Six months later…
Napakabilis ng paglipas ng panahon. Parang kelan lang ‘yung mga paghahanda na ginagawa nila sa panganganak niya. Napakaraming efforts ni Gino na pinapakita sa kanya. Every day, he’s just showing how much he loves her…
‘Yung mga paglalakad niya sa track habang nakasabay lang ito sa kanya at patuloy siyang inaaliw… ‘Yung mga halos lingu-linggo nilang pagbili ng baby’s items… ‘Yung mga memories na nabuo nila sa nilipatang bahay… ‘Yung pag-swimming nilang dalawa sa pool… ‘Yung mga pagpitas niya ng bulaklak sa garden habang si Gino ay nakikipitas din at may nilalagay pang bulalak sa tenga nito… A lot of happy memories… And everything seems to be so surreal… Every moment being with him is just magical…
Alam niyang any moment ay pwede na siyang manganak… Her tummy had grown up so big for the past few months… Napansin niyang masyado na ring naglilikot ang anak sa tyan niya… And she’s really excited to see her baby…
Gino: Mikay! Sumipa nanaman!
Tuwang-tuwa nitong sabi habang nakalagay ang mga kamay nito sa tiyan niya… They’re cozily lying down on the couch inside the gazebo…
Mikay: Kasi naman, babe… Ang kulit mo daw eh… Baby needs to take a nap daw muna… Ayaw na muna niyang makipaglaro kay daddy…
He’s just smiling as he kissed her belly… Then, he looked at her differently…
Mikay: What? What are you looking at?
Gino: You just seem to be getting more and more beautiful each day….
Mikay: Hay naku! Mambola ba? Ang sabihin mo, I’m getting bigger and bigger each day… For sure, todo diet nanaman ako pagkapanganak ko….
Gino: Mas gusto ko sana kung wag ka ng magpapayat, Mikay… I like your body now… It’s just voluptuous… Mas nakakaakit tingnan…
Makahulugan ang tingin nito sa kanya…
Mikay: Hoy! Wag mo akong matingnan-tingnan ng ganyan ha! Sorry ka, pero hindi na yan uubra sa ‘kin…
Gino: Sigurado ka?
Mas lalo pa nitong pinagbuti ang pag-aakit sa kanya… Nakatingin lang din siya dito habang nakangiti… Pero maya-maya lang ay hindi na niya matagalan ang tingin nito… kaya umiwas na siya…
Gino: Oy madaya! Bawal umiwas! Ibig sabihin apektado ka pa rin!
Mikay: Eh nasasawa na ‘ko sa mukha mo eh…
Pilit niyang paliwanag habang ‘di pa rin nakatingin dito…
Gino: You can deny all you want, babe… But your actions are telling the truth…
Parang hinahamon siya nito sa huling sinabi. Kaya lumingon siya dito at minulagatan ito…
Mikay: O Ayan! Nakatingin na ‘ko sa ‘yo! O, hindi naman ako affected ah!
Agad naman nitong pinapungay ang mga mata at muli nanaman siyang umiwas ng tingin…
Gino: Just admit it, Mikay…
Nakangiti siya habang dahan-dahang ibinalik ang tingin dito… At sa pagtititigan nila ay hindi na niya mapigilan ang hindi kiligin… She’s pretty sure that her eyes are twinkling… At alam niyang kitang-kita ‘yon ni Gino…
Slowly, he smiled at her…
Gino: I love you…
He whispered…
She’s about to respond when suddenly she felt some pain on her tummy… Napahawak siya doon…
Mikay: Aray…
Nakita niya agad ang pag-aalala sa mukha nito…
Gino: Mikay… Ano? Anong nararamdaman mo?
She’s feeling some cramping on her stomach… Then, there’s some sudden pain on her lower back…
Mikay: Araaay!..
Napatayo siya sakit… Pain is being registered on her face… at tila natataranta si Gino habang nakaalalay sa kanya…
Gino: Mikay… Kelangan ka ng mapunta sa ospital…
Halatang pinapakalma nito ang boses nang sinabi iyon.
Then, her water suddenly broke… Sabay silang napatingin sa sahig…
Gino: OH MY GOD!!! You’re water just broke!!!! OH GOD!!!
Tila hindi na nito nakayanang maging kalmado…
Mikay: Ouch! Ouch! Bring me to the hospital!… NOW!!!
Sigaw na niya dito… Mabilis itong tumango…
Gino: Yeah! Yeah!
Natataranta pa rin ito habang inaaalalayan siya… Paglabas nila ng gazebo ay napatingin sa kanila ang mga kanina pa lumalangoy sa pool…
Gino: Seth! Manganganak na si Mikay!
Tila nakabawi sa pagkabigla ang magbabarkada… Sabay-sabay silang umahon at nagkanya-kanya ng takbo… Nakita niyang sumalubong sa kanila si Seth at tumulong din sa pag-alalay…
Nang marating nila ang main door ay nasulyapan niya si Kats na yakap-yakap ang mga naihanda ng baby’s clothes, diapers, at kung anu-ano pa habang mabilis na bumababa sa hagdanan at wala pang naisuot na pang-itaas dahil sa pagmamadali…
Paglabas nila ay nakahanda na ang sasakyan at si Lester ang nasa driver’s seat. Si JC naman ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan… Pagkasakay nila ay pinaharurot agad ito ni Les… Base sa mga reaksyon ng magbabarkada ay mukhang mas kinakabahan at natataranta pa ang mga ito sa kanya… Ilan sa mga ito ay hindi na nagawang magpalit ng damit lalo na at kagagaling lang nila sa pool…
Seth: Hold on, Mikay… Malapit na tayo…
Katsumi: Mikay, tiisin mo na lang… Wag mo munang ilalabas si baby… Hindi ako marunong magpaanak!
