When Our Heavens Collide

By russibasco

18.4K 1.8K 847

After her childhood friend left her with no traces, Harley Rose Bartram found herself longing for him. To cha... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
EPILOGUE

CHAPTER 3

1K 136 89
By russibasco

My name is Audrey Blair Bartram, Harley's sister.

They said I'm boring and ordinary kaya no'ng mga bata pa kami ni Harley ay lagi akong nabu-bully. Tahimik lang ako at hindi lumalaban.

Tanda ko pa kung paano niya ako ipinagtatanggol sa mga nambu-bully sa'kin noon. Ate n'ya 'ko. Pero mas matapang at malakas ang loob n'ya kaysa sa 'kin. Nagpapasalamat ako na may kapatid akong tulad n'ya.

Sa tuwing uuwi ako ng bahay galing sa school, nagkukulong ako sa kwarto at doon ko sinisigaw lahat ng sama ng loob ko, para kahit papaano ay mabawasan ang bigat na dinadala ko. Ang hirap 'no? You have to pretend that everything's okay even you're already dead inside. Ang hirap magpanggap na masaya kahit hindi naman talaga. You have to keep it kahit sobrang sakit na dahil pakiramdam mo ay wala namang makakaintindi.

Si Harley ang palaging nagpapalakas ng loob ko, when everything is falling apart, she's always there. She's not just my sister, she's also my bestfriend.

Hindi naman sa pagmamalaki. Pero maraming nanliligaw sa 'kin noong high school pa kami. Ngunit natatakot akong magtiwala sa mga tao dahil sa mga naranasan ko noong bata pa 'ko. I'm that kind of person seeking for love in this cruel world, but when it comes, I keep rejecting it.

I always do.

May isang beses na sinubukan ko. I thought I will find my happiness in a person, pero hindi. Marami talagang tao na sa una lang magaling. Pero kapag nakita na 'yung flaws mo, 'yung imperfections mo, iiwan ka na. They're leaving, kung minsan gagawin nila ang lahat para ikaw na mismo ang bumitaw.

Teka, ba't nga ba tayo nagmamahal kung takot naman tayong sumugal? Dahil ba takot tayong masaktan ulit?

If I have a diamond heart, I'll give all my love if I was unbreakable. Naniniwala ako na binibigyan tayo ng isang tao para mag-iwan lang ng lessons sa buhay natin, at kapag hindi pa tayo natuto, bibigyan ulit tayo ng universe ng panibagong tao na may dalang kaparehong sitwasyon. Ganon naman talaga, kapag naulit 'yung dati nating pinagdaanan, saka palang tayo magigising sa katotohanan at may matututunan.

Kaya't natuto na lamang ako maghintay. Alam kong may darating rin na tunay na magmamahal sa 'kin at tatanggapin ako nang buong-buo. Naniniwala ako na darating ang isang tao kung kailan kailangan na natin.

I never tell my problems to anyone, mas gusto kong sarilihin na lang dahil alam kong hindi rin naman nila maiitindihan. Natuto akong kimkimin ang mga problema ko.

I have anxiety disorder, nabuo iyon dahil sa mga post-traumtic events na pinagdaanan ko mula sa pambu-bully at pati na rin sa failed relationships. Mahirap sa una, pero habang tumatagal nasasanay na rin ako.

I'm learning to do what makes me happy, bumabalik na rin ang saya ko tulad ng dati, I'm doing better.

Pero isang araw pumunta si Harl sa kwarto ko at may ibinalitang hindi ko alam kung ikasasaya o ikalulungkot ko.

"ATE! ATE" Nagmamadaling tawag niya sa 'kin at umupo sa tabi ko.

"Bakit?"

"Siguradong matutuwa ka sa ibabalita ko sa 'yo!" Nagagalak niyang saad.

"Buntis ka na?" Biro ko.

"Anong buntis? Eh, takot nga ip*tok ni Oliver sa loob ko."

Naghalakhakan kaming dalawa.

"O, sige. Ano ba kasi 'yang ibabalita mo sa 'kin at napakalaki ng ngiti mo."

Natahimik siya at nakita ko ang ngiti sa labi niya. "Mag-a-abroad na ako. Doon na ako mag-wo-work!"

