Boss Series 1: Playboy Boss

Par drklife

4.4K 183 2

Sa mundong marami ang gustong maranasang magmahal at mahalin, makakakilala si Aki ng isang lalaking hindi niy... Plus

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 - Anniversary
Chapter 19 -Anniversary Pt. 2
FOR IMAGERY PURPOSES
Chapter 20 -Anniversary Last Part
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
AUTHOR'S NOTE

Epilogue

162 3 0
Par drklife

Minsan ba sa buhay mo naging masaya ka?...
Minsan ba natanong mo ang sarili mo kung ano nga ba ang totoong kahulugan ng "masaya"?...

Kung ako ang tatanungin niyo, nahanap ko na ang sagot. Sagot na kahit kailan hindi matutumbasan ng perang mayroon ako ngayon.

I've been married for almost four fantastic years. With my wife, together with our kids. Sa nagdaang taon masasabi kong naging masaya ako dahil kinumpleto nila ang kulang na piraso ng puso ko.

"Daddy! Please play with us please" malambing na aya ni Scarlet

"Shut up Thena! You're so loud! I'm reading a libro kaya" masungit naman na sambit ni Scorpius

Kambal ang panganay namin ni Aki, kaming lahat ay nagulat dahil wala naman sa kani-kaniyang pamilya ang may history ng kambal. Scarlet Athena ang pangalan ng unica hija ko, Scorpius Aiden naman ang panganay na lalaki ko. Si Aki ang nag pangalan sa kanila, nakuha niya ang pangalan ni Scorpius sa Harry Potter stories. Kay Scarlet naman ay nag search lang siya.

Napatingin ako sa kabilamg couch ng makita ko ang asawa ko karga ang isang tao g gulang naming bunso na si Scot Akiro.

"Daddy!! I said play with us" pangungulit ni Scarlet

"Baby, let's play later. Okay? I'm a bit tired"

"But...daddy" halos maiyak na sabi niya

Wala akong magawa kung hindi iupo siya sa mga hita ko at sumali sa laro niya na puro dolls naman lahat.

"Daddy should take a rest Scarlet. You're so maarte naman" sambit ni Scorpius

"Shut up! Ikaw nga conyo, hindi ko naman pinapakialaman!"

"Ano ba yan? Kayong dalawa puro bangayan. Tatlong taon pa nga lang kayo ang gulo niyo na. Scorpius, stop annoying your sister. Scarlet, stop being so maingay. Natutulog si Kiro"

Natiklop naman ang dalawa dahil mommy na nila ang sumita sa kanila. Sa amin kasing dalawa, Si Aki ang nagdidisiplina sa kanila. Habang ako naman, well, masasabi kong lahat ng luho nila sinusunod ko.

"Delivery po para kay Sir Stephen"

Agad akong tumayo para kunin yung package. Inorder ko pa 'to sa Japan para kay Scorpius at Scarlet.

It's a digital bed with holographic effect. It costs millions, but I don't care. Para naman sa mga anak ko 'to

"Huwag kang lalapit sa akin, alam ko laman niyan!"

"Hon, last na 'to promise"

"Last? Ganyan din noong nakaraan! Binilhan mo sila ng tablet na hindi ko malaman kung bakit ang mahal ng presyo!"

"Please, hon. I promise, I will not buy again"

"Talaga lang. Baka masapok na kita dahil dyan sa ugali mo. Isusumbong kita kay Mom at Dad"

Tinalikuran na niya ako habang si Scarlet at Scorpius naman ay masayang umakyat sa kani-kanilang kwarto para tingnan ang pag aayos sa kwarto nila. Sumilip ako sa pool side ng bahay at nakatayo lang siya doon karga si Kiro.

"Huwag kana magalit, hon" yumakap ako mula sa likuran niya

"Tumigil ka nga, si Kiro mahulog"

"Huwag ka magalit please. Ayokong matulog sa guest room, gusto kong katabi kayo ni Kiro"

"Edi dapat umayos ka. Nakikita mo ba si Scorpius? Conyo na masyado, si Scarlet naman ang arte na. Please wag mo sila bigyan ng sobra-sobra, I know it's just a piece a cake for you. Pero sana huwag mo sila bigyan ng mga bagay na alam mo at alam natin na hindi nila kailangan"

I'm guilty, lahat kasi ng mga ibinibigay ko ay luho talaga. Pero I make sure naman na ang perang binili ko ay galing sa bulsa ko.

"I promise. Last na talaga 'yan"

"Fine—kargahin mo si Kiro magluluto ako"

Inabot niya sa akin si Kiro na ngayon ay nagngangata ng biscuit. Mas hawig niya si Kiro mula sa mata, bibig, hugis ng mukha, at kilay. Ang nakuha lang sa akin ay ang ilong ko, dahil mas matangos ilong ko kaysa sa asawa ko. Pati rin ang buhok ay nakuha sakin, medyo kulot iyon.

Noong bata pa kasi ako ay medyo kulot ang buhok. Ayon yung namana ng dalawa kong anak na lalaki.

Si Scarlet at Scorpius naman ay mas hawig ko, tanging nakuha lang nila sa mommy nila ay ang bibig. Mestizo at mestiza ang mga anak ko kaya naman napaka swerte namin na biniyayaan kami ng magandang lahi.

Sa pagalingan naman ng utak, masasabi kong namana nila iyon sa mommy nila. At the age of three ay pumapasok na ang kambal sa school, laging sumasali sa activities. Kakikitaan na din si Scorpius kung ano ang gusto niya paglaki, maging abogado. Tuwang tuwa kami doon dahil nakikita namin si Eric sa kanya.