Binatukan ito ni JC.
JC: Heh! Asa ka naman!
Lester: Kompleto na ba sa mga gamit?! Wala ba kayong nakalimutan?
Tila nirerecheck ni Kats ang mga dala…
Katsumi: OMG!
All: ANO?!
Katsumi: Naiwan ‘yung mga toys!!!
Lahat ng magbabarkada ay sabay-sabay na binatukan si Kats…
______________________________
By the time they arrived at the Emergency Room ay agad na siyang isinakay sa stretcher… Hindi humihiwalay ang mahigpit na pagkakahawak ni Gino sa mga kamay niya…
Gino: Please be strong, Mikay…
Hanggang sa makapasok na sila sa Delivery Room ay naroon pa rin ito sa kanyang tabi… She’s drawing strength from his encouragements… At sa bawat sigaw at daing niya ay lalong humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanya… Matinding pag-aalala ang nasa mukha nito… But there’s just too much pain she’s feeling… It’s just too unbearable…
Mikay: Ang sakit!!!!!
Gino: Mikay…. Kayanin mo… Please…
Mikay: Aaaahhhhh!!!!!! I can’t… I can’t go on anymore!!!
Gino: No! No, Mikay! Please… Please be strong… Please, babe…
Umiiyak na siya sa sobrang sakit… Unti-unti nang nahihirapan siyang makahinga…
Mikay: I can’t… Hindi ko na kaya… I’m sorry…
Bulong niya dito… And she sees tears falling in his eyes…
Gino: Mikay… Kayanin mo, please… Please… think of our baby… think of me… Mikay, please…
Doctor: One more push and you’re there… Come on, you can do it!
Gino: Mikay! Just one more push… One more push… And you’re gonna see our baby…
Bahagya na itong nakangiti…
She collected all her efforts and gave her one last strong push…. Then, she heard the strong cry of a baby…
Doctor: Well, looks like you have one fine looking baby boy here!
Lumuwag ang pagkakahawak ni Gino sa kamay niya at tila nakatulala habang nakatingin sa baby na inaabot ng doctor dito… Nung una ay mukhang alangan ito sa pagkarga. Tila hindi nito alam kung paano ang tamang pagbuhat. Pero umalalay ang nurse dito at ito na ang nagturo…
Tulala pa rin ito habang karga ang anak nila. He’s just staring at the baby… Then, tears are falling once again in his eyes…
Mikay: Gino… I want to see him…
Tila nagising ito sa sinabi niya at dahan-dahan na inilapit ito sa kanya…
The moment she sees the baby… Tears keep falling from her eyes… She’s smiling as she looked back at Gino…
Mikay: He looks exactly just like you…
He smiled…
Gino: I know… He looks like me when I was a baby…
Muli siyang tumingin sa anak nila… She looks at his round eyes… his nose… his cute little lips…
Mikay: I want to name him after you…
Gino: I guess, we’re gonna have a little junior then…
__________________________________
3 months later…
She’s quietly sitting alone on a comfortable bench near the garden while breastfeeding her baby… Then, she felt someone touched her shoulders… As she looked back, she saw a familiar hand… She smiled…
Gino: Mukhang gutom lang pala si baby ah…
Mikay: Yeah… Buti tumigil na rin sa pag-iyak….
Lumipat ito ng pwesto at umupo sa upuan sa tapat niya habang nakatitig pa rin sa anak nilang tila gutom na gutom sa pagdede… Napapangiti tuloy si Gino sa panonood…
Gino: Alam mo… Sa bawat paglipas ng araw… Lalo ko lang napapansin na… mas nagiging kamukha ko na talaga siya… Pag tinitingnan niya ako… it’s like I’m looking at my own reflection…
Mikay: Oy, grabe ka naman! Mas cute naman si baby JR noh…
Tila hindi nito pinansin ang sinabi niya at nakatingin pa rin sa anak nila…
Gino: Sabi nila… Kung sino daw ang mas kamukha… ‘Yun daw ang mas nagmamahal…
Mikay: Hindi naman totoo ‘yun… Hindi ako naniniwala dun… kasi mahal na mahal naman kita eh…
Gino: Dati hindi rin ako naniniwala… Pero ngayon ko lang naisip… Totoo pala ‘yun…
Tumingin ito sa kanya…
Gino: Totoo… Kasi alam kong… mas ako ang nagmamahal…
Mikay: Babe… That’s not true…
Gino: Then, I want it to be true… Kasi mas gusto ko ‘yun… Mas gusto ‘yung ako ‘yung mas nagmamahal…
Kita niya ang sinseridad ng sinabi nito…
Gino: I know this is not our reality, Mikay… Sooner, we’re gonna leave this place… Alam kong… marami ka pang pangarap… At hindi kita pipigilan… Kung gusto mong bumalik sa showbiz… Have a love team… Hindi kita pipigilan… Hindi ko pipigilan… ang mga bagay na gustong-gusto mong gawin… Kasi mahal kita… Mahal na mahal kita, Mikay…
Matagal silang nagtititigan… Somehow, she can sense a bit of sadness in him… By the looks of it, mukhang ayaw pa nitong iwan ang realidad… Pero sa mga sinasabi nito ay lalo lang niya itong minamahal…
She smiled…
Mikay: Thank you…
He just gave her a small smile… Pero nawala rin agad ‘yon… At nagpatuloy na lang ito sa pagtitig sa kanya…
_________________________________
Thanks for all your votes and comments! ^__^