Look, I found you (UNDER REVI...

By CloudedTale

9.8K 1.4K 673

How does it feel to be a character in the story or in a comic book? What if you are not aware that you are in... More

LAPSES
MENTAL ILLNESS?
GLIMPSE OF THE FUTURE?
WORLD OF COMICS
IN DENIAL
FATE OF AN EXTRA
DOING MY ROLE
ZACK'S ROLE
IRREFUTABLE PROOF
THE SCENE CHANGED
THE PROTAGONIST'S CONFLICTS ARISES
LITTLE THINGS
TRYING A CHANGE
FINDING MYSTERY GUY
PLANNING TO MARRY
SECRET HERO
FIELD TRIP
TREVOR'S REJECTION
WISHING STONE
I REMEMBER YOU
LOST IN THE WOODS
HIRO
GETTING CLOSE
ZACK MEETS HIRO
TREVOR'S JEALOUSY
BAD CHANGES
WITH HIM
GLIMPSE OF THE PAST
TREVOR CARES
JAXTON'S MOTHER
JAXTON'S BIRTHDAY
CELEBRATION OR NOT?
HIRO IS MISSING?
TREVOR KNOWING THE TRUTH
YOU WON'T BE HIM
ALORA'S HARD TIME
DISTRACTION
HIRO IS BACK
DREAMY DATE
EDGE OF DYING
SAVING ALORA
A GOOD NEWS?
HURT
AWARENESS AND DISAPPEARANCE
AWARENESS AND DISAPPEARANCE 2
FEW LAST PAGES
SAME ENDING?
PAIN REMEMBERS
SAY MY NAME
A BRAND NEW START

TRIVIAL HIM

158 28 4
By CloudedTale


CHAPTER 16:


Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay para akong tanga na sinasampal-sampal ang pisngi ko. Wala yata akong pakialam kahit may makakita sa akin sa school grounds, na ganito ang mukha ko. I am so disappointed in myself.


Bakit ka nag-yes na magpa-engage kay Trevor, Alora? Nababaliw ka na!


Ang tanong ko ngayon, will I find him? The guy who help me? I skip my classes para lang makita siya, tapos mauuwi lang sa pag-aayos ng engagement namin ni Trevor?


"If I found him, again? Anong sasabihin ko? 'Hello!'" Napailing ako, at naisukbit ang nakalaylay kong buhok sa magkabilang tenga.


Nasa hallway na ako at naglalakad na papunta sa room namin.


"E, kung 'Kamusta ka?', "Hello, I'm Alora!'" Para akong baliw, na nagpa-pra-practice pa ng sasabihin kung sakaling mag-krus na ang landas namin.


Nang tumapat ako sa harap ng classroom namin, ay tumindig ako ng maayos at huminga ng malalim. Naglagay din ako ng ngiti sa mukha ko, para hindi halatang dalawang lalaki ang iniisip ko. The other one who gave me stress a lot lately, and the other one whom I will put my faith on.


Nang hawakan ko ang door knob, ay may kasabay akong nagbukas noon. I feel my heart is beating so fast.


Susumpong ba ang sakit ko?


Nag-angat ako ng tingin ng makita ang lalaking nasa likuran ko. It's him, It's the guy! Napatingin din siya sa akin. Ako na ang unang nag-iwas ng paningin, I also clears my throat at confident na Alora ang pumasok sa loob ng room.

Tiningnan ko kung saan siya uupo. Sa may tapat siya ng bintana umupo kung saan nasisinagan ng araw. I feel something different about him, I feel like I've known him before. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakakaramdam nito.

Nakapalumbaba din akong pinagmasdan siya, grabe 'di ako makapaniwalang kaklase ko pala siya. Bakit hindi ko siya napansin noon? Hindi pa ako nakuntento, at nilapitan siya. Naupo ako sa harap na silya, para makita ko siya ng malapitan.


