Today is the Day

By Dreamerearth

7.1K 364 38

"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: Au... More

N O T E
TITD00
TITD01
TITD02
TITD03
TITD04
TITD05
TITD06
TITD07
TITD08
TITD09
TITD10
TITD11
TITD12
TITD13
TITD14
TITD15
TITD16
TITD17
TITD18
TITD19
TITD20
TITD21
TITD22
TITD23
TITD24
TITD25
TITD26
TITD27
TITD28
TITD29
TITD30
TITD31
TITD32
TITD33
TITD34
TITD35
TITD36
TITD37
TITD38
TITD39
TITD40
TITD41
TITD42
TITD43
TITD44
TITD45
TITD46
TITD48
TITD49
TITD50
TITD51
TITD52
TITD53
TITD54
TITD55
TITD56
Wakas

TITD47

61 4 1
By Dreamerearth

NAKAUUBOS NANG LAKAS. Iyan ang nararamdaman ko buong araw matapos ang nangyari kahapon. Naalala ko, umiiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog ako sa bahay nila Chrsyler at inihatid niya ako ng alas-dies na ng gabi.

Parang may sariling paa ang balitang naganap kahapon sapagkat alam na nila mama at papa ang nangyari, ganoon din sa family ni Jazz. I approached Kuya Kier through sending him a text message to apologize for breaking his brother's heart. He only cheered me up and told me that it's okay.

Nag-iwan din ako ng message kay Jazz sa text at sa Facebook-sa lahat ng social media accounts niya kagabi, pero wala siyang reply n'on kahit nakita ko namang online. Dinampot ko ang phone ko at nagbukas ako ng sa instagram at wala siyang reply, kaya nag-log in ako sa facebook. Mas lalo akong sumimangot nang wala siyang reply.

Hindi ko matukoy kung naka-deactivate ang lahat ng account niya, o baka blocked ako. Pinindot ko ang pangalan ni Cathaleya dahil siya ang nakita kong online sa messenger. Gusto ko lang kumpirmahin kung alin nga ba sa dalawang hinala ko ang totoo.

"Hi, Cathaleya. May I ask you something?" chat ko sa kaniya.

Gumalaw ang tatlong dot kaya hinintay ko ang reply niya, kaysa sa mag-scroll sa newsfeed ko.

"Hi, Drishtelle. I miss you a lot. What it is?" she asked with a smiley face emoji.

Bihira na lang kami magkita kaya hindi ko alam kung kumusta siya. Puro halaman ang nakikita ko sa feed niya at nakakalimutan kong i-message siya kapag may time ako. Hindi siya puwedeng lumabas nang matagal dahil sa sakit niya. I hope she's doing well and overcome her challenges.

Walang patumpik-tumpik akong nag-type ng reply ko habang may maliit na ngiti sa labi dahil sa pagkakataong nakausap ko siya, pero nakakahiya dahil inutusan ko.

"Puwedeng pa-check mga social media accounts ni Jazz? Nag-deactivate ba siya sa lahat?" I massaged my temple while waiting for her response.

Nagdadasal ako sa isip ko na sana wala ako sa blocked list niya. Huminga ako nang malalim noong lumitaw ang chat head ni Cathaleya sa aking phone screen.

"I can't search his name. Deactivated lahat ng account niya kasi pati sa instagram, wala."

Bahagya akong nabunutan ng tinik, ngunit dismayado akong tumango. Maayos pa ang pag-uusap namin kahapon bago niya ako iwan. Imbes na iwan ang message niyang seen ay nag-reply ako, "Thank you and I miss you. Kapag may oras ako, dadaan ako sa inyo."

"You're welcome. Be strong, Drishtelle."

"Ikaw dapat ang maging strong," reply ko na may kasamang wink emoji.

May kumakalat na issue si Jade at hindi pa nabubusisi kung ano iyon, at isa pa, wala akong oras i-stalk dahil sasabihin naman sa akin ni Cathaleya kung hindi na niya kaya. She's a strong woman, by the way.