Ang matamis kong ngiti ay unti-unting naglaho. I was saddened when I heard that. Yumuko ako at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"B-ba't parang nalungkot ka? Hindi ka ba masaya, ate?"

Huminga ako nang malalim. "Hindi naman sa ganon. Masaya nga 'ko dahil matutupad mo na 'yong mga pangarap mo, pero nalulungkot rin sa kabilang banda dahil magkakalayo tayo," ani ko. "Wala na 'ko masasandalan kapag may mga problema ako."

"Ayon ba?" Ngumisi siya at hinawakan ang aking mga kamay.

Tumitig ako sa kan'yang mga mata.
"Ano ka ba, ate? Meron namang videocall, 'di ba? Magkakausap pa rin naman tayo kahit nasa malayo ako. Grabe! Hindi naman ako mamamatay," biro niya at humalakhak.

Ngumiti ako, pero napipilitan lang.
"Kailan ba ang alis mo?"

"Sa isang linggo na," tugon niya.

"Huh?! Ang bilis naman yata?" Pagkagulat ko.

"Oo. Noon ko pa ito inaasikaso, naka plano na rin lahat. Ginagawa ko ito hindi lang para sa akin, kung hindi para sa inyo rin."

"Nasabi mo na ba ito kila mama't papa?"

Nagbuntong-hininga siya. "Ya. Last time pa. Actually, I'm just waiting na makumpleto ang iba ko pang requirements at schedule bago ko sabihin sa 'yo," saad niya.

"And ako 'yung huling nakaalam tungkol dito?... Akala ko ba bestfriend kita..." Ani ko habang nakatitig sa kan'ya.

"That's why I'm here."

Inirapan ko siya at ibinaling ang tingin sa ibang bagay.

"Alam kong malulungkot ka at sila, pero alam ko rin na masasanay rin kayo. Matatanggap din nila na roon na ako mag-wo-work. Tinanggap ko na 'yong opportunity kasi sayang naman at isa pa, malaki ang sahod kaysa rito," paliwanag niya.

"Ano pa nga bang magagawa ko kung wala ng makakapigil pa sa 'yo. Ang sa akin lang lagi kang mag-iingat doon at 'wag kang makakalimot," wika ko.

"Salamat, ate." Mahina niyang sabi habang nakangiti at ako'y kan'yang niyakap.

"Masaya ako desisyon mo. Naka-support lang ako sa 'yo palagi."

Magkahalong lungkot at saya ang aking nadarama. Alam kong 'pag umalis na siya, wala na akong masasandalan kasi alam kong magiging busy na rin siya roon.

Kung kailan naman nagiging ayos na 'ko saka naman mambibigla ang tadhana ng ganito. Pero kailangan lang talaga nating disiplinahin ang mga sarili natin at matuto na hindi sa lahat ng oras ay may taong sasalo sa 'tin.

Lumipas ang ilang araw at tinulungan ko s'yang mag impake.

"Magpakatatag ka, ah! Para rin 'yan sa sarili mo at sana pagbalik ko, may taong nagpapasaya na sa 'yo," biro niya habang nag-aayos kami ng dadalhin niyang gamit.

"Sira! Hindi rin natin masasabi, pero sana nga..."

"Pero don't pressure yourself too much. If you just feel lonely, 'wag kang papasok sa isang relasyon baka kasi masaktan ka lang or makasakit ka. Dapat alam mong sigurado ka na. Pero darating rin 'yan, promise!" Aniya.

"Naks! May pa-motivational quotes? Saan mo nakuha 'yan?" Sabay halakhak ko.

"Saka nga pala, si Oliver bantayan mo baka makahanap ng iba."

"Loyal sa 'yo si Oliver at alam kong hindi niya iyon magagawa. Pero sige, babantayan ko siya at ibabalita ko agad sa 'yo kapag may umaaligid na iba."

Tumahimik sandali ang paligid, nakita kong bigla siyang nalungkot.

"Paniguradong ma-mi-miss ko kayo," wika niya.

"Lahat naman ng mga nawawalay sa mga mahal nila ay nagkakaroon ng sepanx, at sa katulad mong mag-a-abroad, ma-ho-homesick ka," saad ko. "You told me to be brave so dapat ikaw din."

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Sandali, ate bago pa maging teleserye ito may ibibigay pala ako sa 'yo," aniya at may kinuha sa closet na aking ipinagtaka.