"Hello! Kamusta? I'm Alora, Ikaw?" masiglang bati ko kaagad, pagkaupo ko.


Hindi siya nagsalita, at tiningnan lang ang kabuuan ko. Hindi niya siguro ako natatandaan. He's more trivial than I thought, He is so quiet.


"Oh!" naibulalas ko. "Wala ka pang pangalan sa name pin mo?" Sabay turo sa name pin na nakakabit sa may bulsa ng uniform niya.


A nameless extra?

Halos patakbo akong nagtungo sa table ng teacher namin. Nandoon kasi ang classbook ng buong section namin, kasama na ang mga mukha namin. Tiningnan ko ang pangalan at mukha ng mga kaklase ko, at kung kabilang siya sa klase namin.


"It's him!" nasabi ko nang makita ang mukha nito sa classbook. Napatingin ulit ako sa pwesto niya, at nalungkot. "Wala ka ngang pangalan. You are nameless number 13."



*Sound clicks* (THE STAGE)


Napadilat ako ng mata, nakabalik na ako ulit sa upuan ko. Tiningnan ko rin ang pwesto na inuupuan ng nameless extra. He's gone.


"Alora!" Tuminag ako at hinarap si Trevor na tinatawag na pala ang pangalan ko.


"T-Trevor.."


I'm a naive Alora once again.


"Pagbutihin mo 'yung pag-arte sa susunod na family dinner natin, ah? Umayos ka, at huwag mo 'kong idamay ulit dyan sa sakit mo." Napahawak siya sa arm desk ko, at nag-ikot ng paningin.


Nakayuko lang ako, habang nakatingin ang mga kaklase ko sa aming dalawa. As usual, siya ang unang nag-walk out. Kasabay ng pag-alis niya ang paghabol sa kanya ng mga babae.



*End of stage*



Nang matapos ang isang klase namin ay lumabas muna kami nina Becky at Karl sa labas ng classroom.  Silang dalawa ay nag-aasaran, habang ako ay nakatingin lang sa labas.


"Ang tahimik mo ngayong nakakaraang araw, may problema ka ba?" tanong ni Becky sa akin.


"Yeah, malaking problema." I rolled my eyes, at nagpalumbaba.


Hindi pa nila alam ang tungkol sa nangyari sa amin ni Trevor, at wala rin naman akong planong ipaalam dahil for sure malalaman din nila 'yon, dahil iyon ang set-up ko.

Wala ako sa sariling pumasok sa loob ng classroom, at naupo sa pwesto ni nameless extra number 13. Natanaw ko rin si Claire at Jaxton, sa tingin ko ay nagkakamabutihan na sila lalo't nasa stage silang pareho.

Natatanaw ko sila dito, dahil sa second floor ang room namin. Sadya sigurong mahilig si Claire sa mga halaman, nakangiti pa kasi ito habang tinutulungan siya ni Jaxton magdilig.


"Huy, anong sinisilip mo dyan?" Narinig ko ang boses ni Zack.


"Bakit ka nandito? Wala rin kayong klase?" tanong ko kay Zack. Hindi ko naging kaklase si Zack dahil nasa ibang section siya. Wala lang sa kanya iyon, at libreng pumapasok sa loob ng room namin, sakaling pareho kaming walang mga klase.


Tumayo ako, at lumipat sa kabilang bintana. Sinundan naman ako ni Zack, at sumilip din sa labas kung sino o ano ang tinitingnan ko.


"Oh," naibulalas niya. "May bago pala tayong estudyante dito?" Sabay turo niya sa lalaking nakaupo sa isang stone bench na nasa ilalim ng isang puno.


Nagulat ako sa sinabi niya, si nameless number 13 ang tinutukoy niya. Nagkatinginan kami, at hinatak ko naman si Zack, pababa upang mapayuko kami. Nakaupo kaming pareho sa tabi ng wall sa may bintana.


"Bakit tayo nagtatago? Ikaw, ah?" Nakuha pa nitong magbiro.