Bumalik ang pag-iisip ko kay Jazz. Bakit niya kailangang magpakalayo-layo? Akala ko ba sabay kaming magre-review para sa board exam namin. Pero ito, iniwan niya akong mag-isa. Hindi, mali. Ako pala ang gumawa nito kaya nagkaganito ang sitwasyon. Parang bulang naglaho si Jazz.

Nagpunta ako sa message icon, pinindot ang pangalan ni Kuya Kier sa inbox ko at nag-type ng itatanong ko. Paniguradong busy siya sa oras na ito, kung may pasyente siya. Huminga ako nang malalim para humugot ng lakas na loob para i-text siya.

To: Kuya Kier

Kuya, puwede ka bang maistorbo saglit? Itatanong ko lang sana kung nasa bahay ba ninyo si Jazz? Gusto ko lang siyang makausap.

Ipinatong ko sa hita ko ang phone habang pinipindot-pindot ang likod ng aking palad. Sana mag-reply agad si kuya. Dumaan ang ilang minuto at wala pa rin siyang reply. Napasabunot ako sa buhok sabay buntonghininga.

Tatayo na sana ako para lumabas at puntahan si Brix para mapagsabihan ko ng mga rants ko, pero nag-reply si kuya.

Umupo ako nang maayos. Medyo excited akong mabasa ang text dahil nakasisuguro akong malalaman ko kung nasaan si Jazz. Pupuntahan ko siya para kausapin.

From: Kuya Kier

Jazz is not home. Nagpaalam siya sa amin kagabi na aalis siya para makapag-ready raw sa board exam ninyo.

Gumuho iyong kaunting excitement pati ang ngiti kong napakaliit. Kailangan ba talaga niyang umalis? Wala na talagang pag-asang ibalik ang dati naming pagkakaibigan. Kahit iyon lang sana ang mangyari, pero parang malabo.

To: Kuya Kier

Puwede ko bang malaman kung saan siya lumipat, kuya?

Umaasa akong sasabihin ni Kuya Kier. Ipinagsalikop ko ang palad, humihiling na pagbigyan ako. Akala ko ay tatagal ulit ng minuto, ngunit may reply siya agad.

From: Kuya Kier

I apologize for that, Drishtelle. Ibinilin niya sa aming huwag sabihin sa 'yo.

To: Kuya Kier

Thank you, kuya.

Inihagis ko ang phone ko sa kama pagkatapos kong makapag-reply. Nakikipagtaguan sa akin si Jazz. Bakit ba ayaw niyang ipaalam sa akin? Wala akong kaide-ideya kung bakit kinailangan pa niyang lumayo.

Tumigil ako sa ginagawa kong pagpapatunog sa dila ko at tumayo. Muli kong hinawakan ang phone sabay pindot sa phone number ni Genesis sa aking contact list.

Idinikit ko ang phone sa aking tainga habang pinakikinggan ang pag-ring. Umupo ako sa kama.

"Anong kailangan mo, girl?"

Napasinghap ako nang bahagya sa mataray niyang bungad. Pinakiramdam ko sandali ang mood niya bago ko nilakasan ang loob na magtanong. "Alam mo ba kung nasaan si Jazz?"

"Ano ang gagawin mo kapag sinabi ko sa 'yo?"

"I want to apologize to him," sagot ko.

Stress na stress siyang bumuntonghininga. Pakiramdam ko, nakapamaywang siya habang nakataas ang kilay niya. "Kahit alam ko kung nasaan siya ngayon, hindi ko sasabihin sa 'yo, girl."

Sumimangot ako. "Genesis, sige na. Puwede ko bang malaman kung nasaan siya ngayon?" pagmamakaawa ko sa pagitan ng aking pagpadyak.

"Girl, tigilan mo na siya. Let him happy and forget his feelings for you. Broken na nga si Jazzy, mas lalo mo pa siyang sasaktan."

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko.

Alam ko namang hindi niya sasabihin sa akin pero iyong tono ng boses niya ay parang may kinikimkim na galit.

