon nina Hua at Nikos ay kailanman ay hindi ako binigo, si Rosh na siyang nagsilbing pinuno ng paglalakbay ay hindi rin ako hinayaang makaramdam ng pangamba at kung sa tuwing magkakaroon naman ng pagkakataong kasama ko naman ang mga babae sa palasyo, laging nangunguna sina Lily, Claret at Kalla. Nagkaroon man ako ng pagkakataong ako mismo at ang mga salita ko ang siyang mangunguna sa lahat, nasisiguro kong may mga nilalang na nakabay sa akin.

Ngunit sa sandaling ito... naririto man sa likuran ko ang pinakamatatalinong Gazellian at ang aking hari, alam kong ako ang siyang pinakainaasahan nila.

Ako ang siyang dapat may lubos na nalalaman tungkol sa mga kalahi ko... sa mga diyosang pinagmulan ko. Sa kasaysayang sinubukang baguhin ng mundong inakala kong nabubuo ng kabutihan.

Kumuyom ang mga kamay ko at muling huminga ng malalim. Hindi ko akalain na darating ako sa panahong kakalabanin ang lahi o ang mundong iniingat-ingatan ko.

Hindi ko aakalain na ako mismo ang siyang mangungunang sirain at pabagsakin ang lugar na inakala kong isang Paraiso.

Isa-isa kong sinalubong ang mga mata ng magkakapatid.

"Nasisiguro kong ang haring sinasabi ni Casper ay ipinadala rin ng mga diyosa nang sandaling malaman nilang naririto kayo—tayo." Panimula ko.

"At isa lang ang ibig sabihin niyon..." sinadya kong bitinin ang mga salita.

Suminghap si Finn.

"Y-You mean... hindi nila tayo..."

Tumango ako sa kanya. "Sa kung anumang rason, hindi nila kayo magagawang labanan ng harapan. Siguro ay may limitasyon o kung anumang pumipigil sa kanila para harapin o gawin ang gusto nila para hadlangan tayo kaya kumuha sila ng nilalang mula sa pareho nating panahon..." pagpapatuloy ko.

Si Dastan ay humakbang na papalapit sa akin at nanatiling tahimik sa tabi ko. Hinayaan niya akong malalim na makipag-usap sa mga kapatid niya.

"Then, it's gonna be easy. Kung iyong hari lang—" umiling ako sa dapat sasabihin ni Finn.

"Ngunit wala sa isip ko ang saktan ang haring magiging kalaban natin. Biktima rin siya at nasisiguro kong sarado ang isip niya dahil sa walang katapusang kasinungalingang iminulat sa kanya. Lalo na't madaling masisisi sa akin ang lahat dahil ako ang siyang nagdesisyon at pumili ng emperyong maglalaho..."

"Hindi mo nga sila nais saktan ngunit sa 'yo na rin nanggaling na ang tindi ng poot nila'y hindi na matutumbasan dahil sa mga nakaraang desisyon mo. Oo, noon ay nagpakita ang isa sa kanila ng interes sa 'yo na sa halip na galit... ngunit nang masaksihan nila ang tindi ng koneksyon n'yo ni Dastan, nawalan na sila ng dahilan upang magdalawang-isip saktan ka Leticia. How can we possibly win this battle? Kung ang nasa isip natin ay tulungan sila at sila nama'y nais tayong kitilin? We all know that after this mission, we will face a huge war. Pagkitil ang siyang nagsusumigaw sa kanila..." nakukuha ko ang punto ni Lily.

"What are you trying to say Lily is..." kahit si Evan ay nag-aalangang tapusin ang kanyang sasabihin.

"We move with the same remedy?" tanong ni Casper.

"What else? Paano kung unahan tayo? What if we give them chance at sa huli ay traydurin din tayo? Try to put yourself into their shoes... they were feed with lies for hundreds of years... at nang sandaling makakita sila ng liwanag at inaakala nilang kalayaan, hindi tayo ang nasa kanilang mga mata kundi ang mga diyosa. Sarado na ang isipan nila. Paano natin sila ilalaban?"

"Isusuko mo sila, Lily? Isusuko mo ang mundong sinubukang ilaban ng iyong ama?"

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas sagutin sa paraang iyon si Lily. Siya ang isa sa pinakamatalinong bampirang nakilala ko at alam kong ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay may basehan at matinding pinag-isipan, may punto ang lahat ng sinabi niya at talagang maaari iyong mangyari sa amin, ngunit sino pa ang lalaban para sa mga bikitimang mundo? Hindi ba't kami na lamang nakakaalam ng katotohanan?

Umawang ang bibig niya at akma siyang magsasalita nang itikom niya muli ito. Maging ang natitirang Gazellian ay hindi na rin nakapagsalita, dahil alam kong iisa na rin ang mga nasa isip namin.

Sobrang dami na naming problema at kung iisipin pa namin ang kapakanan ng dalawang emperyong gumagalaw laban sa amin, halos parang imposible nang makausad ang misyon naming ito.