Pasimple akong tumayo at sumilip sa bintana. Nakatingin pa rin siya sa sa pwesto namin! I don't know why are we hiding, pero hindi ko alam ang gagawin ko. I feel uneasy in his presence.


"Is that him? 'Yung tinutukoy mo?" tanong niya, at tumayo na.


"Yup, ewan ko pero parang tinablan ata ako ng hiya." pagkasabi ko no'n ay tumayo na rin ako at hindi na tumapat sa bintana.


"Ano nang gagawin mo ngayon?" tanong ulit niya, at nagpamulsa ng mga kamay.


"I'll go to Curry fairy. titingnan ko kung kasama talaga siya sa loob ng comic book."


Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at kinuha ang bag ko, at saka lumabas ng classroom.


"Teka, sandali! Sasama ako." Narinig ko pang habol ni Zack.


Pagkadating namin sa cafeteria ay walang anu-ano'y pumasok na kami diretso sa loob ng kitchen. Naabutan namin si Curry fairy sa chef attire niya, at nagpreprepare ng mga gulay. Mukhang kakatapos lang niya itong hugasan dahil nagpupunas na siya ng kamay nang maabutan namin.


"Kamusta kayo? Himala at pinuntahan n'yo ko ulit dito?" ani Curry fairy, at nagdala ng chopping board at kutsilyo sa isle table. Kinuha din niya sa kabilang table ang bowl ng mga gulay na hawak niya.


"Nasa sa'yo 'yung comic book?" tanong ko kay Curry fairy.

Napailing siya, at nag-angat ng manggas ng suot niyang chef's coat. "Ayan na sa harap mo," aniya at naupo sa dulo ng isle table.


Binuklat ko ulit iyon, at tiningnan ang huling page ng libro. Naka-drawing ang eksena namin ni Trevor sa loob ng classroom, ganu'n din ang kina Claire at Jaxton kanina sa may garden area.


Nakadrawing nga doon si nameless number 13, sa pwesto niya kanina ngunit hindi naman maayos ang pagkakadrawing sa kanya.


"Nandito nga siya bilang extra, pero ang pangit naman ng illustration niya dito." Nalungkot ako, at nadismaya.


His face is so beautiful tapos ganu'n lang ang mukha niya sa comic book, bara-bara at hindi maayos maski man lang ang mukha niya.


"Nakita mo na pala ang lalaking hinahanap mo?" usisa ni Curry fairy, Nag-crossed arms pa siya at tumigil sa ginagawa sa paghihiwa ng gulay.


"mmm. I don't think he remembers me, mas misteryoso pa pala ang papel niya sa mundong ginagalawan natin," sagot ko.


"Ano ng plano mo Alora?" singit naman ni Zack.


Binitawan ko ang comic book, at tumayo ng maayos. I'm determined to change my fate no matter what.


"I'll continue what I started. I'm going to change my predetermined fate as Alora with a heart disease and my fate as a fiance of Trevor." Malakas at confident kong sagot.


Walang makakapigil sa akin, si Curry fairy man or ang mismong writer. Lalo na't nahanap ko na ang makakatulong sa akin, para mabago ko ang kapalaran ko.



Author's note:

Please vote, comment & continue to support this story! Lovelots💙

Continue Reading

You'll Also Like

64K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
1.9K 58 50
Hearts and Beeps Series 19 A book lover, A chickboy, A childish, and A badboy and you. Tale as old as time sabi sa isang kanta, hindi man ako si Bell...
2.7K 606 33
It was summer when I met him, and summer when I lose him. Every sound of the waves and smell of the beach reminds me of you. Every song that I'm list...
5.4K 241 33
FANGIRL SERIES #1: YOU ARE MY STAR by pinkishrose02 Mula nang mabigo sa pag-ibig, isinumpa na ni Rysemaro Cassy Trinidad (23years old) sa isang malak...