Tumawa siya. "Gusto mo magalit ako sa 'yo, girl?" pilosopo niyang tanong, tunog mataray. "Hindi ako basta-basta nagagalit, girl at alam mo iyan. Madali lang akong manggigil."

Bigla kong naalala ang panggigigil niya sa akin dahil ayaw kong gawin ang gusto niya. Para niya akong kakainin ng buhay sa talim ng kaniyang pagtingin.

"I'm sorry. . ." mahina kong sambit saka ako napalabi. Malakas ang kutob kong nanggigigil siya sa akin at gusto niya akong sunugin nang buhay dito dahil sa ginawa ko.

Ilang beses niya akong pinagsabihan na kapag ayaw kong masaktan si Jazz, huwag kong subukan. Sana nakinig na lang ako kay Genesis. Sana hindi na lang umamin si Jazz sa akin. Sana hinayaan niya lang ako maging single habang hinihintay si Chrysler na bumalik. Sana. . . sana walang nasaktan. Dapat pala pinag-isipan ko nang mabuti ang pagpayag na maging boyfriend. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Hindi ko gusto ko mga naging resulta ng mga ginawa ko-ng mga desisyon ko. Gusto kong suntukin ang sarili ko sa mga oras na ito.

"Bakit ka nagso-sorry sa akin? Jowa ba kita? Sinaktan mo ako? Huwag kang mag-sorry sa akin."

"Baka kasi galit ka sa akin," mahinang sambit ko. Hindi sigurado kung dapat ko bang lakasan pero paniguradong narinig niya.

"Kulit mo, girl. Hindi nga ako galit. Nanggigigil lang ako sa 'yong bruha ka."

"Sige, ibaba ko na. May pupuntahan pa ako," wika ko.

"Oh, saan punta mo?"

"Magkikita kami ni Chrysler. Gusto ko lang lumabas para hindi ko naiisip si Jazz. Nagui-guilty kasi ako sa nang-"

"Ewan ko sa 'yo. Ang gulo ng gusto mo sa buhay, girl." At pinutol niya ang pag-uusap namin sa kabilang linya.

Pakiramdam ko talaga ay galit siya sa akin. Inilapag ko ang phone sa kama at tumayo para pumili ng masusuot. Wala akong ganang lumabas pero may gusto rin akong sabihin kay Chrysler. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin. Naguguluhan ako sa lahat.

Hindi ko kayang aminin ang lahat ng isinisigaw ng puso ko dahil hindi ako sigurado kung tama ba iyong pinipili ko-iyong tinatahak ko.

The vivid blue sky and the fluffy clouds are good weather to travel anywhere, but my mood is like a dreary sky that it didn't complement the weather. Dumiretso ako sa bahay nila Chrysler pagkatapos kong mag-ayos. Nagpahatid ako kay Brix dahil eksaktong dadaan din siya sa bahay ng kaibigan niya. Naabutan ko si Chrysler na itinatapon ang styro ang supot na galing sa Mang Inasal. Mukhang katatapos lang niyang kumain.

Pinaupo niya ako sa sofa habang ang laki-laki ng ngiti niya sa labi, tuwang-tuwa na nandito ako pero sa kabila ng kaniyang pagngiti ay kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Umupo siya sa tabi ko nang madampot niya ang remote. Bubuksan na sana niya ang TV para manood kaming dalawa dahil mamaya ay papasyal daw kami, pero hinawakan ko ang kamay niya.

Nakangiti niya akong tiningnan sa mata habang kumukunot ang noo. Binitiwan ko ang kamay niya. Pinansin ko ang mga gamit na natakpan ng puting tela. Pagdating niya rito at noong pumunta ako sa bahay nila ay walang nakatakip, pero natakpan na ang lahat maliban sa sofa na aming kinauupuan. Aalis na rin yata siya. Iiwan na rin niya ako. Kaiwan-iwan talaga ako.