"Ano 'yan?"

"Promise ring. Hindi ito para sa 'yo, para ito sa magiging baby mo," biro niya.

"Huh?! Siraulo ka talaga!" Sabay hampas ko sa balikat niya.

"Anong masama? Malay mo pag-uwi ko magka-baby ka na."

"Tama na nga 'yan. Kakabasa mo 'yan sa Wattpad kaya ka ganyan. Siya, matulog ka na para makapag-beauty rest ka."

"Joke lang. Para sa 'yo talaga 'yan. Basta i-keep mo 'yan, ah. Good night, ate!"

"Good night din."

Pinagmasdan ko ang promise ring na kanyang binigay habang ito'y nakapatong sa 'king palad.

Isinuot ko ito at saka pinatay ang ilaw.

Nakita kong glowing in the dark ito. I was smiling before I fell asleep.

“Dalian mo, Harl! Lagi kang late!”  Pagkainis ko.

Ito ang araw na aalis na siya papuntang ibang bansa.

"Ito na, ate!" Sigaw niya habang nagmamadaling bumaba ng hagdanan.

Huminto siya nang makita niya si mama na nakatitig sa kan’ya habang nangingilid ang luha.

Nilapitan niya ito at hinawakan ang mga kamay.

“Mag-iingat ka, anak,” sambit ni mama.

Huminga nang malalim si Harl at alam kong napilitan lang siyang ngumiti upang gumaang ang pakiramdam ni mama.

“Oo naman, ma. Para sa inyo ito.”
Pinunasan niya ang luha ni mama. “Ma, ‘wag na kayong umiyak kasi baka hindi na ako tumuloy,” aniya at humagikgik nang may nangingilid na luha.

Niyakap niya si mama, samantalang si papa naman ay nakaupo lang at nag-bi-busy-busy-han. Hindi n'ya kasi matanggap na aalis si Harl, siya raw dapat 'yon kung wala lang s'yang sakit.

Sumulyap si Harl kay papa.

“Pa... alis na ako,” pagpapaalam niya. Ngunit hindi lumingon si papa.

Tumalikod na si Harl papalabas ng bahay.

“Ngayon palang na-mi-miss na kita,”  ani ko. "Palagi kang mag-iingat doon, ah. Balitaan mo kami palagi para alam namin kung anong nangyayari sa ‘yo ro'n."

Niyakap ko siya nang mahigpit bago pa man s'ya makasakay sa sasakyan.

Si Oliver ang maghahatid sa kan’ya sa airport.

Kumaway si Harl sa ‘kin sa salamin sa backseat at umabante na ang kotse.
Hindi ko naman napigilang umiyak dahil sa pangungulila, tila ba parang isang piraso ko ang nawala.

Pagkahatid ni Oliver kay Harl ay dumiretso siya sa bahay.

"Kumusta?" Tanong ko pagpasok niya.

"Ayos lang..." An'ya at agad umakyat sa itaas, alam kong malungkot s'ya.

I want to comfort him, pero hinayaan ko na lang muna siyang mapag-isa.

Alam kong matagal pa bago makatawag si Harl sa'min dahil nasa loob pa s'ya ng eroplano kaya't nanood na lang muna ako ng T.V para malibang.

Maya-maya pa'y gumabi na, oras na ng tulog nila mama't papa, oras na rin ng balita.

Bumaba si Oliver. "Anong oras na, pero wala pang tawag si Harl, dapat nandoon na 'yon ngayon," pagtataka n'ya na may pag-aalala nang biglang -

“Eroplano na papunta sanang The Netherlands ngayong araw ang bigla na lamang daw naglaho at hindi nakalapag sa takda nitong oras," aming narinig na binabalita sa telebisyon. 

Nang marinig namin ang balita ay bigla na lang akong kinabahan. Nagtaka naman si Oliver habang ito'y pinanonood.

Sinabi na ng taga-ulat ang pangalan ng eroplano at kung ilan ang sakay nito.

Nagpintig ang mga tenga namin sa'ming narinig.

"Hi-hindi!" Bulong ni Oliver at napaupo, hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

Nagpanik na 'ko kaya't ginising ko sila mama.

"Ma! Ma! Gising!" Pagmamadali ko habang tinatapik-tapik ang kanyang braso.