Sumulyap si Lily kay Dastan. Tipid lamang tumikhim ang aking hari at saglit na sumulyap sa akin.

"Leticia will decide the plan this time."

"Of course. Handa akong sundin ang kagustuhan ni Leticia, ng aking susunod na reyna, ngunit... natatakot din ako... kami. Dahil sa kabila ng banta nila sa buhay n'yong dalawa, nagagawa n'yo pa rin isipin ang kapakanan nila..."

Tipid akong ngumiti kay Lily.

"Kung hindi ako? Sino? Ang mata at kamay ng isang reyna'y kailanman ay hindi maaaring pumili... para ako sa lahat. Para kami sa lahat ni Dastan..."

Nang sabihin ko iyon sabay-sabay muling yumuko ang mga magkakapatid na may nagniningas na mga mata. Sapat na ang mga salitang iyon para hindi na muli sumubok si Lily na ipakita ang pagtutol niya. Bagaman alam ko naman na nag-aalala lamang siya sa amin ni Dastan, ngunit dapat kong ipaalala sa kanila na hindi lang kapakanan namin ni Dastan ang mahalaga sa mga oras na ito.

Hinayaan ko munang ipaliwanag ni Casper ang kabuuan ng pagdiriwang ayun sa kanyang nakalap. Dahil hindi na magiging mahirap sa akin ang pagpasok sa palasyo, mas binigyan ko ng pansin ang gagawin ng magkakapatid.

Mananatili pa rin silang mga tagapagtanghal upang maging madali sa kanila ang pagpasok. Dapat ay si Dastan ang siyang magbibigay ng bawat trono na siyang babantayan ng kanyang mga kapatid, ngunit lahat sila'y umaasang mas makabubuting ako ang gagawa niyon.

Sa sandaling magsimula na ang pagdiriwang, nasisiguro kong hindi lang si Diyosa Eda ang nasa ibaba ng lupa, dahil may mga diyosa nang nakababa upang isagawa ang unti-unti nilang plano.

Hindi pa man tuluyang malinaw sa amin ang mensaheng nais iparating sa amin ni Haring Thaddeus at ang totoong dahilan niya kung bakit ipinadala niya kami rito, hindi namin sasayangin ang oportunidad.

"We can't kill or fight, right? We will just investigate?" muling tanong ni Finn. Nahihimigan ko ang pag-aalinlangan sa kanya. Kahit ako ay nakakaramdam din ng ganito.

Paano kung nasa mismong harapan na namin ang masalimuot na nakaraan? Paano kung sa isang galaw na lang ay makatutulong na kami? Paano kung hindi namin kayanin na muling masaksihan ang sakit na hindi na manggagaling sa mga aklat, kwento... kundi sa mismong aming mga mata.

"Hahatiin ko na ang pitong trono na siyang dapat n'yong bantayan..." ramdam ko ang biglang pagbaba ng temperature nang sabihin ko iyon.

"Just allow me to—" hindi man tapusin ni Dastan ang sasabihin niya, nakikilala ko na ang nais niyang lubos na bigyan ng pansin sa oras na ito. Tumango ako sa kanya.

"Ikaw na ang bahala kay Haring Andronicus, Dastan."

Hindi na nagulat ang magkakapatid nang sabihin ko iyon. "Ang puting lobo, si Elin Holennas..." sinalubong ko ang mga mata ni Lily.

Muli siyang yumuko sa akin. "Masusunod, aking reyna."

"Ang matalinong babaylan, Kalliste Tiathe..." si Evan naman ang siyang sinalubong ko. Tumango rin siya sa akin.

"Si Cathan Quazello at Mohid Godeo, ang mga namumuno sa kagubatan at dagat, ang matalik na magkaibigan na madalas laging magkasama sa pagdiriwang ay para sa 'yo naman, Finn." Yumuko rin siya katulad ng kanyang mga kapatid.

"Castiel Colossal, ang archangel. Ikaw ang inaasahan ko sa kanya Casper."

"Gagawin ko ang lahat, Leticia..." tipid akong ngumiti.

Katulad ni Dastan, pinili ko rin bantayan ang isa pa sa may pinakamalaking ambag sa kasaysayan ng Nemetio Spiran, ang demonyo. Filipus Vidarr.

Huminga akong muli ng malalim, alam ko sa sarili kong naibahagi ko nang maayos ang aming bawat responsibilidad.

"Nais kong magkaroon tayo ng koneksyong lahat nang sa ganoon ay magagawa nating makapag-usap sa ating isipan." Sinalubong kong muli ang mga mata ni Finn.

"Alright! I can do it."

Kung dati ay nag-aalangan pa ang magkakapatid sa tuwing gumagamit ng kapangyarihan si Finn, ngayon ay hindi na iyon gaanong kabigat, si Kalla na rin mismo ang nagsabi sa akin na ginagawa na ni Finn ang lahat ng pagsasanay upang hindi siya lamunin ng sarili niyang kapangyarihan.