Pikit-mata akong umayos sa pagkakasandal. "Chrysler, masama ba ako?" tanong ko at bago pa siya sumagot ay may idinugtong ako, "Kasi sinaktan ko kayong dalawa. Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko." Inihilamos ko ang dalawang palad.

"Sa tingin mo, galit sa akin si Jazz?" tanong ko pa pagkatanggal ko ng kamay at ibinaling ang tingin sa nakasabit na malaking chandelier.

"He will never get mad to you, but maybe he regretted what happened."

Ibinaba ko ang ulo dahil nangangalay ang leeg ko sa pagtingala. Wala akong makitang espesyal sa nakasabit na simpleng chandelier. Mas matutuwa siguro ako kung sasagutin ako nang prangka noong nakasabit na bagay.

Dahan-dahan ko siyang nilingon hanggang sa pagdapo ng tingin sa kaniya. "I have to apologize to you, too. I am sorry for causing you pain," I apologize when my eyes landed on his face.

Pinilit kong ngumiti dahil wala akong nakuhang sagot sa kaniya. May galit na rin yata siya sa akin. Bahagyang nanigas ang katawan ko sa biglaan niyang pagyakap. Hindi man lang nagpasabi. Akala ko hindi okay ang paghingi ko ng sorry.

"Let the past be past. Let's just cherish the present and the future," wika niya at humiwalay siya sa yakap.

A genuine smile escaped on his lips while staring at me straight to my eyes. "My dream to be a civil engineer in the Philippines and Los Angeles, and now I am slowly fulfilling it. Do you know what is my biggest dream?"

I shook my head. I don't know his biggest dream. Maybe his biggest dream is to build a house at his favorite place wherein Norway. Naalala ko pa ang sinabi niyang bibisita ulit siya roon kasama ang taong makakasama niya sa buhay. Inaamin kong umaasa ako na ako iyon, pero hindi dahil nakalimutan na niya yata.

He kissed my temple. "I want to build a family with you," he whispered and chuckled afterward.

Tiningnan ko siya nang diretso noong inilayo niya ang sarili na hindi napapawi ang magandang ngiti. Tila nangniningning ang mata niya habang inaalala ang sinabi kanina. "But of course, I am not going to force you to be my wife. You have the freedom to choose."

I am touched. He is always been understanding for me. Bumalik lahat sa akin ang moments namin noon. Marami siyang sinasabing pangarap para sa aming dalawa at ilang beses ko na rin narinig sa kaniya ang salitang 'future wife'. Ang ganda ng ngiti niya habang sinasabi ang lahat n'on, excited na excited siyang tuparin ang lahat ng sinasabi niya. Samantalang ako ay walang ibang hangad kundi ang oras niya lang. Masyado kasi siyang busy sa pag-aaral at madalas ay nawawalan na siya ng oras, kaya panay reklamo ako sa kaniya at sinusuyo ako pagkatapos niyang gawin lahat ng ginagawa niya.

Sa ngayon, hindi ko alam kung para sa akin ba ang posisyon na future wife sa buhay niya. Para kasing hindi. . . parang ayaw ko na hindi ko maipaliwanag sapagkat natatakot ako. Natatakot akong bigyan siya ng second chance at maghiwalay ulit kami. Gusto ko iyong ganito lang. Iyong magkasama kami habang sinasabi ang lahat ng pangarap namin sa isa't isa.

Iniiwas ko ang tingin. "Inaamin kong hindi ako marunong magdesisyon. Nahihirapan ako," wika ko kaysa sa sabihin kong hindi ako sigurado kung sasamahan ko siyang tuparin ang pangarap niya.

Mahal ko siya pero hindi ako sigurado kung tama. Komportable ako sa kaniya at siya ang gusto kong makita paggising ko. Siya lang kaso. . . I am afraid to make the wrong decisions and suffered from it. I am worried about making mistakes, feeling guilty, and hurt people because of my decisions, but even I didn't make an action, I still hurt them.

Inabot niya ang balikat ko para hawakan. Tiningnan ko lang ang kamay niyang nakapatong. "Decision making spend too much time agonizing over choices. The best way to do is to brainstorm all the possible options-weigh the pros and cons of it. Don't let others decide on your own because that's your life and your decision is most important than theirs." He patted my shoulder.