"Ano 'yon, anak?" Pagtataka n'ya nang maalimpungatan.

Agad kaming pumunta sa sala para makita ang balita.

"Dios ko!" Ang nabanggit na lang ni mama at napatakip ng bibig sa natuklasan.

"Inaasahan daw na lalapag ito ngayong gabi. Ngunit hindi na raw ito na-detect ng radar dalawang oras bago ito lumapag," dagdag pa ng tagapag-ulat nang biglang mawalan ng malay si mama.

"MA!" sigaw ko at pinagtulungan namin ni Oliver na buhatin siya papunta sa kama upang ihiga.

Nanginginig pa rin ang mga tuhod namin at nanlalamig ang mga kamay dahil sa balitang aming nalaman.

Pero hindi kami nawalan ng pag-asa, naghintay pa rin kami na sana bukas tumawag na si Harl. Inisip namin na naantala lang ang paglapag nila, at nagdasal na sana makalapag sila nang ligtas.

Pero lumipas ang ilang araw at hindi pa rin tumatawag si Harl. Hindi pa rin natatagpuan ang eroplano na sinasakyan n'ya. Palagi kaming naghihintay sa balita at umaasang ligtas sila.

Linggo ang lumipas at pati na rin ang mga naghahanap ay halos sumuko na rin dahil malaking bahagi na ng mundo ang kanilang nahalughog. Kasama na ang karagatan, pero wala silang makitang bakas ng eroplano. Nagpunta kami sa paliparan at nakita namin ang ilang pamilya ng mga kasama niya sa flight.

Ang iba ay halos hindi na umuwi kakahintay sa mga nawawala nilang kamag-anak. Ramdam namin ang pakiramdam nila, ni hindi namin alam kung makakabalik pa sila–kung makakabalik pa si Harl.

Dumating ang isang awtoridad at tinipon kami sa isang lugar upang kausapin. Kinakabahan kami sa sasabihin niya at nagdarasal na sana ay magandang balita ito.

"Magandang araw po," bati n'ya sa 'min at ganon rin kami pabalik.

Napakagat labi siya habang tinititigan kami isa-isa.

"Didiretsahin ko na po kayo," huminga s'ya nang malalim.

"Itinigil na po ang search and retrieval operations dahil ilang linggo na rin po ang lumipas at mag da dalawang buwan na magmula noong mawala ang eroplano. Pero wala pa rin po kaming nakukuhang bakas nito, sana po'y maunawaan n'yo na ginawa na po namin ang lahat, pero –” Umiling s'ya. "Wala po talaga."

"HINDI!" hiyaw ni mama. "Hindi pwede!" Humagulgol siya at napaluhod sa lupa. Hindi na rin napigilan ang pagtulo ng aking luha.

"Ma..." bulong ko.

Pinaupo na muna namin siya sa upuan at pinakalma. Bakas sa mukha niya ang labis na lungkot. Si Oliver naman ay nakatulala lamang.

Pinagmasdan ko ang paligid, nag iiyakan ang mga kamag-anak ng mga pasahero ng nawalang eroplano. Tinatagan ko ang loob ko kahit na mahirap, iniisip ko na may pag-asa at isang araw babalik din sila.

Kinabukasan, bumaba ako agad sa kusina para mag-almusal nang hindi ko nadatnan si mama na kalimitan ay maagang nagigising at nagluluto ng pagkain. Nagtaka ako kaya't pumunta ako sa kwarto n'ya.

Bukas ang pinto at nakita ko si papa.

"Ma?" Marahan kong banggit.

Unti-unting humarap sa 'kin si papa na noo'y nakatayo sa gilid ng higaan nila ni mama–lumuluha.

"Pa? Bakit ho?" Pagtataka ko pagpasok ko sa kanilang silid.

"W-wala na ang mama mo," saad n'ya habang walang humpay ang pag-agos ng luha mula sa kan'yang mga mata.

"ANO?!" Pagkagulat ko at nanlaki ang mga mata. "Pe-pero paano?"

Nilapitan ko ang katawan ni mama na noo'y nakahiga pa sa kama.

"MA! GISING!"