Namayani muli ang saglit na katahimikan.

Alam kong naghihintay pa sila ng kasunod ng aking plano, hindi lang ito dapat pagbibigay ng nilalang na siyang dapat babantayan.

"Paano si Diyosa Eda? Makapangyarihan siya at maaaring malaman niyang hindi tayo mula sa panahong ito."

Nang sabihin iyon ni Finn, inilahad ko ang aking mga kamay at hinayaan ko iyong unti-unting magliwanag. Wala man ang pisikal kong katawan sa mundong ito, ang kapangyarihan ko'y nakagagawa ng paraan upang matulungan siya.

Siguro dahil ang Diyosa Eda sa panahong pinanggalingan namin ay binasbasan ako sa paglalakbay na ito... kaming dalawa ni Dastan.

"Itatago ko ang presensiya nating lahat." Sambit ko ng walang alinlangan.

Nang sabihin ko iyon, hindi man lang ako nakakita ng pangamba sa kanila. Saglit hinaplos ang dibdib ko dahil sa tiwalang ibinibigay nila sa akin.

Nang mas lumapit ako sa lamesa, kusang lumapit din ang magkakapatid sa akin. At sinimulan ko nang ilahad sa kanila ang lahat ng nasa isip ko. Noong una'y si Finn lang ang naririnig kong nagugulat at napapasinghap, ngunit nang tumagal nang halos kalahating oras ang pagsasalita ko, tila nakatulala na sila sa akin.

"Y-You planned all of those for a short period of time...?" napapailing na sabi ni Evan.

Tipid akong napangiti. Siguro ay ito na rin ang bunga ng paglalakbay ko kasama sina Rosh, Hua at Nikos. Mabilis na akong nakakaisip ng mga plano sa maiksing panahon.

"But we can't have just—" hindi na muli natapos ni Lily ang kanyang sasabihin at wala sa sarili siyang napatingin kay Finn.

"That's why you have me in this journey..." halos bulong na sabi ni Finn. "Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung bakit sa grupong ito ako napasama..."

"Because you have the purpose... maybe not in mind..." tipid na sabi ni Dastan na nagtanggal ng ngiti sa labi ni Finn.

"D-Dastan!"

Saglit napuno ng tawanan ang maliit na silid. "This is exciting... but fucking scary! Kinakabahan na 'ko..." saglit tinapik ni Evan ang kanyang dibdib.

"But this isn't the first time that we fight alone..." ani ni Lily.

"We always fight in spotlight... with noise, Lily. This time we're silent." Sabi ni Casper.

"And remember... this is only us. We're only six." Madiing sabi ni Dastan.

"No back-up." Mas pinaglinaw pa ni Casper.

"Walang maaaring pumalya sa isa sa atin, walang maaaring mapansin at mahuli. Those thrones are in our side... pero sa sandaling malaman nilang hindi tayo mula sa panahong ito, we're already their enemies." Ulit ni Dastan.

"We need to move cleanly." Dagdag ni Lily.

Halos marinig ko ang mabibigat na paghinga ng magkakapatid na Gazellian.

"This is the real start of the war."

Nang sabihin iyon ni Dastan, sunud-sunod nang nagtayuan ang kanyang mga kapatid.

Ang buhanging sinulid na siyang hudyat ng katapusan ng aming oras ay tuluyan nang napigtas at ang lamparang nakapatong sa lamesa'y kusa nang namatay, dahilan kung bakit ang buong silid ay nabalot ng matinding kadiliman.

At tanging limang pares na mga matang nagniningas ang nagliwanag, kasabay nang magbubukas ng pintuan at mga bintanang ihip ng malakas na hangin.

Mga yabag at ngayo'y mga aninong lumilisan mula sa malaking kadiliman ang gumagalaw. At nang sandaling tuluyang abutin ang hangganan ng pintuan...mga anino ng mga salamangkero ang lumabas mula sa maliit na panuluyang na hindi iilang mga mata ang saglit na natigilan.

Si Dastan ang siyang unang humakbang habang nakasuot ng pulang uniporme na nakapatong lamang sa kanyang mga balikat at ang natali niyang buhok sa dulo nito na saglit dinala ng hangin.

Si Lily na saglit hinawi ang buhok bago sumunod kay Dastan at sina Finn, Evan at Casper na kapwa nakapamulsa at taas noong sumunod rin sa mga kapatid.

Pawang nakaawang ang mga labi ng mga nilalang na napatitig sa magkakapatid, hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Sila ang magkakapatid na Gazellian.

At sila'y nagbabalik sa nakaraan...

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 240 22
❝ Na-seen ka na nga, itinuloy mo pa. ❞ • Buong buhay ni Andrei, nakontento siya sa pagtanaw sa crush niyang si Noah mula sa malayo. Mula first grade...
3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
256K 14K 11
This is pure fiction. Please don't make me repeat myself.
13.3M 640K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...