"In other words, pay attention to what you hope will happen because it often gives you deeper insight into the decisions you want to make," he advised then he smiled. He lifted his hand to caressed my cheeks and slightly pinched it.

"Life is full of tough choices and put us at crossroads to choose one road. Remember that whatever your decision is, be happy with it. More thinking is not always good thinking."

My lips curved into a smile as I heard his advice. His words stuck on my mind. Sa palagay ko, kailangan kong gawin ang sinabi niya. Timbangin ko kung ano ang magandang epekto ng desisyon ko o hindi.

Banayad kong inilapat ang kamay sa kaniyang kamay na nasa aking pisngi kasabay ng pag-angat ng mata. "Puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?"

He bit the bottom of his lips and nodded. "What is it, love?"

"Okay lang ba sa 'yo kung hindi muna tayo magkita?"

Hindi agad siya nakakibo. Marahil hindi niya inaasahan ang pabor na hinihingi ko. Binilang ko ang pagkurap ng mata niya at nakatingin lang siya sa akin na walang halong pagtataka, kundi blangko. Unti-unti niyang inalis ang pagkagat sa labi.

"Gusto ko muna ang mapag-isa at mag-isip-isip. Magulo ang isip ko at ayaw ko sanang idamay ka pa o saktan ka pa. Gusto ko kapag nagkikita tayo, wala iyong guilt at ikaw lang ang iniisip ko. I want to be sure when I am with you."

Nang ma-absorb niya ang buong sinabi ko ay sinundan niya agad ito ng pagtango sabay ngiti. "I think it is a good idea for us to be apart in the meantime."

"Pero okay lang kung tatawag ako minsan sa 'yo o puntahan ka sa bahay ninyo, kapag gusto ko ng kausap?" tanong ko, kahit alam ko naman sa sarili kong hindi ako bibisita dahil hanggang tawag lang ako.

He gestured with a thumb. "Okay na okay, love. Hindi ako magrereklamo." He raised his right hand after giving me thumbs up to promise me.

"Matutuloy ba ang alis mo papunta Los Angeles?" pag-iiba ko ng tanong dahil gusto ko rin itanong ito sa kaniya kanina pa.

He nodded. "I will leave next week."

Sandali akong natigilan. Mukhang tama nga rin pala ginawa ko kasi aalis din siya. Pero bakit ganoon? Alam kong okay lang, pero iyong puso ko parang ayaw ko siyang umalis. Umiling ako para iwaksi lahat ng nanggugulo sa isip ko.

"Puwedeng sulitin natin ang araw na ito? Baka ito na ang last day ng pagkikita natin," pilit ang ngiti kong sabi.

Mahina siyang tumawa. "Hindi naman sana ito ang last, love. Sana may sumunod pa."

Sana nga. Baka kasi kapag aalis siya ay makalimutan na niya ako nang tuluyan. Maaalala pa sana niya ako kapag umalis siya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang ulo ko para isandal sa kaniyang dibdib. Marahan niyang tinapik-tapik ang balikat ko gamit ang kaliwang kamay niya habang ang isa niya ay hinahaplos ang buhok ko. "Don't worry about Jazz. He'll be okay and you should be okay, too. Stay sane, love."

Continue Reading

You'll Also Like

451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
393K 11.2K 35
Khaleesi Daenerys Sebastian, the mother of dragons...di joke lang. Khal as her friends and families called her is a jolly person. She likes to do thi...
1.4M 28.6K 15
Binalot ng pagtataka at pag-aalinlangan si Rhyme nang magkamalay siya sa isang di-makilalang silid. Ang pakiramdam na iyon ay napalitan ng takot nang...
6.2M 125K 53
Kailangan niya ako para sumikat... Kailangan ko siya para pang-panakip butas... Gamitan lang ba? Uso sa amin yan! Ako si Kaz Legaspi, ang kilalang ho...