Niyuyugyog ko ang katawan niya, nagbabakasaling magising pa siya. Tuluyan na ring tumulo ang aking
luha. Nanginginig ang aking mga kamay at binti, malakas din ang kabog ng aking dibdib dahil sa sobrang pighati. Nawala si Harl at pati na rin si mama, hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

"Tama na, Audrey. Wala na ang mama mo," wika ni papa.

"Anong nangyari?" Bungad ni Oliver pagpasok ng silid nang may pag-aalala.

"Wala na si mama, Oliver," ani ko.

"HUH?!" Kumunot ang kanyang noo at nanlaki ang mga mata. Bakas sa kanyang mukha ang pagkawindang.

Umupo si papa sa gilid ng kama at
nagkwento.

"Kanina, makailang ulit ko s’yang ginigising. Pero naramdaman kong malamig na ang kamay n'ya at namumutla na rin s'ya," saad n'ya. "Pinakiramdaman ko rin kung may pulso pa siya pero..." napailing siya, "wala na."

Hindi pa rin nag si-sink in lahat ng mga pangyayari sa utak ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko na halos hindi ko na alam kung paano umiyak, at alam kong ganon din ang nararamdaman ni Oliver at ni papa.

Lumipas ang ilang araw at nailibing na namin si mama, hindi pa rin natatagpuan ang eroplanong sinasakyan ni Harl. Umulan no'ng araw na 'yon at alam naming hindi pa tanggap ni mama na wala na s'ya dahil hindi n'ya nakita si Harl bago s'ya mawala.

"Please guide us, ma. Sana tulungan mo kaming makita si Harl kung buhay pa s'ya," bulong ng aking isip habang nakatayo sa harapan ng puntod niya.

Nilisan namin ang sementeryo nang mabigat ang kalooban dahil hindi namin matanggap ang nangyari kay Harl at kay mama. Sobrang lungkot ang mawalan ng mahal sa buhay, buti na lang lagi kong ipinaparamdam na mahal ko sila. Maikli lang ang buhay at wala namang bayad ang magsabi ng 'mahal kita' sa mga mahal mo sa buhay.

Habang nasa sasakyan kami pauwi ng bahay ay namumutawi sa mukha ni Oliver ang lungkot at bigat na kanyang nararamdaman. Sinabayan pa ng puyat at pagod kakahintay sa balita tungkol kay Harl.

"Wala na si Harl. Wala na rin si mama, para saan pa ang lahat!" Pagkayamot ni Oliver habang nagmamaneho.

"Oliver, mag-ingat ka, please," pag-aalala ko. "Alam kong mahirap, pero pigilan mo muna ang emosyon mo."

Tahimik lang si papa sa gilid, halatang nangungulila sa pagkawala ni mama at ni Harl.

Tanaw mula sa loob ng kotse ang paglubog ng araw at kasabay nito, inisip ko na lang na may dahilan kung bakit itong nangyayari lahat. Iniisip ko na lang na pagsubok lang ito.

Nang makauwi na kami sa bahay, pumanhik agad si Oliver sa itaas. Sumunod naman ako para magkapag pahinga na rin. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang makarinig ako ng isang malakas na kalabog na nangaling sa kwarto nila Oliver.

Agad akong kumatok.

"Oliver?... Buksan mo 'to!"

Hindi ko namalayan na hindi pala ito naka-lock kaya't binuksan ko na ito para tingnan kung anong nangyayari sa loob.

"OLIVER!" Napasigaw ako at nanlaki ang mga mata.

Nakita kong puno ng dugo ang kamao n'ya matapos n'yang suntukin ang pader.

"Sandali, kukuha lang ako ng pang langgas ng sugat, Dios ko!"

Pagkakuha ko ng panlinis at gamot sa sugat ay agad akong bumalik sa silid upang gamutin ang sugat niya.

"Oliver, 'wag mong saktan ang sarili mo baka kung ano pang mangyari sa ‘yo," pag-aalala ko habang ginagamot ang sugatan n'yang kamao.

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, eh 'di sana hindi ko na s'ya pinayagang umalis. Pero nangako ako sa kanya na susuportahan ko s'ya na abutin ang mga pangarap n'ya," saad n'ya. "Iyong isa sa mga dahilan kung bakit ako masaya, hindi ko alam kung makakabalik pa."

Tumulo ang kanyang luha tanda ng pangungulila n'ya kay Harl.