Si Scarlet naman ay sanay sa panunuod ng mga medical videos, pero kung minsan ay nalilipat ang atensyon niya sa fashion industry.

Bata pa naman sila, kaya kahit ano pa ang gustuhin nila o magbago man ang isip nila ay susuporatahan namin.

Masaya kaming kumain ng hapunan, maagang natutulog ang mga bata. Si Kiro naman ay kinuha nila Mama, doon daw muna sa kanila para makalaro si Warren ang anak ni ate Joy Cris at kuya Wilson.

"Ang ganda mo hon" bati ko sa kaniya ng nakalabas galing sa banyo

"Tigilan mo ako. Hindi porket wala si Kiro ay susunggaban mo ako"

"What? Hindi ah! Sinabi ko lang naman na ang ganda mo. At saka diba, nangako ako na last na si Kiro?"

"Talagang last na! Ayokong bumuo ng basketball team! Ang hirap manganak!"

"So...pwede cuddle?"

"Cuddle?" nakakunot-noong tanong niya

"Cuddle with a twist" nakangising sagot ko

"Isa—Ay!! Hoy ibaba mo ako!!" sigaw niya

Wala pa din siyang pinagbago, nadagdagan ang pagsusungit niya pero ayos lang sa akin 'yon.

"Pakiss lang" nakangusong sambit ko

"Tumigil ka! Alam ko 'yang ganyan! Kiss lang tapos bigla nang maglalaro kamay mo! Hoy ganyan dahilan mo sa'kin kaya nabuo si Kiro!"

Natawa ako sa sinabi niya. It's true, ganon ang paraan ko. Pero natigil na 'yon nung nanganak siya kay Kiro, muntik kasi siyang ma CS dahil sa hirap sa pagbubuntis.

"Promise, kiss lang"

"Kiss lang talaga?" paninigurado niya

"Oo! Promise hon, gentle kiss"

"Oh sig—"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Hinalikan ko ang labi niya ng banayad at hindi ganon kapusok. Simula ng makasal kami mas lalo kong minahal ang asawa ko, napaka buti niyang ina sa mga anak namin. Iniwan niya ang trabaho niya para huwag lang kami mag hire ng yaya sa mga bata.

Nakapatong ako sa kanya, ipinulupot niya ang mga braso niya sa leeg ko. Damn! She's so hot! Hinagod ko ang buhok niya habang naglalaban ang mga dila namin.

Ayaw palang masundan si Kiro pero siya pa ang mas aggressive sa akin.

"Mommy!! Daddy!!" sigaw ng kambal

Sinipa niya kaagad ako dahilan para mahulog ako sa kama naming dalawa, saktong pumasok naman yung dalawa.

"A-Anak! Ano kailangan niyo?" gulat na tanong niya

"Gusto po sana—Daddy! What are you doing there?" masungit na tanong ni Scorpius

"Me? Ahm...I, looking for my pen!" dahilan ko

"Oh? Okay?" nagtataka pa ding tingin niya sakin

"Anyway, we're here because we want to sleep here!" maganang sabi ni Scarlet

Napabuntong-hininga nalang ako. At inayos na namin yung kama, malaki 'tong kama naming mag-asawa. Mung tutuusin, kasya kaming lahat dito.

"Good night everyone!" sigaw ni Scarlet

"Tss...so loud" sambit ni Scorpius na yumakap na sa akin

Nang masiguro ng tulog ang dalawa ay nagkatinginan kaming mag asawa.

"Oh diba? Hindi nila kailangan ng digital bed" pang-aasar niya sa akin

"Whatever"

"Nabitin ka?" halos matawa siya sa tanong niya

"Shut up hon, let's sleep"

"I love you"

Nawala agad yung inis ko sa kaniya, walang makakatalo sa "I love you" niya. Isang sabi niya lang non lahat ng pagod, inis, galit, at lungkot ko nawawala.

"Mahal na mahal kita Stephen. Salamat at binigyan mo kami ng mga anak natin ng magandang buhay"

"No, thank you for choosing me. Thank you for loving me. Kung wala ka, hindi ko alam ang gagawin ko. I love you more than anything in this world, hon"

Napangiti siya sa sinabi ko at niyakap na niya ulit si Scarlet.

Our marriage wasn't perfect. There were times that we argued a lot and fight for small things. But at the end, we're still here. Holding each others hand, making our paradise more bigger and beautiful.

Who would have thought that the one who used to make many women cry, would have a happy family with the woman who changed him.

I thought, I can live alone. But I'm wrong, I can't live without them by my side.

Patuloy kong mamahalin ang pamilyang binuo ko kasama ang mga anak namin.

It is not too late for you to find the person you love and show you how to live happily in this world. Even if you face many problems together, you will solve it together.

It is not bad to hold the hand of the person who will take you to a happy paradise and will always make you happy.

|END|

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

5.4K 74 45
Morgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body...
1.9K 282 30
She's a freelance writer. At katulad ng mga bida sa mga storya sa pocket books na ginagawa niya ay, malambing siya, maharot, at maganda syempre. Ku...
40.2K 1K 50
( A story of Shakeera's sister and James brother. THE MAN BEHIND THE MASK) This is a love story of Shaina Alcantara and Jason Arth Smith. A story bet...
69.4K 1.2K 37
LUKE DAVID NATIVIDAD IS ONE OF THE RICHEST MAN ALIVE IN JUST HIS AGE. WHILE ON THE OTHER HAND, CASSANDRA LHYN SANCHEZ, A SIMPLE WOMAN WITH A BIG HEA...