"Pero kailangan nating magpakatatag. Malaki ang posibilidad na buhay pa siya dahil hindi pa nahahanap 'yung eroplanong sinakyan n'ya," wika ko. "Ako, ito kinakaya ko kaya sana kayanin mo rin," pangungumbinse ko sa habang nakatitig sa kanyang mga mata. "Wala namang may gusto ng nangyari at habang buhay tayo, hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa."

"I know I'm alive, Audrey. But this feel like I'm already laying 6 feet below the ground," sambit n'ya, halatang nawawalan na ng pag-asa. Ang mga kamay n'ya ay tikom pa rin dahil sa labis na pighati.

Umupo ako sa tabi n'ya at hinagod-hagod ang kanyang likod. 

Maya-maya pa ay nahiga na s'ya at ipinikit ang mga mata na basa pa ng luha. Yakap-yakap ang isang unan na para bang isang bata.

Tumayo ako. "Basta kung may problema, nasa kabilang kwarto lang ako. kumatok ka lang," ani ko.

Nasa harapan na ako ng pinto at lalabas na sana nang bigla siyang nagsalita.

"Dito ka lang," mahinang sabi niya.

Napahinto ako at muling humarap sa kan'ya.

"B-bakit?" Pagtataka ko.

"Dito ka na matulog, tabihan mo na lang ako."

Dahan-dahan akong lumapit at nahiga sa tabi n'ya. Magkaiba kami ng posisyon, nakatagilid s'ya na nakaharap sa kaliwa, samantalang ako naman ay nasa kanan at naka diretso lang.

Hindi ako nagsasalita at hinayaan ko na lang s'yang makatulog, iniisip ko na baka kailangan n'ya lang talaga ng makakasama sa oras na iyon. Kahit ako mabigat ang loob ko at malungkot kaya gusto ko rin ng kasama at makakausap. Si papa naman, ayaw magpasama sa kwarto n'ya, dinadama pa rin ang pagkawala ni mama. Binigyan ko na lang muna siya ng konting oras at respeto.

Nakatulog na rin ako. Pero no'ng mag uumaga na, naalimpungatan ako at nakita ko 'yung isang kamay ni Oliver na nakayakap sa may bewang ko.

"Harl?... Harl?..." Nananaginip siya.

"Oliver... Oliver..." Niyuyugyog ko ang kan'yang braso upang siya'y magising.

Habang lumalakas ang boses n'ya ay sumisikip naman ang pagkakayakap n'ya sa bewang ko.

"Harl! Harl! NASAAN KA?!" Sigaw n'ya habang nakapikit.

"Teka, Oliver. Nasasaktan ako!"

Tinapik ko nang malakas ang pisngi n'ya at bigla siya nagising.

"HARL!" Sigaw n'ya at napabangon.

Napatingin s'ya sa 'kin na dilat ang mga mata. "Buhay si Harl!" Sambit n'ya.

"Ano bang napanaginipan mo?"

"Naririnig ko ang boses n'ya rito sa loob ng bahay, hinanap ko s'ya. Pero hindi ko s'ya makita," saad n'ya habang hinihingal at pinagpapawisan. "Tara, hanapin natin s'ya."

Tumayo s'ya at agad-agad lumabas ng kwarto, mabilis ko naman s'ya sinundan.

"Harl! Harl!" Tawag pa rin siya nang tawag sa pangalan ni Harl habang lumilingalinga at tila ba’y may hinahanap.

"Teka, Oliver..." agad ko siyang nilapitan. "Panaginip mo lang 'yon, maupo ka nga muna at kumalma," ani ko.

Umupo kami sa sala at pinainom ko s'ya ng tubig para mahimasmasan.

"You're just dreaming. Dala lang siguro 'yan ng emosyon at mga iniisip mo kagabi," sabi ko.

Napasigaw s'ya nang malakas dahil sa inis at inilagay ang dalawang kamay sa ulo.

Ramdam ko ang halo-halong emosyon niya dahil kapatid ko rin ang nawala.

Ilang linggo, buwan, at taon ang lumipas. Ngunit wala pa rin kaming matinong balita na natatanggap tungkol sa pagkawala ng eroplano. Aamin na ako na nawawalan na 'ko ng pag-asa na makikita pa iyon at sa halos taon naming paghihintay, hindi ako makatulog gabi-gabi kakaisip kung nasaan na ba si Harl. Gabi-gabi akong umiiyak dahil sumasagi sa 'king isipan na baka wala na talaga s'ya at hindi na babalik pa.

Hindi ko matanggap kasi kung gaano n'ya 'ko binigla no'ng nagsabi s'ya sa 'kin na pupunta na s'ya ng ibang bansa, ganon din nang mawala siya. Ni walang bakas kung saan sila napadpad, ni hindi ko man lang s'ya nakausap at nayakap, at ang mas masakit, hindi n'ya man lang natupad ang mga pangarap n'ya kaya s'ya nangimbang bayan.

Sa mga panahon din na ito, nag-umpisa nang mag-chase ng shadows si Oliver. Kapag naamoy n'ya ang pabango ni Harl, naaala n'ya ito. Nagpupunta s'ya sa dalampasigan; nagbabakasaling nandoon si Harl. Iniisip n'ya parati na nakikipag taguan lang ito. Ngunit hindi na lalabas pa kahit kailan.

Sa tuwing nakikita ko s'yang ganyan, ako'y nasasaktan. Kasi ako mismo sa sarili ko, napagdaanan ko 'yan. 'Yung pakiramdam na binigyan ka ng isang tao ng rason para patuloy na kumapit at hindi mo na alam ngayon kung kailan bibitaw, kasi umaasa ka na meron pang babalik.

Nakikita ko na halos araw-araw n'ya pa rin tinatawagan si Harl. Pero walang sumasagot sa numero na kanyang dina-dial.

Halos ilang taon na ang lumipas at kahit papaano ay unti-unti na kaming nakakabalik sa dati naming pamumuhay. Unti-unti na rin naming tinanggap sa mga sarili namin na wala na siya.

Nakatayo si Oliver sa gitna ng dalampasigan, dinaramdam ang malakas na hampas ng malamig na hangin, at pinakikinggan ang lagaslas ng alon at mga ibong nagliliparan sa palagid.

Palubog na ang araw at pinuntahan ko s'ya sa roon. Dahan-dahan ko s'yang tinabihan.

Nakatingin lamang s'ya sa malayo at nagulat ako nang bigla s'yang nagsalita.

"Maraming taon na rin ang lumipas, and I can finally say na - okay na ako," sabi n'ya sabay ngumiti. Napangiti rin ako.

"Ayoko na ikulong ko ang sarili ko sa lungkot, at tama ka Audrey, hindi dapat sumuko," dugtong pa n'ya.

"Sabi ko naman sa 'yo, eh." 

"Salamat nga pala sa pagpapalakas ng loob ko, sa pag-agapay no'ng walang nand'yan."

"Wala 'yon, ang pamilya nagtutulungan," sagot ko.

"Gusto ko na ulit magsimula."

"Naiintindihan kita, wala na si Harl at siguro, oras na rin para palayain mo ang sarili mo," sabi ko.

"Gusto kong magsimula ulit kasama ng babaeng katabi ko ngayon," aniya na aking ikinagulat.

"HUH?!" Luminga-linga ako sa paligid upang tingnan kung may iba pang tao.

Napalunok ako at kumunot ang noo.
Muli kong ibinalik ang tingin sa kan'ya

"Teka. Tayo lang dalawa dito, meron ka pa ba ibang nakikita?" Pagtataka ko.

Humalakhak lang s'ya pagkatapos at hinawakan n'ya ang kamay ko.

"Sino pa ba ang katabi ko ngayon?"

Napatitig ako sa kan'yang mga mata. Natahimik ako, napayuko at napaisip.

Pero habang nasa estado ako ng pagkalutang ay nakita ko namang unti-unting lumalapit ang kan'yang mukha sa 'king mukha.Pero umiwas ako at naglakad palayo.

“S-sorry, Audrey. Sandali!”

Hindi ako sumagot at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Hindi 'to pwede dahil boyfriend s'ya ng kapatid ko. Hindi pwedeng mahulog ang loob n'ya sa 'kin dahil maling-mali.

Sigaw ng aking isip.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 479K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
539K 28.7K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
250 107 28
Mariana Cruze is the brave and smart woman, who loves her family. And met Genesis Alvarez, the nonchalant and famous person in their campus. She disc...
557K 20.5K 40
(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pa...